[VIII] Falling

41 2 0
                                    


Nasa trabaho na kami ngayon ni Tori. At habang break namin ay nag uusap lang kami. Kinwento ko na sa kanya kahapon yung tungkol sa nangyari kung bakit nawala ko sa klase at bakit kasama ko si L. Tawa nga sya ng tawa dahil binangga ko daw yung queen bee ng school. At sakto pa daw na nandun si L. Anong nakakatawa dun? Nakaka bwisit nga e.


Tawa din sya ng tawa ng bigla ko daw nilabas yung tunay na kulay ko. Aba. Di naman ako magpapa api no. Di ako katulad ng mga bida sa teleserye na sarap na sarap sa sampal at sabunot. Kaya kong lumaban hanggang sa may ilalaban ako. Yun ang ugaling di ko masyadong nailalabas. At hangga't maaari sana ay wag munang lumabas. Para iwas gulo.


Pagkatapos ng ilang pag uusap lang ay bumalik na kami sa trabaho.


Walang nakaka alam na working student kami. Na fourth year highschool palang, kumakayod na. Ni isa sa daan daang estudyante ng Woollim, ay walang nakaka alam na nagtatrabaho kami. Ba't pa nga ba nila kailangang malaman e di naman kami sikat para pagkaguluhan. Tsaka malayo 'tong shop sa school kaya walang dumadayong taga WH dito.


Patapos na kami ng biglang humarang sa daan namin ni Tori si Kier. Ano nanamang pakay neto?


"Riri." nakangiting bati ni Kier kay Tori.


Halatang naiinis si Tori. Ayaw neto kay Kier e. Ewan ko. May itsura naman si Kier. Kamukha nga ni.. ni.. Jin ng BTU. Ay, BTB yata yun. Basta kpop group yun e. Ah, BTS pala!


"Riri, sabay na ka--" naputol ang pagsasalita ni Kier ng sumigaw si Tori.


"Pwede ba, Kier! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko nga! Kagabi ka pa!" at umalis na si Tori. Unti unti namang nagtitinginan ang mga tao. Nagpaumanhin naman ako sa kanila. Buti na lang di narinig ni manager. Nakita kong yumuko si Kier. Halatang malungkot. Sino ba namang hindi diba.


"Ah, Kier. Pagpasensyahan mo na yung si Tori. Medyo pagod na kasi yun e." sabi ko sa kanya.


Itinaas nya naman ang ulo nya at ngumiti ng pilit sakin. "Okay lang, Krystal." at umalis na. Hays, kawawang Kier. Tsk tsk.


Natapos na din yung duty namin at pauwi na kami. Badtrip nga si Tori kaya di ko makausap ng maayos e. Pano ba naman kasi, namimilit pa rin si Kier kanina na ihahatid sya. Likas na makulit talaga yung isang yun. Ayan napapala. Naku.


Natulog na din naman kami pagdating sa bahay.


[Kinabukasan]


"Po? Volleyball?"


"Laban sa iba't ibang section?"


"Ahh~ Mr. Han naman! Pagod na kami!"


Yan ang mga hinaing ng mga kaklase ko ngayon. Tapos na kami sa ibang subject at eto na nga, PE na. At volleyball ang topic namin. Ugh! Inaantok pa ko. Nagkukulang na talaga ko ng tulog dahil sa trabaho ko. Lanta pa din ang katawan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meeting Lucas Del Fuerte [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon