Nakarating na kami sa beach resort , katatapos nga lang ako turuan ni Lasti magswimming.
"Lasti. Y-yung alon" taranta kong sabi habang nakahawak sa balikat niya.
Kahit tinuruan na niya ako lumangoy nakakatakot pa din.Tumawa lang siya saka ako binuhat,yung parang sa kasal.
"Bitawan mo ako!" Sigaw ko.
Kaya naman binitawan niya ako. Napalangoy tuloy ako ng wala sa oras.
Tinignan ko siya ng masama.
"Pffffft what? Sabi mo bitawan kita" sabi niya. Yan na naman ang tawa niya. Nakakabwisit,promise!
"Nakakainis ka!" Sigaw ko atyaka siya pinagsusuntok sa dibdib. Ang lakas pa ng loob niyang mashorts lang! Papansin! Binabalandra lang naman niya yung katawan niya eh.
"Galing mo nga lumangoy eh" sabi niya kaya napatigil ako sa pagsuntok sa dibdib niya.
"Para lang palakang nalulunod" dagdag niya ,umakyat lahat ng dugo ko. Hindi na ako nakapagpigil kaya nagpiggy back ako atyaka siya sinakal.
Di man lang siya magalit. Tawa lang siya ng tawa.
Hindi ko nga alam kung bat ganto niya ako itrato ngayon eh ang sama sama ko sa kaniya. Kung tutuusin dapat di ko siya itrato na parang kalevel ko lang , secretary lang ako at siya ang boss. Dapat alam ko ang limitasyon ko.
"Mori ? Are you listening ?" Tanong niya saka kumaway kaway pa sa harap ng mukha ko tapos nagumpisa siyang maglakad at umahon mula sa tubig.
"Ha ?" Tanong ko din saka nilapit ang mukha sa tenga niya.
Ibinaba niya ako ng marahan.
"May tanong ako di mo man lang sinasagot " nakasimangot nitong pahayag saka naglupisay pa sa buhangin.
"Ano ba kasi yun ?" Tanong ko saka umupo sa tabi niya.
"Bakit mas naaalala ng tao ang masasakit ma memories kaysa sa masasaya ? Bakit kailangang maalala kung alam namang masasaktan sila " Tanong niya tyka nagsimulang bumuo ng sand castle.
"Ilang bote ng baygon ang nalagok mo at ganiyan ka ?" Pagiiba ko ng usapan.
"Baygon ? Ano yun ?" Inosente niyang tanong.
Sabagay mayaman tyka kanang kamay ni Satanas kaya siguro pati lamok takot tumambay sa bahay niya.
"Pinapainom yun sa mga lalaking mahaba ang sungay. Bili ka kaya , para mabawasan yang sungay mo kahit tatlong pulgada lang " sabi ko tyka ngumiti ng malapad para kunwari totoo.
Binasa niya ako ng tubig tyka sinabing
"Pinagtitripan mo ako !"
"HOY !!!! KAKAIN NA ! TRIP NIYO MAGPATUSTADO DIYAN HA ?! WAG NA KAYONG BUMALIK NG MAY-" bago pa maitulog ni Danny ang sasabihin niya ay binatukan na siya ni Than.
"Ayaw Kong mawalan ng trabaho , siraulo !" Sabi niya.
Ang lapit lapit kasi nila samin kung makasigaw parang nasa kabilang baryo kami.
"Tyaka boss natin yang kinakausap mo" paalala ni Adam.
"Susssss!!! Kunwari nagisip" pangiinis ni Iris.
Natatawa na lang kami ni Lasti na iniwan silang nagbabangayan.
Napadaan naman kami sa dalawang magkasintahan ata , naghihilaan ng lubid."Ouch ! Ang sakit na ng kamay ko " sabi ng babaeng maganda.
"Kapag natalo ka , ikaw manlilibre " paalala ng kahilaan niya.
"Bitawan mo na kung nasasaktan ka na " sabi ko kaya napabitaw ang babaeng maganda.
"Tara na Alexa" sabi nung lalaki. So , Alexa pala ang pangalan nung babaeng maganda. Umalis na ang dalawa na magkaholding hands.
"Ikaw , Cassiopeia bibitawan mo ba kahit alam mong masasaktan ka ?" Biglang tanong ni Adam. Teka , paanong- diba si Lasti kasama ko kanina. Bastos talaga!
"Kahit naman kumapit ka , masakit pa din
Mas magandang bumitaw at least mawawala na yung sakit. I don't want to prolong my agony. " sagot ko."Can I tell a story Cassiopeia bago tayo kumain ?" Tanong niya.
"May girlfriend ako noon , mahal na mahal namin ang isat isa but one day sabi niya makikipaghiwalay na daw siya kasi di na niya ako mahal. Kaso di ako pumayag until now umaasa pa din ako na sana bumalik ang dating kami " kwento niya
Ang tahimik ni Adam pero ganto pala ang story niya.
"Madami ang babae dito sa mundo bat kailangan mong umasa na mahalin ka ng babaeng alam mong matagal ng sumuko ? Di kasi sa lahat ng pagkakataon , pairalin mo ang puso mo. Gamitin mo din ito " sabi ko saka tinuro ang utak niya.
"Mas mataas ang utak kesa sa puso " bulong ko pa.
"Thank you Cassiopeia " sambit niya tyka umalis na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.