Chapter 6

23 2 0
                                    


Cassiopeia's POV

Dahil na din sa kaingayan namin ay nagising ang natutulog na tigre. Pasimpleng nagsidampot ng pagkain ang ilan para di mapagalitan.

" Kain Mr. Lastimosa ?" Paganyaya ni Than saka kumagat sa mansanas.
Inabutan siya ni kuya Jai ng burger , nakakatakam. Parang gusto ko ulit kumain kaso naubos ko na yung burger ko kanina habang nagdadaldalan kami nila Marj.
Lumunok ako ng limang beses habang nakikita kung paano inabot ni Lasti yung burger sa kamay ni Kuya Jai.

"You want some ?" Tanong niya sakin
Tumango tango ako.
Kitang kita ko kung paano hinati ni Lasti yung burger na para lang dapat sa kaniya , dahan daan niya yung iniabot sakin.

" Lasti ? Naiwan mo ata yung sungay mo sa opisina mo ? Akalain mong ang bait mo sakin ngayong oras na to ? Sinong mabait na spirito ang naglakas loob na sumapi sayo ?" Pambibiro ko.

"Balikan natin yung naiwan mo Mr. Lastimosa ?" Pambubwisit ni Than na tinapunan ni Mr. Lastimosa ng masamang tingin.

"Wag na iiwan mo tapos babalikan mo " mataray Kong sabi tsaka sumubo sa burger. Ang mga kasamahan namin , alam ko nakikinig sila. Lalo na yang si Iris at Marj. Kunwari nakaheadeseat yang mga yan pero walang pinapakinggang music. Nakikinig sila sa usapan namin , sigurado ako.

"Sabi nga sa OTWOL , kung mahal ka babalikan ka " pagtatanggol ni Adam Kay Than.

"Hindi lahat ng iniiwan pwede mo pang balikan " sabi ko.

"Di ka mananalo sa hugutan diyan pre " paalala ni Than.

Tumingin ako Kay Lasti na mas mahinhin pa lumamon kaysa sakin.

"Lasti ?" Umpisa ko.

" Hmmnnn?" Tanong niya

"Diba pag business meeting dapat umattend on time ?" Tanong ko.

"Yes." Sagot niya.

"Anak ng binalatang sibuyas ! Lasti ! Alas nuwebe na , kanina pang alas otso yung meeting mo" bulyaw ko sa kaniya.

"Ibang klaseng secretary " iiling iling na sabi ni Than.

"Di naman tayo pupunta sa business meeting." Pahayag niya.

"Ha ? Eh saan ?" Tanong ko.

"At my beach reasort" nakangiti niyang sagot.

"Bat di ako nainform ?" Taas kilay Kong tanong.

"Kaawa awang secretary" sabi ni Danny kaya naman muntik ng lumanding ang palad ko sa kaniya.
"Kaya ba itong mga to ay anlakas ng loob magdala ng salbabida ?" Tanong ko.

"They planned this--" sagot niya
"Pumayag ka naman " sabi ko.

"Yes." Nakangiti niya ulit na sagot.
Nakasimangot na ako lahat lahat nakukuha niya pang ngumiti.

"Sabi mo pag outing sasama ka kahit isang buwan pa " pangaasar niya.

"May pabusiness attire pa akong nalalaman " sabi ko pa.

"Ako din naman " sabi din niya.

"Bat ka kasi nagsuot ng ganiyan eh alam mo naman palang magsuswimming " pamimilosopo ko.

"Para may kasama ka " sabi niya.

_________________________________________

A/N: Sorry sabaw ulit

The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon