Chapter 7 (REVISED)

5.8K 117 1
                                    

Trigger's POV

Bumaba kami sa kotse.

"Kuya!" Tawag sakin ni Hazel.

"Where's Zeyen!? Is she okay?!" Pagaalala ko.

"May good news kuya. Halika nagpapahinga siya sa kwarto." Sabi nito.

Sinundan namin siya nila mom papunta sa kwarto. Nanguna si Hazel at binuksan ang pinto---

"Omg---"

"Where the hell is she!?" Pagtataka ko.

Pagbukas nito ng pinto, walang tao sa loob. Pumasok kami para tignan ang loob at yung banyo pero wala siya rito.

"I-Iniwan ko lang siya saglit dito." Sabi ni Hazel.

"Calm down son. Baka nasa labas lang." Sabi ni mom.

"Martines! Go find her. Search this whole fucking hospital." I ordered.

"I swear kuya, she was just here a while ago." Sabi pa ni Hazel.

"What the happened to her!? Bakit ba kayo andito!?" Pagtataka ko.

"Si ate Andrea na magsasabi. Mas maganda kung siya mismo magsasabi."

I clenched my fist.

Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi ako tatakasan ni Zeyen. Dammit.

Zeyen's POV

Napatigil ako sa sinabi ng doctor.

"Are you okay mam? Do you want to start the---"

"No. It's fine. " Pagputol ko dito.

"Here's your result. " Binigay sakin nito yung printed na resulta.

"Do you want me to call a nurse to accompany you?"

"No. I'm fine. I can handle it." Sagot ko rito.

Lumabas ako ng clinic niya.

"Ms. Andrea."

Napalingon ako kay Martines na papunta sa direksyon ko. Agad akong lumapit sa basurahan at tinapon yung resulta.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.

"Kanina pa po kayo pinapahanap ni Sir. Pinapabalik na po kayo sa kwarto." Sabi nito.

Tumango ako. Sumunod ako sakanya pabalik sa kwarto ko. Andito rin yung bodygards ni Trigger at nakabantay sa may pintuan. Nang makita kami, pinagbuksan kami nito ng pinto.

"Ate Zeyen!"

Agad na tumayo si Trigger at nagmadaling lumapit sakin para yakapin ako ng mahigpit.

"I-I thought you ran away." Sabi nito.

Napahinga ako ng malalim.

"I think we should leave them first mom para makapag usap sila." Sabi ni Hazel.

"We'll be back. Take your time." Sabi pa nung mama ni Trigger.

Lumabas na silang dalawa at sinarado ang pinto. Naiwan kami ngayon ni Trigger sa loob.

"What happened?? Bakit ka nahospital?" Pagtataka nito.

Dahan dahan niya akong inalalayan paupo sa hospital bed. Napayuko naman ako.

"Zeyen, tell me what happened?"

Kinuha ko sa bulsa ko yung isang printed pa na resulta. Inabot ko naman ito sakanya. Kinuha niya ito at tinignan.

"F-Fuck..."

"I-Is this mean?..."

Napatingin ito sakin. Tinignan ko ito at pilit na ngumiti.

"I-I'm one week pregnant..." Walang gana kong sagot.

"YES!"

Agad niya akong niyakap na mahigpit. Habang niyayakap niya ako, biglang tumulo yung mga luha ko.

"Shhh, Zeyen. Everything will be alright. Okay?" Sabi nito.

Hinawakan nito ang pisngi ko at pinunasan yung luha.

"Hindi...hindi mo kasi maintindihan..." Naiiyak kong sabi.

"What? Why? May problema ba? Aren't you happy that we're gonna have a baby?" Pagtataka nito.

Umiling ako.

"W-we can't have this baby...I can't have this baby." Naiiyak kong sabi.

"What!? What the hell are you saying!?"

Hindi nako nakapagsalita dahil sa pagiyak ko.

"Unless..."

Tumigil ito saglit at tinignan ako.

"Unless I'm not the father? "

Napahinto ako at tumingin ng deretso sakanya.

"T-Trigger---"

"Answer me! Ako ba ama nyan!? Or.... Or that fucking criminal!? Huh?" Galit na galit na tanong nito.

"Please, tumigil ka na." Naiiyak kong sabi.

"Then just answer me! Why the hell are you saying that we can't have this baby!? Unless it's not mine!"

Huminga ako ng malalim.

"I-Its not yours..." Pagsisinungaling ko.

Lumayo ito sakin. Tinulak niya yung mga gamit sa gilid nito.

"I'm gonna kill that fucking criminal! Damn you!"

Biglang pumasok sina Hazel at yung mama ni Trigger.

"A-Anong nangyayari dito!?"

"Ate Zeyen! Ayos ka lang ba!?"

"Martines, get Zeyen. Bring her back to the Philippines. I don't want to see that slut ever again. I don't want to have a child who's father is a fucking criminal." Utos nito.

"Kuya---"

"Shut the fuck up Hazel!"

Hinawakan ako ni Martines sa magkabilang braso at hinila palabas. Hindi nako umimik.

Alam kong mas makakabuti ito.

"Ate Zeyen!"

Himinto kami ng hinabol kami ni Hazel. Binitawan ako ni Martines.

"Iwanan mo muna kami Martines." Utos nito. Lumayo naman ito samin.

"Ate, sinabi mo kay kuya---"

"Shhh, it's alright. Kaya ko ito." Sagot ko.

Kinuha ko sa bulsa ko yung dalawang magkaiba na resulta. Inabot ko ito sakanya. Binasa niya yung isa at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

"Alam ba ito ni kuya!?---is that why you said---"

"Oo. Please Hazel, may tiwala ako na hindi mo sasabihin sa iba ito. Tayong dalawa lang ang nakakaalam. Please, huwag na huwag mong ipapakita kay Trigger ito." Pakiusap ko.

"Pero ate---"

"Hazel. Please. Nakikiusap ako. Ayoko na maging pabigat sakanya. Mas okay rin ito kasi ayokong masaktan ang kuya mo habang tumatagal."

"Y-you can show this to him if you think he's ready. I trust you Hazel." Dagdag ko pa.

Niyak ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Shhh, I'll be fine. Don't worry about me." Sabi ko rito.

"Magiingat ka ate. Tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong. Akong bahala sayo."

Tumango ako.

"I'll see you soon. " Huli kong sabi.

Lumapit nanuli samin si Martines at hinila nako palabas.

***

I Married A Cold Hearted Beast! [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon