Chapter 3 (REVISED)

7.2K 144 2
                                    

Zeyen's POV

Kinabukasanan...

Wala akong magawa buong maghapon. Hindi ako pinapayagan lumabas ng mansion. Naka ilang ikot nako sa loob pero palagi pa rin akong naliligaw.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng makita ko yung malaking pinto sa tabi nito. Nilibot ko yung tingin ko kung may maids sa paligid pero wala. Pumunta ako sa pintuan at dahan dahan itong binuksan. Agad akong pumasok sa loob at sinarado agad ang pinto.

Namangha ako sa laki ng kwarto.  Parang triple ata ng laki ng kwarto ko.

Pumunta ako sa kama at na-upo. Grabe napaka laki nitong california king size bed. Napaka lambot pa.

Tumayo ako at lumapit sa may table. Wala naman itong laman masyado bukod sa tatlong ballpen at study lamp.

Nilibot ko yung tingin ko, halos walang kalaman laman na gamit ang kwarto o personal belongings. May maliit na sofa at mini table. May napaka laking tv rin.

Pumunta ako sa bandang dulo kung nasan yung bathroom. Bago ako pumasok, may isa pang pinto na katabi nito. Binuksan ko ito--- wow! Napaka laki nung walk in closet niya. 

Pumasok ako sa loob. Punong puno ito ng iba't ibang kulay na tuxedos, long sleeves, plain tshirt na halos lahat ng kulay ay meron siya, Iba't ibang pants, sapatos at belts. Halatang mamahalin ang mga ito at designer brands.  Sa bandang gilid, meron rin siyang malaking shelf na puro chains na necklace at bracelets, mamahaling wrist watch, shades at mga singsing.

Napakunot yung noo ko ng may makita akong wrist watch na pambabae. Nakalagay ito sa isang box na nakabukas at tinututukan ng ilaw. Kinuha ko ito.

"Bakit meron siya nito? " Pagtataka ko.

Sinuri ko yung wrist watch. Kulay pink ito at may leather strap. Yung mismong case nito ay basag na. Hindi na rin ito gumagana.

Sa dinami dami niyang mamahalin na gamit, bakit niya itatago itong sira na wrist watch?

"Prepare our dinner. I'm just gonna take a bath."

Nanlaki yung mata ko ng marinig yung boses ni Trigger!

Eeecckkkk...

Agad akong napaharap. Wala nakong nagawa dahil hindi nako makakatago.

Halata sa mukha nito ang pagkagulat rin ng makita ako.

"A-ano... Kasi, naligaw ako..." Palusot ko.

Napataas ito ng kilay.

"Naligaw ka? Sa closet ko?" Pagtataka nito.

"Ano sige...lalabas nako..."

Lalabas na sana ako ng bigla noya akong hinawakan sa braso para pigilan.

"I think you have something that belongs to me." Sabi nito.

Tinignan ko yung wrist watch na hawak ko. Nalalaa ko hawak hawak ko pa pala ito. Agad ko itong inabot sakanya.

"S-sorry, hindi tinignan ko lang naman... " Sagot ko.

Sinarado niya yung pinto at napasandal ako dito. Wala akong mapuntahan dahil nasa harapan ko ito.

"Sa lahat ng pwede mong puntahan bakit kwarto ko pa? Mukhang gusto mong dumito." Sabi nito.

"H-hindi!--"

"The maids will get your stuff and bring it here. You'll be sleeping with me for now on. "

Nanlaki yung mata ko.

Agad niyang binuksan yung pinto at lumabas. Naiwan ako dito nakatulala.

Anong ginawa mo Zeyen?

Trigger's POV

We're currently  having our dinner now. Just the two of us. The maids and butlers and standing behind us, ready to serve.

I looked at Zeyen while she's eating her steak.  After a while, she noticed that I was looking at her so she stopped eating.

Binaba ko yung utensils at kinuha yung wine glass at uminom ng onti.

"M-Mr. Buenavista---"

"Call me Trigger. " Pagputol ko sa sinabi nito

Inusog nito ng onti yung upuan niya para lumapit sakin.

"Trigger, pwede ba akong lumabas? Bibisitahin ko lang yung kaibigan ko. Babalik rin agad ako." She asked.

"No. She can come here instead. Our driver can fetch her and drive her here. You can't leave this house. So don't bother asking again." I said.

She stopped for a moment.

"Bakit bawal akong lumabas!? Anong balak mo? Dalawang taon na ikulong ako dito!? Hindi ako papayag---"

"According to the contract that your parents signed, I have every rights to tell you what to do and what I want. We're already married in papers. And the media is already publishing the announcement that we have a private wedding."

"Unbelievable. Talagang binenta na nila ako." Galit nitong sabi.

Tumayo na ito at padabog na umalis. Nawalan ako ng ganang kumain. Kinuha ko yung wine glass at tinungga para maubos.

"Clean this up." Utos ko sa mga katulong.

Tumayo na rin ako at pumunta sa kwarto ko.

Nakahiga ito sa kabilang dulo ng kama ko at nakatakip ng comforter at nakayakap sa unan.

Sinarado ko ang pinto at nilock ito. Naglakad ako papunta sa kama ko at kinuha yung switch. I dimmed the lights.

Tinaas ko yung comforter at humiga sa tabi niya.

"Paki patay nung ilaw... Hindi ako matulog kapag may ilaw." Rinig kong sabi niya.

Kinuha ko uli yung switch at linatay yung ilaw. Medyo maliwanag sa may bandang balcony.

Dahan dahan itong umusog sa tabi ko. Humarap ito sakin.

"What are you doing?" Tanong ko.

Nakahiga ako ng deretso. Mas lumapit pa ito sakin at unti unti akong niyakap.

"Gusto ko lang maramdaman na kahit papaano hindi ako nagiisa." Mahina nitong sabi pero sapat na para marinig ko.

If you only knew how much I care Zeyen.

"Andito lang ako, Zeyen. Hinding hindi kita sasaktan. " I said.

Tumagilid ako para magkaharap kami.

"I miss my friends. I miss my old life." Sabi nito.

"You'll get them back soon. For now, your friend Lauren will visit you tomorrow." Sagot ko.

-----

I Married A Cold Hearted Beast! [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon