"WHAT?" gulat na sigaw ko kay L. Ako?! May gusto sa kanya!? Aba!
"I know you like me." sabi nya sabay ngisi.
Napatulala ako sandali. Ba't ang gwapo? Ay! Stal, tumigil ka nga!
"A-at sino namang nagsabi sayo? Hinding hindi ako magkakagusto sa mga aroganteng katulad mo no!"
"Talaga lang ah. Let's see." sabay lakad nya paalis. Wth is that? Anong ibig nyang sabihin? Hays, L! Isa ka talagang dakilang bastos!
Nagdiretso lang ako sa room 135 at ibinigay na ang dapat ibigay kay Mr. Park. Bwiset na L yun! Naninira talaga ng araw e!
Mabilis natapos ang mga klase at heto na kami ni Tori. 3:00 na at nag aayos na kami para sa pagpasok sa trabaho. Nakasuot na ko lahat at lumapit kay Tori. Inayos nya na yung necktie ko.
"Alam mo, Stal. You should learn doing neckties na talaga. Pano na kung nag ooffice yung mapapangasawa mo in the future, di mo sya matutulungan mag ayos ng necktie nya."
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo dyan? You're talking nonsense again, Tori." at sabay kaming nagtawanan.
Mga ilang oras lang din ay nakarating na kami. Nagsimula na din naman kaming magtrabaho. 11:30, natapos na kami. Sobrang pagod na pagod na ko. Imaginin nyo na lang. 4pm to 11pm, nagtatrabaho ka. Geez. Nagbihis na kami ni Tori at nagpaalam ng umalis.
"At last! Hah, nakakapagod." nanghihinang sabi ni Tori.
"Sinabi mo pa. So kailangan talagang masanay na tayo sa ganto, dahil araw araw na tayong aabutin ng gantong oras." at nagtinginan kaming dalawa sabay tawa ng mahina.
Sandaling katahimikan. Dahil doon ay bigla kong naalala yung tungkol sa sinabi ni Tori kay N.
"Ahh.. Tori?" tawag ko sa kanya. Humarap naman sya ng humihikab pa. Maganda 'tong si Victoria. Halos lahat nga ng lalakeng ka work namin sa shop may gusto sa kanya. Lalo na yung si Kier. Waiter din yun dun sa shop namin.
"Hmm?"
"Ah tungkol sa sinabi mo kanina. Yung tungkol kay N." nakita kong napahinto sya sa hikab nya at medyo napahinto din sa paglalakad. Pero nagtuloy tuloy din sya.
"Anong tungkol kay N?" sabi nya ng may tuwid na ekspresyon.
"Yung sabi mong, sa sobrang bait nya aakalain mong may gusto din sya sayo. Anong ibig sabihin nun?"
Napahinto na talaga ng tuluyan si Tori. Napa buntong hininga sya ng malalim at tumingin sakin.
"Tara upo muna tayo dun." at umupo kami sa isa sa mga bakanteng upuan dun. Napa buntong hininga muna ulit sya bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
Meeting Lucas Del Fuerte [On Going]
Dla nastolatkówMeeting him was one of my biggest mistake. But yeah, Meeting Lucas Del Fuerte was the most unexpected moment in my life that I won't be able to forget, forever.