Adam vs Iris (Part 1)
-
One month laterAdam's POV
"ADAM !!!! ANG TAGAL MO ! BALAK MO BANG PAGHINTAYIN ANG KAGANDAHAN KO ?! SAMPUNG INSEKTO NA ANG NAKITA KONG SUMASAYAW SA BOMBILYA HANGGANG NGAYON WALA KA PA !!!" rinig kong reklamo ng babaeng nanggaling sa baol ng kayabangan , walang iba kundi si Iris. Kakapasok ko pa lang boses niya agad ang narinig ko -_-
"Sinabi ko bang hintayin mo ako ?" Tanong ko saka binigyan siya ng bored look.
"Aba't talagan-" inambangan niya ako ng hampas gamit ang upuan buti nang-awat si Danny.
"Oh ! Oh ! Di ba kayo nagsasawa magaway ? Araw araw kayong nagsisigawan ! Karindi !" Sermon niya
"Siya nauna eh , kanina pang alas singko ako naghihintay ng makakasama magayos ng mga upuan at lamesa dito. " paninindigan niya.
So ?! Pinupunto niya na late ako ganun ?
"Hoy! Mawalang galang na pero 4:47 andito na ako , nginawngawan mo ako ng tatlong minuto kaya -" pinutol niya ang sasabihin ko saka nagcross arms
"Ako pa ba ang may kasalanan " umpisa niya saka tinuro turo ang sarili
"Hoy ! Mawalang galang na din pero hindi katanggap tanggap na sisihin mo ang kagandahan ko !" Sigaw niya saka ako pinanlakihan ng mata." Iris , alas singko uno pa lang naman ah kung tutuusin hindi late si Adam." Pagtatanggol ni Danny saka ako inakbayan kaya naman pasimple kaming nagapir ng patalikod , may naramdaman akong basa. Shocks ! Mantika , bat di ko naalala na isa pala sa tagaluto namin si Danny.
"Akala mo may kakampihan ako ah" bulong niya. Kainis ! Kala ko pa naman ilalaglag niya sa Iris.
Napatingin si Binibining Yabang sa wallclock at sa relo niya , limang beses niya yung ginawa kaya pati ako nahilo.
"Bente minutos ang advance ng relo ko , ganto kasi ang nakasanayan naming mga magaganda " sabi niya saka nagflip hair. Sarap talagang - Grrr !
Kagat kagat ko ang labi ko at handa na sanang gawing pamunas ang damit niya dahil nga sa mantikang galing sa kamay ni Danny , biglang napatingin si Iris na nakataas pa ang kilay kaya napahawak na lang ako sa batok ko kunwari nagkakamot. Bwisit ! Yung mantika. Dumiretso na lang ako sa kusina para kumuha ng tissue.
Well anyway , sinong magaakala na one month na ang nakalipas simula nung araw na nalaman naming may sakit si Jai at sinurprise namin si Marj.Araw araw na nadadagdagan ang problema. Dapat magkapera na as soon as possible para mapaaga ang operasyon ni Jai, bukod sa malaking halaga ng pera siguro mga billion o trillion ang kailangan namin dahil ni-recommend ng doctor na sa ibang bansa kami magpaopera dahil mas moderno ang kagamitan dun kinakailangan din pala naming makahanap ng magdodonate ng puso. Langya! Sinong matinong tao ang madodonate ng puso ?!
Naipatayo na 'tong restaurant. Sila Cassiopeia at Mr. Lastimosa kinasal na sa judge at busy ang mga yun ngayon sa kompanya nila. Nung una , nagalit si Jai pero natanggap niya din. Alam niyo naman isang ngiti lang ni Marj pumapayag na siya , si Marj lang naman kasi ang dakilang manhid.
Kami ni Than ang nagsisilbing waiter then si Marj at Iris ang cashier.
Kahit papaano malaki ang kinikita namin. Lalo na pag gabi , bentang benta yung mga banat ni Cassio lalo na't andaming nakakarelate.
-flashback-
Nung unang bukas to , kamuntikang may mabatukan si Iris eh paano napakaarte ng mga estudyanteng pupunta dito.
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.