Papunta na ko sa room na naka assign sakin. Sa 4-C. Dagdag inis pa! Dahil nga bago lang ako dito at iniwan ako ni Tori, ayan. Namomroblema akong hanapin yung room ko. Buti naman at sa kinatagal tagal ay nahanap ko din! Pero nakakasira talaga ng araw yung lalakeng yun e. Alam kong sing edad ko lang sya. Halata naman e. Baka nga may posibilidad nga na maging ka section ko din sya. Alam mo yun. Yung mga nangyayari sa wattpad. Pero pwe! Wag naman sana! Ayoko ng magkita uli yung landas namin nung bastos na yon!
"Oh, Stal! Ang tagal mo namang naglibot? Nag enjoy ka? Hahaha." pang iinis naman ni Tori. Tsk! Kung alam mo lang kung bakit!
Inis ko syang hinarap. "Pano ba ko di maiinis e iniwan mo ko, at hinanap pa 'tong 4-C! Sa laki nitong school imposibleng agad kong mahanap 'to no!"
"Oh easy! Beastmode ka naman! Oo nga no, bat di ko naisip yun?"
"Oh tingnan mo! May sapak ka yata, Tori e! Pero di lang naman yan yung dahilan kung bakit badtrip ako. Tsk." Iniisip ko palang, naiinis na ko.
Nagtataka naman akong tiningnan ni Tori. "Oh? Woah. Bakit? Ano pa?"
"Eh pano ba naman kasi. May--" di ko natuloy yung sasabihin ko dahil dumating na yung teacher namin. Tumingin ako kay Tori at binulungan sya. "Mamaya na lang." at tumango naman sya.
Ayun. Alam nyo na yung usual na nangyayari pag first day. Pagpapakilala. Tumitingin tingin nga pala ko minsan sa pinto. Tiningnan ko yung oras sa relo ko. 8:25. Napangiti ako bigla. Yes! Di ko nakitang pumasok yung lalakeng bastos na yun dito sa room. So it means, we're not classmates and that's a good news. Haha.
Ilang oras din ay dinismissed na ni Ma'am yung klase. Mabilis din namang natapos yung sunod na klase at recess na. Pumunta kami ni Tori sa canteen at bumili na ng pagkain namin. Medyo dumadami na ang mga estudyante kaya umupo na kami sa isa sa mga table doon. Pagkaupo namin ay nagsalita na ko.
"Heto na nga. Naka--" Ano ba naman yan! Naputol nanaman ako! Pano ba naman! Unti unting nagbulungan yung mga nasa paligid namin tapos kinikilig pa sila. Hala? Bakit?
"Anong meron Tori?" tanong ko kay Tori at biglang tinuro ang lugar sa may entrance ng canteen. Pagharap ko ay biglang lumaki ang mata ko at kumulo ang dugo ko. Agad kong kinalabit si Tori.
"Sya yun! Sya yung ike-kwento ko sayo! Kung bakit badtrip ako!" sabay turo sa lalakeng bastos kanina. Nagulat ako ng biglang natawa si Tori.
"Si L? Bakit?"
"L? Kilala mo sya? Atsaka sya din yung nakabangga natin kahapon!"
"Oo, alam ko at kilala ko sya. Sino bang di makakakilala dyan e sikat yan dito. Lahat ng babae dito may gusto dyan no."
Biglang naagaw ang atensyon namin ng may babaeng lumapit dun sa L. Nahihiya pa nga sya e. May nilabas syang cupcakes at ibinigay ito dun sa L.
BINABASA MO ANG
Meeting Lucas Del Fuerte [On Going]
Novela JuvenilMeeting him was one of my biggest mistake. But yeah, Meeting Lucas Del Fuerte was the most unexpected moment in my life that I won't be able to forget, forever.