[VII] Stupid's Other Side

36 2 1
                                    


Sinigurado kong gigising na talaga ko ng maaga ngayon at hindi na made-detention. At nagprepare na kami ni Tori at nakapasok na kami ng mga 6:30. Oha, kahit mahirap gumising dahil sa trabaho ko, kinaya ko.


Nandito na kami sa Woollim, at naglalakad na kami. Habang naglalakad kami ay parang may nararamdaman akong sumusunod samin. Napahinto ako at tumingin sa likuran ko. Wala naman.


"Oh? Napahinto ka?" nagtatakang tanong ni Tori.


"Para kasing may sumusunod sa'tin e."


Nakitingin tingin na din sa paligid si Tori. "Wala naman e. Nang aano ka ah. Aga aga, Stal. Tara na nga!" kinakabahang sabi ni Tori.


Nagkibit balikat na lang ako at nagtuloy tuloy na sa room namin.


Habang kasalukuyan akong nagsusulat sa klase ay nararamdaman ko pa rin na parang may tumititig sakin. Lumingon ulit ako. Tsk! Wala naman e! Ano ba, Stal! Wag ka ngang ano dyan!


Recess na at nagdiretso na kami ni Tori sa canteen. Nakita kong pumasok si N. Si N lang? Nasaan si L? Di yata kami nagkaka salubong ngayon. At isang goodnews 'yon! Walang asungot na bastos sa paligid!


Ayon, kumain lang kami ng kaunti at pumasok na uli kami sa susunod naming klase.


Science na ang subject namin at eto nanaman ang pantog ko! Bakit tuwing Science, naiihi ako? Grabe 'to ah.


Nagpaalam na ko at lumabas. Eto nanaman yung feeling ko. Na may sumusunod sakin. Di ko na lang 'to pinansin. Nagulat ako ng biglang may mga kamay na pumatong sa balikat ko. Sa sobrang takot ko ay itinulak ko sya sa buong pwersa ko at kitang kita kung gaano kagrabe ang pagkasalampak nya sa sahig.


"Oww.." narinig kong sabi ng tinulak ko. At nanlaki na lang ang mga mata ko ng makitang si N yon. Aba? Si N!?


"N!? B-bakit mo ba ko kinakalabit?" ibig sabihin si N yung kanina pang parang sumusunod sakin?


"May itatanong lang kasi ako. Ba't ka ba nanunulak Krystal?" kalmado nyang sabi habang unti unting tumatayo.


"May itatanong ka lang pero kailangan kanina mo pa ko sundan?" kahit konti naiinis ako. Dahil kasi pa sunod sunod nya, kinakabahan ako. Si N lang pala.


"What? Hindi kita sinusundan." nakakunot na ulo nyang sabi.


"Ha? Diba kanina mo pa ko sinusundan?"


"What? No. Kakikita ko lang sayo ngayon lang at tatanungin sana kita kung nakita mo si Luke." nagsitaasan ang mga balahibo ko at tila kinabahan. Kung hindi si N yung sumusunod sakin, sino?


"A-ah. H-hindi ko nakita si L e." at tumango na lang si N at nagsimula ng maglakad.

Meeting Lucas Del Fuerte [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon