[V] Detention (Part 1)

55 7 3
                                    

"Stal! Stal! Gising na! Late na tayo nyan oh!" naririnig kong sigaw ni Tori. Pero lanta pa rin ako.


"Hoy Krystal Soriano! Gusto mo bang malate tayo ha? Mapaparusahan tayo pag late tayo! Kaya tumayo ka na dyan!"


"Edi.. mau.. na.. ka.. na." putol kung sabi dahil antok na antok pa rin ako. Ayoko pang bumangon.


"Sigurado ka? Iwan kita dito?" nabiglang sabi nya. Di na rin ako masyadong makarinig ng mga bagay bagay dahil nababalik nanaman ang tulog ko. Wala sa sariling tumango ako at ang huling narinig ko na lang ay ang pag sara ng pinto ni Tori. At nagbalik nanaman ako sa tulog.


Nagising ako na tahimik ang bahay. Nagtataka akong napamulat.


"Anong oras na ba?" sabi ko sabay hikab pa. 7:52 na. Ah. 7:52 pa la--7:52?! LATE NA LATE NA LATE NA KO SHETE! Geez! Bat di ako pinilit ginising ni Tori!


Nagmamadali ako sa pagligo at pagbihis. Kung alam nyo lang, akala nyo ako na si Flash sa bilis. Magsu suot na ko ng uniform at nasa necktie na ko.

"Ay putspa! Di nga pala ko marunong magtali neto! Hays! Hayaan na nga!" hinayaan ko na yung necktie ko at tumakbo na palabas. Ilang oras lang din ay nakarating na ko sa school. Tiningnan ko ang oras. 8:20 na. Fudge. Late na talaga ko.


"Hay! Mga bata talaga ngayon di na marunong sumunod sa patakaran sa eskwelahan!" narinig kong sabi ng PE teacher namin. May pinapagalitan sya?


Lumabas ako at nakita nya ko. "Aba't tingnan mo nga naman, late din 'tong si Soriano! Mga di ko ine-expect ang mga na late ngayon ah." Mga? May kasama pa kong na late?


"Transferee atsaka yung natalang pinaka matalino sa school, late. Detention kayo bago mag uwian! Nice way to start your second day, guys! Goodluck. You may now go to class, both of you!" sabi ng PE teacher namin at sabay lakad na paalis.


Tumingin ako sa may side ko at nakita kong may nakasandal na lalake. Nagulat ako kung sino yon. Si L bastos pala e! Late din. Tumingin ako sa paligid at mukhang kaming dalawa yung late. Edi ibig sabihin, kaming dalawa lang magkasama sa detention room mamaya!? AY PUTSPA! Ang ganda ng pasok ng araw ko, talaga naman!


"Bat ba lagi na lang ikaw? Ugh!" inis na sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya ng may bored na ekspresyon.


"Magpasalamat ka pa nga, nakakasama mo pa ko." cool na sabi nya. Aba! Wow ha! Speaking of confidence level 9999! Nagulat ako ng biglang bumaba yung tingin nya sa dibdib ko. Napahawak ako bigla dito. Aba't! Bastos 'to ah!


"H-hoy! A-anong tinitingin tingin mo dyan ha!" sigaw ko sa kanya. Palapit na sya ng palapit sakin. Hinatak nya yung kwelyo ko at nagulat ako nung bigla nyang inayos yung necktie ko. Wth!?


Di ako makapag salita. Tinititigan ko lang sya. Inaayos nya ng dahan dahan yung necktie ko. Ginagawa nya yun ng may cold na aura pa rin. Tuwid pa rin yung ekspresyon nya pero.. medyo namumula ko. Ang lapit kasi ng mga mukha namin. Na touch din ako ng kaunti. OH WAG MUNA KAYONG MAG REACT! Konti lang okay? Konti lang.

Meeting Lucas Del Fuerte [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon