Cassiopeia's POV
Nakokonsensya ako sa ginawa ko Kay Lasti. Kanina pa nga siya kinoconvince nitong walo na saamin na lang makisakay , pwede naman kasi yun eh si Lasti lang tong nagpapabebe. Sa totoo lang , pwede din siyang bumili ng bagong sasakyan o di kaya ipagawa na lang niya kahit ngayon pa ,di naman lingid sa kaalaman natin na ubod siya ng yaman
"Its so hard to convince him naman eh " Sabi ni shaney na nagpapapadyak padyak pa.
"Kamuntikan ng mabawasan ang ganda ko" sabi ni Marj.
"Ang hirap kausapin eh , nakakastress sa ganda " sabi ni iris.
"Kinausap ka ba ?" Pamimilosopo ni Adam kay iris
Kilala na kasi namin ang isat isa . Nagaya kasi si kuya Je-Jai na nga lang. Yun nga , nag-aya ng dinner tapos andun din sina Than , Danny at Adam kya eto , nagaasaran na kami.
"Hindi aware si Mr. Lastimosa na may gagawa nun sa kaniya lalo nat alam niyang kinakatakutan siya ng lahat dito. Wala kasing CCTV dito sa parking lot , sa loob lang. " sabi ni kuya Jai kaya mas lalo akong nakonsensya.
Author's POV
Yiiiiiiii~ may POV din ako. Nyhahahahahaha!!!!!!
*ahem*Kanina pa nila kino-convince si Mr. Lastimosa pero di nila magawa. Kasalukuyang naupo sina Than at Danny sa kinauupuan ng mga Girls.
"Wala eh , kanina pa pinapaamo pero tsk mahirap paamuhin ang galit" iiling iling na sabi ni Than
"Parang tiger " sabi ni Danny habang hawak hawak ang noo nito. Halatang natataranta dahil baka mawalan siya ng trabaho,baka siya ang mapaginitan ni Mr. Lastimosa.
Nanahimik ang lahat kung kayat halos mapanis na ang laway ni Danny.
Samantang si Cassiopeia ay di mapakali dahil hanggang ngayon ay nakokonsenya pa din na dahilan kung bakit umiral ang pagiging maarte ni Shaney.
"Cassiopeia , please ? Stop ka sa ginagawa mo , I can't think well" iniisip niya kase kung paano mapapaamo si Mr. Lastimosa.
Nakailang ulit na siyang nagkamot ng ulo dahil sa init at kaba. Syempre, tulad ni Danny kabado din si Shaney dahil baka siya ang mapagbuntungan ng galit ng boss nila. Hindi na masama 'yung dalawang buwan na nagtatagal siya sa kompanya,yung iba nga hindi pa nalilibot ang buong building fired na.
Shaney Suazon Taylor , maarte yan pero sweet. Isip bata , matakaw tyka NBSB.
Umusog si Shaney dahilan para mairita si Marj.
"Nasisikipan ang 36-23-36 vital statistics ko shaney ah" banta niya.
Kampante lang itong nakapangulumbaba pero malalim din siyang nagiisip.
Marj Medina Reverford. Madaldal , mahangin , kinulang height pero nasobrahan sa self confidence , maingay pa at magaling magtago ng sekreto.
Umusog pa si Marj kaya nagulo ang pagseselfie ni Iris.
"Ayan.wala na ! Marj kasi , storbohin mo na lahat wag lang ang kagandahan ko" sabi ni iris.
Iris Gayle Guane. Laging may pinaglalaban. Ayaw patalo. Mahangin gaya ni Marj. Makulit. Walang tigil kakaselfie at madaldal.
"Kunwari pouty lips." Komento ni Adam
Di nalamang pinansin ni Iris ang sinabi ni Adam bagkos ay nagirapan ang dalawa. Nairita si Mariko kaya naman hindi na siya nakapagtimpi.
"Kulang na lang gumulong yang mga eyeballs niyo" Sabi nito
Mariko Intal Ordaleza. Tahimik pero mapangasar ,prangka at may pagkaboyish.
"Sorry , maganda lang umiirap din" pagtatanggol ni Iris sa sarili saka itinuloy ang pagseselfie.
"Ganda ko " bulong pa niya.
"Oo nga " sangayon ni Marj na kapwa niya mahangin.
"Tsk." Sabi ni Adam saka nagkamot ng batok.
Adam Fleiwz Rionvelt , pilosopo pero may point.
"Magkampihan kayong dalawa" sabi ni Than
Than Arkie Verde Shinzua. Mapangasar pero pikon.
"Kasi maganda kami" sabay na sabi ni Iris at Marj
"Bawal magmura" pambabasag ni Cassiopeia.
"Walang mura dun , magic words naming magaganda yun" sabi ni Marj
"Majic words..HOOOOOO!!! Pauso! " kantsaw ni Danny.
Danny Jandro Blackily Hartson. Malambot gumalaw pero sobrang ingay.
Siya ang Tagabasag ng katahimikan"Ingay" reklamo ni Jai atyaka nagkamot ng batok.
Jairus Shakihara Archangel , dakilang torpe pero matalino at wais .
"Bili na lang tayo ng pagkain para sa byahe " anyaya ni Than.
Tinanguan naman ng ilan.
Nagtanungan na lahat lahat maliban lang Kay Cassiopeia na di pa din mapakali."Ikaw Cassiopeia ? Anong gusto mo ? " tanong ni Jai.
"Kahit ano na lang kuya , basta yung pangmatagalan" sagot ni Cassiopeia habang nakapangalumbaba
Mabilis pa sa kidlat sumagot ang walong kasama
"HUGOT!" At syempre MA's rinig ang Bose's ni Danny.
"Anong hugot dun ? Sabi ko yung pangmatagalang pagkain , di yung nadaling mapanis " paliwanag ni Cassiopeia.
"Ahhhhh" Sabay sabay na sabi nung walo.
Nagpipigil naman si Cassiopeia na iuntog ang mga ito sa kaingayan.
_________________________________________
NOTE: Naipakilala ko na sina Cassiopeia at Baran sa prologue kaya di ko.na sila ipapakilala dito sa chapter na to. MA's maganda kung isa na lang pagpapakilala , sabi nga ni Cassiopeia , matuto ring MAKONTENTO SA ISA ;)A/N: thanks sa pagedit ng book cover ko TryToLookEilleg , the best ka sistah
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.