Priestess 2

80 6 1
                                    

"Hikari... Hikari..." malumanay na boses na tumatawag kay Hikari. Nasa isang burol siya, puro luntiang paligid ang nakikita. Maraming bulaklak at ang simoy ng hangin ay napakapresko. Hinahanap nito kung saan galing ang boses na tumatawag dito.

"Hikari." Napaharap si Hikari nang marinig ang boses ng babae sa likuran nito.

"S-sino ka?" Hindi naman takot si Hikari, nabigla lang ito dahil may dalawang tao sa likuran niya. Isang babae at lalake na may matamis na ngiti. Halata na nagmamahalan ang mga ito. Sa pagtingin niya sa dalawa, biglang kumunot ang noo ni Hikari. Ang babae ay isang japanese, bakas sa asul na uniporme nito. Kaso may kalumaan, parang isang daang taon na ang desenyo nang unipormeng iyon. At ang lalaking kasama nito ay isang chinsese. Napa-WTH sa isip si Hikari. Parang isang ancient chinese ito sa kasuotan nito. Isang Chinese warrior.

"Ako si Suzuno Ohsugi at siya naman si Tatara." Pagpapakilala nang babae. Lalong napakunot noo si Hikari dahil pamilyar sa kanya ang mga pangalan nila. Hindi lang niya masyadong maalala. Pero makalipas ang ilang minuto, naalala na niya at napatakip siya ng bibig.

"Pero... Paano?" Hindi makapaniwalang nasambit ni Hikari. Ngumiti lang ang dalawa.

"Kami nga Hikari. Ako ang unang Priestess of Byakko at isa si Tatara sa Byakko Seven." Dagdag linaw ni Suzuno kay Hikari.

"Bakit nandito ako? Bakit nakikita ko kayo? Anong nangyayari?" Naguguluhang mga tanong ni Hikari. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na kaharap niya ang mga taong naikwento sa kanya ng kanyang ina at tito Kaisuke.

"Panaginip lamang ito Hikari kaya huminahon ka." Sabi ni Suzuno at walang sinagot sa mga katanungan ng dalagita. "Mahal doon muna kami ni Hikari at may sasabihin akong importante sa kanya." Turo nito sa isang malaking bato sa lilim nang isang matandang puno. Tumango lamang si Tatara. At hinila na ni Suzuno si Hikari papunta sa puno. "Maupo muna tayo." Kahit nagdadalawang-isip at naguguluhan, sumunod naman si Hikari. Tiningnan ni Hikari si Suzuno na nakatingin sa ibaba kaya otomatikong napatingin din ito sa titingnan ni Suzuno. Napa-ohh siya sa nakikita. Isang napakalawak na sinaunang siyudad ng China ang nakikita niya. Hindi siya makapaniwala.

"Maganda 'di ba?" Napabalikwas siya nang magsalita ulit ang babae. "Ganyan din ang reaksyon ko noong unang beses kong makita ang siyudad na 'yan. At dito?" patungkol niya sa burol na kinalalagyan namin. "Itong burol Kyokhan ang saksi sa pagkakaibigan namin ng mga Byakko Seven at ang unang beses na nagtapat sa akin ng pagmamahal si Tatara."

Mababakas ang saya at pagmamahal sa mukha ni Suzuno kaso bigla itong napalitan ng lungkot.

"Kaso masisira ito Hikari. Mawawala ang Sairou. Tulungan mo kami Hikari. Wag mong hayaang mawala ang Sairou, ang alala namin." Pagmamakaawa ni Suzuno kay Hikari.

"Paano?" Tanong ni Hikari at ngumiti si Suzuno.

"Malapit na, Priestess of Byakko." Biglang nagfefade ang lahat. Pati sina Suzuno at Tatara.

"Hikari. Hikari! Gising!" Nahulog sa higaan si Hikari.

"A-aray!" Tiningnan ni Hikari ang paligid. Wala pa ito sa huwisyo.

Nang makabawi na ito. "Ma, bakit mo 'ko tinulak?" nagkabit balikat lamang si Miaka.

"Maghilamos kana at bumaba, andiyan ang Ninang Yui mo." Tanging sagot nito at bumaba na ito papuntang kusina.

Habang naliligo si Hikari, hindi niya maiwasang hindi maisip ang kanyang napanaginipan. Priestess of Byakko huh? Hindi niya maintindihan ang mararamdaman niya. O baka dahil sa epekto lamang ito sa napag-usapan nila kahapon ni Yuka kaya siya naman ang nananaginip tungkol sa Priestess of Byakko.

2nd Priestess of ByakkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon