Chapter 3

46 6 1
                                    

Cassiopeia's POV

Papaalis na ako sa office ni Mr. Lastimosa. Dahan Dahan kong isinara ang pinto, highblood na naman siya eh.
"Pwde na tayong magusap?" Halos mapatalon ako sa gulat pero mas pinili kong lumingon sa direksyon ng nagsalita.

Si Jai lang pala. Eh?! Di sila magkasama ni Marj?

"Oo naman." Sagot ko na lang.

"Uhmmm... si Marj?" Dugtong ko sa sagot ko sa ka niya.

"May pupuntahan pa daw. Susundin ka niya mamaya."sagot ni Jai at nagumpisa ng maglakad.

Nakapamulsa si Jai habang naglalakad kaya sumunod ako sa kaniya.

"Narinig ko ang usapan niyo ni Mr. Lastimosa sa loob" sabi niya.

Nanatili akong tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Nakita ko rin ang mga expressions niya kanina." Dugtong niya.

"Paano mo nakita?" Takhang tanong ko.

"May mga hidden camera sa loob ng office. May nilagay din kaming device sa loob na kahit gaano pa kanina ang boses mo, maririnig namin." Sagot niya.

"Namin? Hindi lang ikaw ang nagmomonitor dun?" Tanong ko.

"Apat kami. Si Than, Danny, Adam at ako. Binabantayan namin ang mga taong nakikihalubilo kay Mr. Lastimosa para sa kaligtasan niya kabilang sa mga binabantayan namin ang mga nagiging empliyado niya. At di niya alam ang tungkol dito." Sagot niya.

"Ano pang gusto mong pagusapan natin?" Tanong ko.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa mga magulang mo. " sabi niya.

Tapos may iniabot siya sa king mga litrato kung saan andun ang mga magulang ko na nakaluhod habang nakatutok sa kanila ang mga baril ng mga kalalakihan.

"Paano mo nakuhanan to?" Tanong ko habang pinipigilang umiyak.

"Nagaral ako dati bilang isang detective,sundalo at lawyer. " sagot niya kaya napakunot ang noo ko.

"Matalik na magkaibigan ang mga magulang mo at magulang ko. Dalawang taon ang lamang ko sa edad mo. Bata ka pa noon at tinuring mo akong kuya. Naghihiraman pa tayo ng mga laruan. Isang araw, hiniram ko ang camera mo dahil nagagandahan ako sa kulay nito at sa linaw ng pagkakakuha niya ng litrato. Nung isusuli ko na sana ang camera mo, nadatnan ko ang ganiyang pangyayari. Kinuhanan ko ng litrato dahil alam kong malaki ang maitutulong nito pagdating ng panahon. " kwento niya.

Di ko na napigilang umiyak.

" Wala akong nagawa kundi kumuha ng kumuha ng litrato kahit pa palihim. Wala akong ibang naririnig na bukambibig ng mga kalalakihang pumatay sa mga magulang mo kundi ang salitang ' kayamanan' hanggang sa pinaulanan na ng bala ng baril ang mga magulang mo... sa ulo pati sa katawan. Pumasok ako sa bahay pagkatapos umalis ang mga kalalakihan.
'Nasa hidden area si Cassiopeia, alagaan mo ang anak ko' yan ang sabi sakin ng mommy mo. Kaya pinuntahan kita... hawak hawak mo ang isang notebook at maliit na box. Una mong pambungad sakin
'Shhhhhh ka lang kuya hihihihi naglalaro kami ng tagu taguan nila mommy at daddy'
Wala kang ka malay malay na ang tagutaguang sinabi mo ay alibi lang ng parents mo para di ka magalala"
Kwento niya muli habang pinapakita sakin ang iba pang kuha niya ng litrato.

The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon