Alas sinco pa lang ng umaga ay gumising na kami at naghanda para sa pagpasok. Excited na excited akong pumasok samantalang si Tori ay tinatamad pa raw. Nagsasawa na daw sya sa mga mukha ng nag aaral sa Woollim High. Matagal na syang nag aaral dun at ako ay transferee pa lang. Kapapasok ko lang kasi talaga sa trabaho nung nakaraang buwan at sakto namang nakilala ko si Tori.
Ang cute cute ng uniform ng Woollim High! Yung parang sa uniform sa mga koreanovelas? Pero yung dito sa Woollim may necktie.
"Ano ba naman yan, Stal! Akin na nga, ayusin ko." sabay lapit nya sakin at ayos ng necktie ko. Dito talaga ko na bobopols e. Di ako matutututo sa pagkabit ng necktie. Yung uniform din kasi namin sa shop na pinagtatrabuhan namin ni Tori may suot ding necktie. Ilang beses na din namang tinuro ni Tori kung pano ikabit yon pero di ko talaga makuha. Hindi naman sa ang bobo't tanga ko ha! Hindi ko lang talaga makuha. Kaya si Tori na lang laging nag aayos ng necktie para sakin.
Mga bandang 6:30 ay nakapasok na kami. Pagdating namin sa school ay wala pang masyadong tao. Napaaga yata kami ng pasok.
"Stal, tara. Tingnan natin kung anong section tayo." pumunta kami sa isang malaking board doon. Hinanap ko ang pangalan ko at 4-class C ang section ko.
"Capisa, Carmen, Ayun! Cariño! 4-C!" masayang sabi ni Tori.
"4-C? 4-C din ako e!"
"Ayos na ayos, Stal! Hahaha. Oh tara na. Punta na tayo sa assigned room natin." hahatakin na sana ko ni Tori kaso pinigilan ko sya.
"Eh Tori. Gusto kong libutin yung kabuuan ng school e. Tara." hahatakin ko na sana sya kaso sya naman yung nagpigil.
"Ay sus! Ikaw na lang! Halos four years na kong palibot libot dito sa Woollim at nakakasawa na! Osya sige! Una na ko! Bye, Stal!" pipigilan ko sana sya kaso tumakbo na sya ng mabilis. Hays, Tori! Yari ka sakin mamaya!
So, heto ko. No choice kundi magliwaliw mag isa. Palakad lakad lang ako. Malawak ang Woollim Highschool. Hanggang 4th floor at may rooftop. May malawak na quadrangle at tamang tamang pagtambayin ng mga estudyante. Pumunta ko sa hallway at nagmasid din. Ang ganda ganda ng mga rooms. Napakalinis ng mga ito at napaka--
"Aray!" pareho kaming natumba ng lalakeng nakabangga ko. Unang nakabawi sa sakit yung lalake at tumayo. Galit na tumingin sakin yung lalake. Teka, pamilyar mukha nito ah?
"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" galit na sabi nito sakin. Teka, pamilyar talaga e! San ko ba nakita 'to?
"Don't daydream while walking. Stupid." S-stupid! Wait--ah! Sya yung aroganteng lalake kagabi! Yung nagsabing Stupid samin ni Tori! Aba. Tingnan mo nga naman at dito din sya nag aaral!
"Hoy ikaw! Yung lalakeng nakaitim kagabi na sinabihan kami ng stupid ng kasama ko!"
Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa ng may bored na expression. Aba't! "Ah. The stupid girls from yesterday."
Napapikit ako sa inis. Talaga bang nilalabas ng lalakeng 'to yung pagka inis ko ah. "We're not stupid! Nabangga ka lang namin! Di sinasadya yun!"
Naka poker face pa din syang nakatingin sa kin. Bat ba ang lamig nya? Parang napaka.. delikado nyang tao. Ewan. "If you say so." at nagsimula ng lumakad paalis.
Napakalamig at napaka bastos! Napakatipid pa. Sumigaw ako. Sinigawan ko sya. "NAKAKAINIS KA! Argh! MADAPA KA SANA!"
Unti unti ng dumadami ang mga tao at nagsimula ng magbulungan sa nangyayari samin. Lumingon bigla yung lalakeng nakakainis na medyo malayo na sakin. Unti unti na syang humarap at biglang nagbigay ng nakakalokong ngisi, "Don't worry. The feeling's mutual." sabay talikod at alis na.
ARGH! What a nice way of welcoming my first day! Wow, just wow!

BINABASA MO ANG
Meeting Lucas Del Fuerte [On Going]
Teen FictionMeeting him was one of my biggest mistake. But yeah, Meeting Lucas Del Fuerte was the most unexpected moment in my life that I won't be able to forget, forever.