[I] Man In Black

81 10 6
                                    

"Heto na po, ma'am!" nakangiti kong sabi at nilapag na sa customer ang mga in-order nila. "Enjoy your meal po!" sabi ko at binigyan sila ng matamis na ngiti.


Pagkatapos kong ihatid yun ay pumasok na ko sa office ng manager namin. Ipinatawag nya kasi ako.


"Krystal, tutal nakapagpaalam ka na saakin na half day ka na lang makakapagtrabaho dito sa resto, napagdesisyunan ko na ang pasok mo ay 5pm to 11pm." saad ng manager ko saakin.


Nagpaalam kasi ako sa kanya na half day na lang ako, dahil simula na ng pasukan ng klase bukas. Kailangan ko din namang pumasok kahit papano. Pero tila napantig yata ang mga tenga ko. 11[pm!? Wala akong sapat na tulog pag nagkataon!


"P-po? 11pm? Bak--" mag po-protesta pa sana ko kaso pinutol nya na agad ang sasabihin ko.


"Kung ayaw mo at hindi ka sang ayon, ay wala akong magagawa." sabi nya sa tonong nasasayangan.


Napakagat ako sa labi ko. Hays, ano pa nga bang magagawa ko? Kapag hindi ko ito tinanggap ay hindi ako mabubuhay. Kung kaya't wala kong nagawa kundi sumang ayon.


Pagkatapos noong pag uusap namin ay tumuloy na ko upang mag serve ulit.


Ako si Krystal Soriano. 16 years old pa lang ako pero nagtatrabaho na ko bilang waitress. Nag iisa na lang kasi ako sa buhay. Kung kaya't natuto akong magbanat ng buto ng maaga para may patunguhan ang buhay ko at para na rin pang tustos sa pag aaral at mga pangangailangan ko.


8pm ng matapos na ko. Oras na rin yon para matapos ang duty ko. Nagpalit na ko ng damit at inayos ko na ang mga gamit ko.


"Stal tara na." sabi ni Victoria, kasamahan ko sa trabaho at bestfriend ko. Nangungupahan kaming dalawa at magkasama din kami sa iisang kwarto. Kung kaya't lagi ko syang kasama. Sing edad ko din sya, at sabay din kaming papasok bukas.


"Oh anong sabi ni madam manager sayo?" tanong nya sa akin.


"Grabe sya, Tori! 5pm hanggang 11pm yung duty ko. Paano yung tulog ko diba? Simula pa naman ng pasukan." nanghihinayang na sabi ko.


"Talaga? Ganyan din yung sched na sinabi nya sakin! Ayos, magkasabay tayo ulit!"


"Oh? Mabuti 'yon!" nag apir kami at nagtawanan.


Nag uusap at nagtatawan kami habang naglalakad pauwi ng may mabangga kaming lalake. Naglaglagan ang mga dala nya. Ramen. Puro ramen.


"Ay, pasensya na po!" at nagsimula kami ni Tori na pulutin ang mga ramen cups na nahulog.


"Stupid girls. Tss." Napatingin ako ng marinig ko ang sinabi nya. Mahina lang yun pero sapat na para marinig ko.


Naka cap sya na itim, naka tee na itim at pants na itim. Wow ha, puro black. Man in black. Natatakpan ng itim na cap nya ang mukha nya at nakayuko sya kaya di ko sya masyadong maaninag.


"Anong sabi mo?" naiinis na sabi ko. Stupid? Hindi naman namin sinasadya na mabangga sya ah!


Unti unti nyang inangat ang mukha nya at naaninag na namin ang mukha nya. Napatulala ako sa.. mukha nya. Ang gwapo. Ang puti, ang tangos ng ilong at may mapupungay na mata. Pero kitang kita ang malamig na ekspresyon at ng kanyang aura.


"I said stupid girls. Tumingin kayo sa dinadaanan nyo." sabay kuha ng ramen nya, at umalis na. Aba't bastos na lalake yun ah! Pasalamat sya, nagmagandang loob pa kami! Ang sungit nya! Gwapo na sana e! Grr!


"Bwiset yun ah!?" susundan ko sana ng pigilan ako ni Tori.


Ngumiti at tumawa lang si Tori. "Tama na, Stal. Hayaan na natin yung gwapong yun. Kailangan na nating matulog at papasok pa tayo."


"Gwapo?! Tori! Ang sungit nga nun e! Walang utang na loob!"


"Oh, tama na yan. Kalimutan na natin sya. Uwi na tayo. Late na oh."


Dumiretso na nga kami ni Tori sa inuupahan naming bahay. Naligo ako at humiga na. Unti unti ko na ring nakalimutan ang nangyari kanina. Nagsara na rin ang mga mata ko, at hinintay ang pagsikat ng araw. 

Meeting Lucas Del Fuerte [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon