Zeyen's POV
Tuloy tuloy yung tulo ng pawis ko. Nasandal ako sa pader at nakakagat pa rin sa kumot.
"AHHHHH..."
Nakita kong may dugo na rin na dumadaloy sa sahig.
*Knock knock*
"T-Tulong...TULONG!" sigaw ko.
Tinanggal ko yung kumot. Narinig ko yung yapay ng tao na papunta dito sa kwarto.
"Jusko Andrea!"
Nakita ko si Mamang Fely.
"Nakakarinig ako ng kalabog sa kabila mabuti pinuntahan kita."
Dahan dahan niya akong inalalayan patayo.
"M-mangangak...manganganak na ata ako..." Nahihirapan kong sabi.
Isang retired midwife si manang fely.
"Halika rito. Mahiga ka."
Dahan dahan niya akong inalalayan papunta sa kama at hiniga.
Kumuha siya ng kumot at pinatong sakin.
"Nakikita ko na yung ulo." Sabi nito.
"Umire ka nak, kaya mo yan."
Dahan dahan niyang tinulak pababa yung tyan ko.
"AHHHHH."
Napahawak ako sa uluhan ng kama.
Napatigil kami ng biglang kumalabod yung pintk sa labas.
"ZEYEN!? WHERE THE HELL---"
Napanhinto si Trigger ng makita ako.
"T-,Trigger..." Sabi ko at pilit na ngumit.
"D-Damn--- let's get you to the hospital." Sabi nito.
"Iho manganganak na siya. Lalabas na ang bata." Sabi ni manang Fely.
Lumapit sakin si Trigger at tumabi.
"Please do everything. I'll pay you a huge amount." Sabi pa ni Trigger.
Umangat ako ng tingin sakanya.
"I'm here Zeyen. I'm not gonna let you do this alone again. I'm not gonna leave you this time." Sabi niya.
Hinalikan niya yung noo ko. Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan.
"Sige iha umire kana."
Inakbayan ako ni Trigger para hawakan yung kamay ko sa kabila.
"AHHHHHH!"
Tuloy lang ako sa pag-ire. Biglang pumasok si Hazel at Lauren at mukhang gulat na gulat.
"Ate nanganganak kana pala."
"Dapat pala hindi nako umalis"
Pumunta sila sa tabi ko.
"Iha, paki kuha ako ng towel. Yung malinis. At maligamgam na tubig." Utos ni manang fely.
"AHHHHHHHHHH!"
Napahinto ako saglit dahil sa hingal.
Naiyak ako nang marinig yung iyak ng baby.
"T-Thank our baby..." Sabi ni Trigger.
Pinatong ni Lauren yung towel sa tyan ko at pinatong rin si baby dito.
"Umire kapa iha, malapit na rin lumabas yung isa."
"What!? There's another one?" Pagtataka ni Trigger.
"W-We're having twins.." mahina kong sabi.
Lumapit ito sakin at hinalikan ako.
"AHHHHHH..."
"Isa pa, lalabas na.."
"Push one more time Zeyen. You can do this." Sabi ni Trigger.
"A-AHHHHHHHHHH!"
Napahiga na yung ulo ko sa unan dahil sa pagod.
Narinig ko yung iyak ng pangalawang anak namin.
Dahan dahan itong kinuha ni Lauren at binalot sa towel. Pagkatapos, pinatong niya ito sakin katabi ng baby ko.
Inalalayan ko yung dalawa kong baby na nakahiga sa dibdib ko. Umiiyak ito parehas.
Naramdaman kong hinalikan ako ni Trigger sa noo.
"I remember everything, Trigger. At naalala ko kung gaano kita minahal noon, at gaano kita kamahal hanggang ngayon..." Naiiyak kong sabi.
"Sorry dahil natatakot ako na balang araw iiwan na rin kita..." Dagdag ko.
"Don't say that. Zeyen. "
"Trigger, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin. " Sabi ko.
"Zeyen I'm sorry... I'm sorry if became so selfish and didn't listened to all of you..."
Umiling ako.
"Matagal na kitang napatawad. Kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, mahal pa rin kita."
"Zeyen, mahal na mahal kita. Hindi magbabago iyon."
Napangiti ako.
"Pagod nako Trigger... Nahihirapan ako." Sabi ko sakanya.
Biglang tumulo yung mga luha niya.
"N-no. Don't even think about it. Don't leave me again Zeyen."
Napangiti ako ng pilit.
"Y-you'll be a good father Trigger. Alam kong hindi mo papabayaan itong kambal natin..."
"Masaya ako kasi kahit alam kong mawawala na rin ako, nakita ko yung kambal natin...."
"I had a miscarriage before. They were twins too. Maybe I wasn't ready to have them back then...."
"Pero ngayon, masaya akong ligtas yung mga anak natin. A-alam kong gaganda yung buhay nila at hindi sila magdudusa kagaya ko...."
"Zeyen..." Naiiyak na tawag ni Trigger.
"Wala ka dapat pagsisihan sa ginawa mo o sa nangyari... Ipangako mo nalang na aalagaan mo yung mga anak natin. Bibigyan mo sila ng pangalan."
Huminto ako dahil biglang tumulo nanaman yung dugo sa ilong ko. Naramdaman ko yung paninikip ng dibdib ko.
"Zeyen... Please don't."
"I love you so much Trigger. " Sabi ko.
"Wag mong kakalimutan na sabihin sa mga anak natin kung gaano ko sila kamahal...."
Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"N-no zeyen..."
Unting unti naging malabo yung paningin ko hanggang sa wala nakong nakita.
Trigger's POV
Biglang nawalan ng malay si Zeyen. Agad na kinuha ni Lauren at Hazel yung kambal.
"Zeyen no! Don't leave me!"
Lumapit ako sakanya at niyakap.
"Zeyen I love you so much..."
Binuhat ko ito.
"L-lets go to the hospital." Sabi ko sakanila.
---