Trigger's POV
"Sir, ang sabi niya po ayaw niyang kumain."
I clenched my fist. And looked at the maids.
"A-ay, tatanungin po uli namin siya." Taranta nitong sabi.
Andito ako ngayon sa harapan ng dining table at naka-upo. Nakahain na ang almusal. Inutusan ko yung chef ko na magluto ng kahit ano dahil hindi ko naman alam ang gusto ni Zeyen.
"S-Sir ayaw niya po talaga." Sabi ng maid ko pagbalik.
Nawawalan nako ng pasensya kay Zeyen. Kagabi pa ito nagtatantrums at walang tigil ang pagwawala. Hindi ito daw ito natulog sabi ng mga guards at katulong. Binantayan nila ito sa balcony habang nakaupo buong gabi.
Tumayo ako at padabog ns umakyat sa kwarto nito.
It's locked.
Sinenyasan ko yung katulong at agad na binigay yung master keys. Sinusi ko ito at agad na binuksan.
Bumungad sakin di Zeyen na naka-upo sa kama at nakayakap sa binti nito. Nangigitim ang eyebags at namamaga ang mga mata kakaiyak.
"Leave us for a moment." Utos ko sa mga katulong.
Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto.
Pinagmasdan ko ito at nakatulala lang sa may bintana ng balcony. Naglakad ako papalapit sa kama nito.
"Zeyen.." Tawag ko.
Umupo ako sa tabi nito.
"A-Ano bang kailangan mo?" Tanong nito.
Huminga ako ng malalim. Kinuha ko yung kamay nito at hinawakan. Napatingin naman ito sakin.
"I need a wife. I need someone to introduce to my family. I need someone to accompany me with everything." I lied.
"Pero mas may mayaman na babae dyan. Yung mas malalakas ang kompanya. Bakit yung samin pa? Bakit ako?" She asked.
"Your dad asked for my help. I didn't want to help him for free. I need something in return." I said.
Tinanggal niya yung kamay ko sa pagkakahawak sakanya.
"Mali na ako yung pinili mo. Wala kang mapapala sakin. Sinasayang mo lang yung oras mo." Sabi nito.
Nawawalan nako ng pasensya.
Hinawakan ko ito sa pisngi at sapilitang hinarap sakin.
"You'll do everything what I say. You're mine. And if you do something I wouldn't like, mark my words, hindi lang kompanya niyo ang kukunin ko sainyo. Sisiguraduhin kong hindi mo na makikita yang magulang mo kahit kelan. "I said.
"Then do it. Hindi nga ata anak ang turing nila sakin. Dahil basta basta nalang nila akong binenta sayo. " She said and started to cry.
Tinanggal ko yung kamay ko sa pisngi niya.
"Tigilan mo ako sa kadramahan mo." Sabi ko.
"How can you be so heartless? Hindi mo ba alam yung pskiramdam na hindi mo na makikitabyung magulang mo? Kahit binenta nila sayo, nagaalala pa rin ako sakanila---"
"I don't. I didn't had enough time to be with my parents. I didn't know what it's like to have a happy family. All I did was to learn about this fucking business of ours. They didn't even care what I really want." Pagputol ko sa sinabi niya.
I stood up.
"Kumain kana. Kung ayaw mo edi wag. Bahala ka sa buhay mo." Galit kong sabi.
Lumabas nako at sinara yung pinto.