Fast forward after four months...
Zeyen's POV
"You have twenty minutes." Sabi samin ng police officer.
Na-upo si Ranz sa tapat ko. Naiwan kaming dalawa sa loob ng bakanteng kwarto na may table and two chairs lang.
"Eto, dinala ko para sayo." Sabi ko at tinulak sa tapat niya yung paper bag na dala dala ko.
"Salamat. " Sagot niya.
"Ang laki na ng tyan mo... Kelan ka manganganak?" Tanong ni Ranz.
"Etong month due date ko. " Sagot ko at hinimas yung tyan ko.
"Dapat hindi kana lumalabas labas. Dapat nagiingat ka." Sabi niya.
Napayuko naman ako at napangiti.
"I'm just here to say sorry..." Malungkot kong sabi.
Naramdaman kong hinawakan niya yung kaliwang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"Wala ka dapat ipag-sorry. Alam ko naman yung sitwasyon mo. Pero sana mas sinabi mo sakin noon ng mas maaga " sabi niya sakin.
Napaangat ako ng tingin sakanya.
"Takot kasi ako e. Takot ako na kapag umamin kana sakin, iisipin ko nalang palagi na masasaktan ka kapag bigla akong nawala... At hindi ko kaya iyon, Ranz." Sabi ko.
"I know. Naiintindihan kita. Alam mo buong akala ko kinakahiya mo ako at inayawan dahil sa ginagawa ko."
Umiling ako.
Pinatong ko yung kanang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.
"We were young back then, Ranz. Simula ng malaman kong may sakit ako, natatakot ako kapag napapalapit na masyado yung tao sakin. Kasi natatakot ako na isang araw, kailangan ko na magpaalam. Ayokong magdusa hanggang sa huli dahil may nasaktan ako. Kasi hindi ko sinabi, kasi natatakot ako." Sagot ko.
"Alam mo nung naghiwalay tayo, saka ko nalaman na buntis ako. Pero nalaglag rin dahil mahina ako. Hindi ko sinabi iyon sayo para ang lumabas lang, nakunan ako."
"Simula nang araw na yon, tinigil ko lahat ng mga treatments ko dahil sa nangyari. Dahil sa kapabayaan ko."
Huminto ako saglit.
"Andrea, matagal na yon. Wag na nating isipin yon. Siguro hindi pa natin time magka-baby noon. " Sabi niya pa.
"Pero kahit ganto lang ako kahit noon, gagawin ko pa rin lahat para sayo, Andrea. Kahit ilang shop pa nakawan ko, maibigay ko lang lahat sayo."
Natawa ako sa sinabi niya.
Tumayo ako at pumunta sa gilid niya.
"I'll see you again, Ranz. Salamat sa lahat. Ang dami mong sinasakripisyo sakin noon kahit alam mong mapapahamak ka." Sabi ko.
Tumayo naman ito at hinalikan ako sa noo.
"Gagawin ko pa rin ang lahat para sayo. Kahit ilang beses pakong makulong."
Parehas kamong natawa sa sinabi niya.
"You were the best girl I ever had in my life. Ikaw yung nanatili kahit anong mangyari. "
Ngumiti ako sakanya.
"I need to go now." Sagot ko.
"Take care of yourself. Take care of your babies. You'll be a great mom.", Sabi nito.
Trigger's POV
"You're so hot." Sabi ni Tanya.
Tumayo ito sa pagkakaluhod.
"I'll go ahead and clean. " Paalam niya.
Tumayo naman ako at sinuot yung pants ko. Nang makaalis na ito, lumabas nako sa cr at pumunta sa upuan ko.
"We'll arrive in Singapore around 30 mins " sabi sakin ni Martines.
Andito kami ngayon sa private plane ko at maya mya maglalanding na kami sa Singapore for my business meeting.
Nang maka-upo ako, naramdaman kong may papel sa loob ng coat ko. Kinuha ko ito at tinignan.
Naalala ko, andito parin pala sa old coat ko yung mga papel na binigay ni Hazel.
Huminga ako ng malalim.
Tapos naman na, wala na ito.
Binuksan ko yung unang papel na binigay niya---
Napatayo ako ng makita yung pangalan ni Zeyen na nagpositive for cancer. Nakalagay rin rito na lumalala na ang sakit niya.
"Fucking hell.." singhal ko.
Naramdaman kong kinakabahan nako.
Kinuha ko naman yung pangalawang papel na binigay niya sakin sa Manila noon.
Isang ultrasound---
May naka-stapler rin na DNA test. Nakalagay rito ang pangalan ko na 99.9% matched sa dinadala ni Zeyen.
Kinuha ko yung isa pang ultrasound.
"Twins..."
She's carrying twins!
"Let's go back in Manila." Sabi ko kay Martines.
"P-pero sir--"
"Just fucking turn this plane to manila now!" Sigaw ko.
Sunod sunod kong sinipa yung upuan ko.
I fucking screwed everything!
S-She was carrying my child alone!
I shouldn't have left her!
"Babe? Is everything alright---"
Tinabing ko yung kamay ni Tanya na akmang hahawakan ako.
"Don't fucking touch me." Galit kong sabi.
Zeyen's POV
Binuhat ko yung mga labahan ko at pumunta sa may washing machine. Inumpisahan ko na ang paglagay ng mga damit ko.
Napatigil ako ng marinig na mag ring yung phone ko. Tumatawag si Hazel.
[Hello? Ate tumawag na sakin si Kuya!]
Dahan dahan akong napalakad papalayo sa washing machine.
"T-talaga? Anong balita sakanya?"
[Ang sabi niya pabalik na siya ngayon. Just stay there at pupuntahan ka niya. ]
[He knows everything ate. Nakita niya na mga results mo at ying ultrasound. Kinuwento ko na sakanya lahat.]
"Ganon ba---AHHH!"
Napahawak ako sa tyan ko.
[Ate?? Anong nangyayari!?]
Dahan dahan akong lumakad papunta sa kwarto.
[Ate wait for me. Pupuntahan kita. ]
Binaba niya na yung call.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Napatingin ako sa salamin.
Nagdudugo ang ilong ko. Kumuha agad ako ng tissue at pinunasan ito.
"Ahhh..."
Mas lalong sumasakit yung tyan ko.
Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit.
"Shit." Napatingin ako sa binti ko. Pumutok na yung water bag ko.
Sinubukan kong tumayo para abutin yung phone pero hindi nako makatayo. Kinuha ko yung kumot sa kama at napakagat dito dahil sa sobrang sakit.
---