Chapter 5

30 3 1
                                    

Cassiopeia's POV 

Lumayo ako sa mga kaibigan kong pagkain ang topic , napadaan ako sa gawi ni Lasti.

Nagkatitigan kami.

"Pagbabayaran niya ang ginawa niya kung sino man siya , humanda yung taong yun sakin"sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Kung bakit ba naman kasi ang lakas ng loob kung mambutas ng mamahaling kotse eh! pero parang di naman galit sakin si Lasti? 

"Sabay ka na lang samin?" Paganyaya ko kaso nilagpasan lang ako at pumunta sa kotse niya.

Bumalik ako sa mga kasamahan ko.Lumuwang ang mga mata nila na tila ba nakakita ng multo.

"Let's go" maawtoridad niyang sabi saka nauna na sa van.

Halos maubusan ako ng laway. Diba sabi niya kanina wala daw siyang tiwala sa mga tao. Seriously? si Lasti , makikisabay saming mga empleyado niya lang?

Marj's POV

Nakabili na kami ng pagkain lahat lahat wala pa ding umiimik samin.Napanis na ang aking precious saliva , kating kati na ang dila ko magsalita pero nahihiya ang kagandahan ko.Andito kasi ang demonyo naming boss kaya tikom muna ang aking kissable  lips.

Hanggang sa marinig ko ang paglagok ni Danny ng mineral water , napataas tuloy ang kilay ko.

"Wala na bang mas lalakas pa sa paginom mo ng tubig?"sarkastiko kong tanong.

"Oo nga , its so nakakairita" maarteng pahayag ni Shaney.

Umirap lang si Danny kaya naman kamuntikan ko na siyang mabatukan.

"Oh My ! Wala ng manggo ? I want to eat pa eh!"nakasimangot na sabi uli ni Shaney.

"Kung wala na , tama na.Di yung patuloy mo pang hinahanap ang bagay na alam mong ubos na" sabi ni Cassio.

"Oo nga naman , wala na nga patuloy ka pang umaasa na sana meron pa" dagdag ni Danny.

"Tsk!tsk!ang sakit kaya 'nun" sabi ni Cassio.

"Pagkain lang yung usapan ang lalim ng pinaghuhugutan niyo"sabi ni Jai.

"Sus! torpe!" sigaw ni Danny kaya naman halos magising na ang diwa ng mga kasamahan naming paidlip na. Buti na lang at tulog mantika si Mr. Lastimosa.

"Di ako torpe" sagot ni Jai.

"Pero mahal mo?"tanong ni Danny sabay ngisi.

Jai'S POV

"Pero mahal mo?"tanong ni Danny.

Oo , since high school pa.

"Basta di ako torpe  , nagparaya lang"sagot ko.

"Ganun din yun"sabi ni Than.

"May boyfriend eh , alangan namang agawin ni Jai"sabi ni Adam habang nagdadrive.

"Teka nga , sino bang pinaguusapan niyo?"tanong ni Cassio na nakakunot ang noo.

"Di makarelate ang kagandahan ko" sabi ni Marj 

"Di ka lang makarelate , eetchapwera mo na yung 'kagandahan'" pambabasag ni Mariko.

"So ? sino nga ang pinaguusapan niyo?" tanong din ni Iris.

"Who's the lucky girl?" tanong rin ni Shaney.

"Tsismosa kayo! kanina tulog kayo tapos ngayo-" di na naituloy pa ni Adam ang pambabasag niya dahil sumabat ang dakilang bungangera.

"Hanggang dito lang ang usapan , DITO OH! DITO!" sigaw ni Iris saka may ginawa pang ritwal. Paano ba naman kasi , dinemonstrate pa kung hanngang saan lang talaga ang usapan.

"Oh eh bat ka kasama?!" bwisit na tanong ni Iris

Magkatabi lang kasi si Adam( na nagdadrive) at si Iris kaya kung tutuusin dapat di rin kasama si Iris.

"Maganda kasi kami Adam" pagtatanggol ni Marj tyka ngumiti ng malapad, tumatango tango pa siya habang pasimpleng dumadampot ng Nova kay Shaney.

"Nagbabyahe na tayo lahat lahat nagmumura ka pa din. Lakas ng loob ah!" sabi ni Cassiopeia na tinawanan namin.

Cassiopeia's POV

Bigyan niyo ako ng kahit isang pagkakataon lang para manakit, babatukan ko lang sina Iris at Marj. Ang yayabang! Kahit tig isa lang sila.

"Hoy!paabot ako ng V cut " utos ni Adam kay Iris na naseselfie saka ngumuso sa may supot.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Iris saka nagside view at tinutok ang cellphone samin kaya kusa kaming napapangiti. 

"Magmamarathon, sama ka?" Sarkastiko nitong tanong.

Napapailing na lang kami habang nakikinig sa kanila.

"Ano nga? Sipain kita diyan eh" banta ni Iris habang ino-off ang phone. Andami na siguro naming stolen pic sa gallery niya, isa kasi sa paniniwala niya dapat daw halos lahag ng galaw namin may picture para naman kapag tumanda daw kami may titignan kaming picture. Labo ng  explanation niya noh ?

"Kakain malamang"sagot ni Adam.
Nakita ko sa salamin ng sasakyan na umirap siya.

"Nagdadrive ka oh" sabi ni Iris saka tinuro si Adam.

Nakapangalumbaba ako habang pinapanuod sila.

"Subuan mo siya" utos ni Danny kaya naman napa-ayiiiiiii kami.

Nakarinig kami ng malakas at magkasabay na "EWWWW" sa dalawa.

"Gusto mong mabagga tayo? " tanong ni Than kay Iris. Mabilis na umiling si Iris.

"Naman pala eh. Kaya nga subuan mo si Adam-" hindi pa man din natatapos si Than sa sasabihin niya ay marahas na dumampot si Iris ng Vcut saka sinubuan si Adam. Tatlong magkakasunod na subo yun, bilang na bilang ko.

Tinignan ni Adam si Iris ng masama.

"Oh?! Mageenarte? "Taas kilay na tanong niya.

Magsasalita sana si Adam pero sinubuan siya ni Iris, apat na magkakasunod sunod iyon.

Napipigil ng tawa ang dalawang siraulo  na siya ring may pakana nito. Habang ang mga kasama ko naman ay naguumpisa ng matulog.

"T-tubig" uubo ubong sabi ni Adam saka pinanlakihan ng mata si Iris.

"Saglit lang naman. Nakakangawit ka kayang pakainin. Ang problema kasi sa mga mga tao porke maganda ka di ka na naapagod. Ang hirap talaga pag may obligasyon kang maging maganda,akala ng mga tao perpekto ka. Wala na ba akong karapatang mapagod? " tuloy tuloy niyang sabi habang pinapainom ng tubig si Adam.

Nakakaenjoy silang panuorin.

"Daming sinabi,wala namang kwenta" sabi ni Adam saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nagbubulungan sina Danny at Adam ng tungkol kina Adam at Iris,kesyo bagay daw sila.

"Kuya Jai,matagal pa ba tayo?" Tanong ko na lang. Wala,ayaw kong mapanisan ng laway.
_________________________________________
A/N: Pasensya na, sabaw

The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon