Chapter 13 (REVISED)

5.6K 113 2
                                    

Zeyen's POV

"This is so cute ate." Sabi ni Hazel at ingat yung maliit na plain baby blue na at pink na bib.

"Pero ang dami na natin niyan iba iba pa kulay. " Angal ko.

"Gusto ko lahat ng kulay meron sila. " Excited na sabi nito.

Kung ano ano uli yung nilagay niya sa cart. Ako yung kinakabahan sa bill. Panigurado libo libo na ang halaga nito.

Napalingon ako sa mga limang  body guards niya na may kanya kanyang push cart na dala. Punong puno na rin ito.

Hinawakan ni Hazel yung kamay ko at hinili sa may maternity dress.

"Ate believe me, super bagay sayo nito." Sabi niya at kinuha yung isang white color na long dress na tube ang ibabaw.

"You know what, we'll take this all." Sabi pa nito.

Kinuha niya lahat nung iba't ibang kulay sa may rack at inabot sa body guard niya.

"I think we're done. We should eat na ate." Pag-aya niya.

"Oo naman." Sagot ko.

Trigger's POV

Pinasa sakin yung litrato nina Hazel at Zeyen sa loob ng kotse. Meron ring pictures na namimili ito sa mall.

Paulit ulit kong tinignan yung mga litrato na kinuha ng private investigator ko.

"Ang kulit talaga ni Hazel. Sinabi nang  tantanan niya na si Zeyen. " Sabi ko.

"Tinutulungan lang po ni Mam." Sagot ni Martines.

"Kahit na. Anak ng criminal yang dinadala ni Zeyen. Bakit niya ba gugustuhing tulungan ito? Pagkatapos ng panloloko niya." Galit kong sabi.

"Sir, mas mabuti po kung babasahin niyo yung binigay na papel ni Mam Hazel na galing kay Mam Zeyen." Sabi ni Martines.

"I have no time for that." Sagot ko.

"Makakaalis kana." Utos ko

Napasandal uli ako sa swivel chair ko at kinuha yung phone ko.

Tinignan ko uli yung mga litrato ni Zeyen na kinuha ngayong araw.

Hindi ko namalayang napangiti nako habang tinitignan siya.

"Fuck it." Singhal ko.

"You're making this hard for me Zeyen."

Zeyen's POV

Kinabukasan...

Pakiramdam ko ay pagod pa rin ako simula kahapon. Anong oras na kami nakauwi ni Hazel dahil hindi ito tumigil sa kapapamili ng kung ano ano.

Nilibot ko yung tingin ko sa apartment. Madaming boxes at paper bags ang nakakalat pa rin dahil hindi pako tapos ayusin. Napaka dami talagang pinamili ni Hazel. Hindi na ito kasya sa mga cabinet.

"Bff!!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig si Lauren.

",Omg namiss kita!!"

Tumakbo ito papalapit sakin at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Kamusta na mama mo?" Tanong ko.

"Ayos na siya. Pinayagan nakong bumalik dito uli para magtrabaho. Mamaya mag interview nako." Sabi nito.

"Nako, panigurado matatanggap ka. Paalis na rin ako papunta sa coffee shop." Sagot ko.

"Sabay na tayo. Ihahatid na kita. " Sabi pa nito.

"Teka, kamusta yung baby mo?" Sabi pa nito. Hinawakan niya naman yung tyan ko at hinimas.

I Married A Cold Hearted Beast! [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon