Hikari’s POV
Ito ang Sairou. Ang emperyong tinirhan ni Suzuno na naunang kinatawan ng Byakko. Nasa kabisera kami ngayon ni Nanay Myeng upang mamili ng kasangkapan, tela, palamuti at makakain. Ito na ang unang linggo ko sa bahay ng mag asawang kumukop sa akin. Kahit miss na miss ko na ang kabilang mundo, ang mga naiwan ko dun. Napapawi naman yun dahil sa mag-asawa at dahil abala kami sa munting hanap-buhay ni nanay. Isa siyang mananahi at tama ako na isang magsasaka si tatay. Bukod doon, nagprisinta akong gumawa ng mga porseras para ibenta sa nayon namin. Hindi naman kalayuan ang kabisera sa bayan namin. Mga kinse minutos kapag sakay ka ng tinatawag nilang Biang na maihahalintulad sa isang kalesa. Pagkakaiba nga lang, wala itong bubong kaya kailangan magtyaga sa sikat ng araw.
“Nay magkita na lang tayo dito pagkatapos ng dalawang oras. Maghahanap lang ako ng mga kailangan kong palamuti doon.” Sabi ko kay nanay Myeng. Pinayagan naman ako ni nanay sapagkat hindi na ito ang unang beses na nakapunta ako dito. Medyo pamilyar na ako sa lugar at mga nagtitinda. Naalala ko pa noong unang beses ko dito. Para akong batang first time na nakapunta sa Disney Land. Ganon ang mababakas sa mukha ko. Ikaw ba naman makakita ng sinaunang kabihasnan ng Tsina. Dati sa libro ko lang ito nababasa. Pero ngayon, live na live ko itong nakikita. Nakakaamaze ang kapaligiran at ang kulturang tsina. Maraming binebenta dito kasi ito ang pinakasentro ng kalakalan ng Sairou. May mga kainan din dito bukod sa mga pamilihan at tiange.
Noong unang araw ko dito, nagkaligaw-ligaw ako.
***FLASHBACK***
“Nay, tingnan mo yung binebenta ni manong. Mga porselanang tigre. Grabe, ang gaganda at mukhang ang mamahal ng mga yan.” Nagniningning ang mga mata ko sa mga bagong kapaligiran na nakikita ko. Wala akong nakuhang tugon mula kay nanay pero nagpatuloy pa rin akong maglakad dahil ang daming mga tinitinda dito. Amaze na amaze ako sa mga nakikita ko.
“Nay, tingnan mo. Nakikita ko na ang malaking gate ng Emperyo ng Sairou. Grabe ang laki pala.” Mula sa kinatatayuan ko, makikita ang malaking gate ng Emperyo na nakabukas pero may mga kawal sa gate. Dalawa sa unahan at dalawa pa sa likod. Mukhang mahigpit ang seguridad ng kaharian. Ang mga kawal ay may uniporme na armor na bakal at nakapaloob ang kulay putting damit at kulay itim na kapa. Sa pang-ibaba kulay itim din. ‘Yun kasi ang kulay ng Byakko, tigreng kulay puti at kulay itim ang mga guhit imbes na kulay dalandan. Kahit ganoon ang kulay ng Emperyo, nababakas naman sa itsura ng mga nasasakupan nito na masaya ang mga tao. Walang iniindang pagkukulang ng kaharian o mga suliranin. Isa lang ang problema ng kaharian. Ang mga Kyotohan lang. Mga taong kayang mag anyong tigre o maliit na byakko.
Naikwento na sa kanya ng tatay Hong nya ang tungkol sa mga Kyotohan. Ayon sa tatay niya, nag-umpisa raw ang mga ito sa isang taong may mahika. Ginawa niyang isang tigre ang isang taong pinuno ng mga mangangalakal dahil daw may alitan ang dalawa. Dahil sa nasaksihan ng mga alagad ng pinuno, sinugod nila ang taong may mahika ngunit kaparehong kapalaran lamang ang nangyari sa kanila. Naging tigre sila. Sabi pa ng tatay Hong niya, kahit anyong tigre sila. Mga pag-iisip pa rin nila bilang tao ang gamit nila. Hanggang ginawa muli na tao ang pinuno at nagmakaawa sa taong may mahika na gawin normal muli sila pero imbes na gawin normal. Ginawa silang Kyotohan ng taong may mahika at ginawa silang alagad. At hindi lang doon nagtatapos ang sumpa. Bukod sa malalakas ang mga Kyotohan, magiging kaisa ka rin nila kapag nakagat ka nila sa leeg. Parang bampira lang ang peg nila.
Isa pa sa nakakalungkot na kwento ni Tatay Hong habang kumakain kami ay ang pagiging Kyotohan ng dalawang anak nilang lalaki. Umiiyak silang mag-asawa habang kinikwento sa akin yon. Napaiyak rin ako kasi mala-MMK ang kwento nila. Feeling ko ako si Ma’am Charo habang nakikinig sa kwento nila at ako ang taga basa ng sulat. Habang nagsasaka raw sina tatay Hong at dalawang anak niyang lalaki. May isang Kyotohan na biglang sumugod sa mga magsasaka. Dahil mabuting anak ang dalawa, pinaalis na nila ang tatay nila at sinabing silana ang bahala sa Kyotohan. Nagtago lang daw si tatay Hong kaya kitang kita niya kung paano matalo ng isang Kyotohan ang sampung magsasaka na sumugod dito, kasama ang dalawa niyang anak. Kitang kita niyang naging mga Kyotohan ang sampung magsasaka kabilang ang kanyang dalawang anak na lalaki at umuwing luhaan si tatay. At ‘yun na nga ang pinakasuliranin ng emperyo. Walang may alam kung paanong wakasan ang sumpang ito.

BINABASA MO ANG
2nd Priestess of Byakko
FantasySiya si Hikari Sukunami, ang anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Matakaw. Matapang. Mapagmahal. May mabuting puso. At gagawin ang lahat para sa taong minamahal at matalik na kaibigan. Si Yuka Park, ang matalik na kabigan ni Hikari. Mahinhin. Mat...