"Langya late na ako" Bulong ko sa sarili ko habang patakbong tumatawid sa kalsada.TWINKLE TWINKLE LITTLE STAR
HOW I WO-Dinukot ko agad ang cellphone kong nagring kasabay ng pagtingin sakin ng mga nakakasabay kong maglakad. Oo na , Twinkle Twinkle na ang ringtone ko.
"HOY! CASSIOPEIA ! ASAN KA NA BA?! BILIS BILISAN MO NAMANG KUMILOS AT-"
Pinutol ko na ang sasabihin pa ng kaibigan kong si Marj bago pa mabasag ang eardrum ko.
"Sorry Marj, late na ako pero wag kang magalala malapit na ako " Paliwanag ko.
"Naku Cassiopeia ha?! Para sa iyong kaalaman, hindi kaaya aya na paghintayin ang mukha Kong pinagpala sa ganda" Pagmamayabang niya.
"Umagang umaga, nagmumura ka." Pamimilosopo ko sa sinabi niya.
"TSE! Bilisan mo at ayokong nasasayang ang poise ko sa kakahintay sayo." Sabi niya kaya napahawak ako sa labi ko.
Pinipigilan ko ang pagtawa ko kaya di nalang ako nagsalita.
"Hihintayin ka namin nila Iris dito sa may tapat ng office ni Mr. Lastimosa. Sabihin mo lang ang pangalan ko papasukin ka ng guard. Sabi ni Marj .
"Pero Marj di ko alam kung Saan yung-"
Di ko na naitutuloy pa ang sasabihin ko kasi binabaan ako ni Marj. Wala pa man din akong load.Oo naghihirap ako kaya nga ako magaapply ng trabaho eh. Sana lang matanggap ako.Inipit ko muna sa kaliwang kilikili ko ang envelope na naglalaman ng mga kakailanganin para sa interview ko.
Ngumiti ako ng malapad ng mapansin kong patapak na ako sa entrance ng kompanyang aaplayan ko. Ibinulsa ko ang cellphone ko gamit ang kaliwang kamay.
Binati ako ng mga guard atyaka sinabi ang pangalan ni Marj para papasukin ako kaya taas noo akong humarap kaso--"Aray" Reklamo ko.
"Ouch" Reklamo din ng nakabangga ko.Sosyal niya ah , ouch daw . Englishan ha?! Ano naman? Parehas lang naman kaming nasaktan . Pag narinig nila Marj tong pinagsasabi ko , panigurado sasabihin na naman nila sakin ang salitang Hugot.
Pero ang sakit sa forehead ah 'nung pagkakauntog ko."Sorry Miss , di ko sinadya " Paghingi niya ng tawad . Aba eh lalaki naman pala eh , makaouch kanina mas maarte pa kaysa sakin.
"Yun na nga eh , di mo sinadya pero ang sakit pa rin " Sabi ko.
"Tsk " tipid niyang sabi at pinulot na lamang yung envelope kong nahulog , ngayon ko lang din napansin. Minsan pala di mo napapansing may nafafall na pala.
Bakit ganun? Kinuha niya yung envelope pero di niya pa binibigay ? Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.
"Akin na nga yang envelope ko. Ang problema kasi kahit hindi sayo inaangkin mo. " sabi ko atsaka kinuha ang envelope mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.