***Sukunami Residence***
Nasa silid ang matalik na magkaibigan, sina Hikari at Yuka. Masinsinan na nag-uusap ukol sa libro na hawak ngayon ni Hikari. Bakas sa mukha ng dalawa ang pag-alala at kung anong mangyayari sa kanila kung sakaling buksan na nila ang libro. Hindi pa rin sinasabi ni Hikari sa kanyang magulang ang tungkol sa kanyang panaginip. Na siya ang pinili ng libro upang kumatawan sa panibagong Priestess ng Byakko.
“Hikari, hindi ko alam kung tama ba ‘tong ginagawa nating paglihim sa mga kamag-anak mo.” Pag-uumpisa ni Yuka habang nakatingin ito sa matalik na kaibigan na nakatayo sa harapan niya habang hawak ang libro at nakasalubong ang dalawang kilay. Alam niyang may malalim na iniisip ang kaibigan. Kilalang kilala na niya ito.
“Alam ko, ayoko lang mas mag-alala sina mama at papa. Wala na rin naman tayong magagawa. Ako ang napili ng Byakko, Yuka. Sa ayaw man at sa gusto ko, gagawa mismo ang libro ng sariling kapalaran para makapasok ako dito.” Sabi nito at tinuro gamit sa nguso niya ang nabanggit na libro.
“M-may dapat kang malaman, Hikari.” Kinakabahan si Yuka dahil gusto na niyang sabihin sa matalik na kaibigan na siya man ay napili ng libro ngunit ang isang Beast God naman, ang Genbu. Alam niyang sa oras na sabay silang pumasok sa libro, magiging magkalaban silang magkaibigan. Kaya bago mangyari ‘yon, kailangan ng malaman ni Hikari upang magawan nila ito ng solusyon kapag nasa loob na sila ng libro.
“Ano ‘yun? Mukhang importante yan ah.” Natatawang sabi ni Hikari. Natigil ang pagtawa niya nang pinagmasdan nya ang mukha nang kaibigan. Seryosong seryoso ang mukha nito at mukhang kinakabahan. Napalunok pa ng laway ito.
“Kasi-----“
Tok! Tok! Tok!
“Hikari! Yuka! Magmiryenda muna kayo!”
Sigaw ng mama ni Hikari na nasa tapat ng pinto.
“Opo Tita!”
“Sige Ma!” sabay na sigaw nang dalawa.
“Ano palang sasabihin mo Yuka?” Pagpapatuloy ni Hikari sa naudlot nilang pag-uusap.
“Hikari, kailangan malaman mong….” Naudlot ulit ang sasabihin ni Yuka nang magsimulang humangin ng malakas sa silid ni Hikari. Hindi nila alam saan nagmumula ang malakas na hangin sapagkat nakasarado ang mga bintana sa silid. Umilaw nang kulay Puti, Itim at Berde ang libro. Napatakip sila sa kanilang mga mata. Napasigaw sila dahil dito.
“Anak, anong nangyayari dyan?” Katok ni Miyaka sa silid ng kanyang anak. Dinig niya ang mag sigaw nang dalawa sa labas. Nakikita rin niya ang pagliwanag ng silid nito.
Nagbukas ang unang pahina nang libro. Bago lamunin nang libro ang dalawa. Sinasabi na ni Yuka ang kanyang panaginip, na napili siya ng libro upang kumatawan sa Genbu ngunit hindi ito marinig ni Hikari. Wala siyang marinig na ano mang tunog. Kasabay ng paglamon nang mahiwagang libro sa dalawang dalagita ay ang pagbukas ng pinto sa silid ni Hikari.
“Hikari, anong…?” Napatakip na lamang sa bibig si Miyaka at napaupo habang tinitingnan ang loob ng silid. Wala na ang dalawang dalagita sa loob. Gulu-gulo ang loob ng silid, parang binagyo ito. Nagkalat ang mga libro, notebook, damit, unan at iba pang gamit sa loob ng silid ng kanyang anak. Napansin ni Miyaka ang libro na nasa malapit lang niya. Napaluha na siya dahil kilalang kilala niya ang libro. May konting liwanag pa ito ng kulay puti, itim at berde.
“Hindi ito maari. ‘wag ang anak ko. Hikariiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!”
***Emperyong Sairou***
Napabalikwas si Hikari nang marinig ang sigaw ng kanyang ina.
“Mama?” Nagpalinga-linga si Hikari sa kinaroroonan niya. Hindi ito ang kanyang silid. Hindi niya maalala kung na saan siya at anong ginagawa niya sa lugar na ito. Bumangon na nang tuluyan si Hikari. Napakasimple ng silid. Hindi siya pamilyar sa ibang mga kasangkapan dahil parang mga luma na ito, parang sa libro na lang niya nakikita. Isang maliit na papag ang higaan niya na may isang unan at kumot na iba ang tela. May disenyong pazigzag na black at white. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto. Alam niyang nasa simpleng tahanan lang siya. Habang inaalala niya ang nangyari, biglang bumukas ang pinto na nasa likuran niya kaya napaharap siya.

BINABASA MO ANG
2nd Priestess of Byakko
FantasySiya si Hikari Sukunami, ang anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Matakaw. Matapang. Mapagmahal. May mabuting puso. At gagawin ang lahat para sa taong minamahal at matalik na kaibigan. Si Yuka Park, ang matalik na kabigan ni Hikari. Mahinhin. Mat...