Priestess 8

44 1 0
                                    

"Naglalakbay patungong bayan ng Nagere ang kinatawan ng Byakko at ang tagapagtanggol nitong si Tokaki. Lingid sa kaalaman ng dalawa. May isang pares ng mata ang nakasunod sa kanila." Pagpapatuloy ni Yui sa pagbasa ng libro.

***Timog Bahagi ng Nagere***

Nasa katimogang bahagi na sina Tokaki at Hikari nang Nagere. Ayon kay Tokaki, sa gitnang bahagi ng bayan ng Nagere nila matatagpuan ang lunas.

Hindi biro ang paglalakbay nina Hikari at Tokaki. Isang oras pa lang ang nakakalipas pagkatapos nilang maglakbay patungong Nagere ay may pulutong na mga asong lobo silang nakasagupa. Siyempre, si Tokaki ang kumilos dahil wala naman kakayahan si Hikari upang maipagtanggol ang kanyang sarili. Maraming lakas ang nabawas kay Tokaki dahil marami-raming asong lobo ang sinagupa niya.

Sakay sila ng kabayo ni Tokaki. Hindi kasi maaaring gamitin ni Tokaki ang kapangyarihan niya bilang sorsero ng hangin at kidlat para palutangin silang dalawa. Sinisave niya ang kapangyarihan para sa darating na panganib sa paglalakbay nila.

"Tokaki, ilang taon kana?" Tanong ni Hikari habang nakayakap kay Tokaki. Ayaw man niyang yakapin ang binata dahil awkward sa kanyang panig ay napilitan siya kaysa mahulog siya sa kabayo.

"Bakit mo naitanong binibini?" Malamig na sagot ng binata. Alam ni Hikari na nakapoker face ito kahit nakatalikod sa kanya.

"Wala lang. Syempre matagal kitang makakasama. Isa ka sa Byakko Seven. Gusto kitang mas makilala pa. Gusto kitang maging kaibigan." Sagot naman ng dalaga. Ramdam ni Hikari ang tensyon sa katawan ng lalaki. Rinig din niya ang buntong-hininga ni Tokaki.

"Ako'y labing siyam na." Sagot nito halatang napipilitan lang itong sagutin ang tanong.

"May mga magulang at kapatid ka ba?" Tanong muli ni Hikari. Hindi kasi siya sanay na tumahimik. Sabi nga ni Taishi, madaldal siyang babae.

"Hindi ako maisisilang kung wala akong magulang, binibini." Napairap nalang ng mata ang dalaga sa pamimilosopo sa kanya ng binata. "Mayroon akong kapatid. Lalaki rin siya." Humahagikgik pa ito habang sumasagot. Parang iniisip nito na napakabobo ng tanong ni Hikari.

"Taga Sairou ka rin ba? Lahat ba ng Byakko Seven taga Sairou lang?" Iniba na lang ng dalaga ang mga tanong upang makamove-on ang lalaki.

"Oo, sa bayan ako ng Logan. Nasa kanlurang bahagi 'yon ng Sairou." Hindi na lang inintindi ng dalaga yung tungkol sa kanluran. Hindi kasi niya alam kung saan yon kung wala siyang compass. "Sa pangalawa mong tanong binibini, sorsero ako hindi manghuhula." Napatawa pa ito ng malakas. Gustung-gusto ng sabunutan ito ni Hikari dahil makatawa ito ng wagas. Takot lang niyang ihulog siya sa kabayo kaya nagpigil pa siya.

"Salamat, binibini. Ngayon lang ako nakatawa muli ng ganito." Nagpupunas pa ito ng luha.  Sa isip naman ni Hikari. Ginawa pa kong Clown ng talipandas na lalaking ito.

"Walang anuman." Punung-puno yan ng sarcasm ni Hikari ngunit hindi napansin ni Tokaki dahil bigla na lang niyang inihinto ang kabayo. "Oh bakit tayo huminto? Anong petsa na? Baka hindi na natin abuting tao si tatay." Pagrereklamo ng dalaga.

"Sssshhhh. Wag kang maingay. May naaamoy ako." Sabi ni Tokaki. Biglang pinagpawisan nang malapot si Hikari. Kinabahan siya. Suminghap din siya sa hangin ngunit wala naman siyang maamoy. Imposibleng maamoy pa ng binata ang kanyang pinakawalan kasi may limang minuto na 'yung nakalipas, sabi niya sa isip niya.

"Hala! Hindi ako yung umutot ah. Baka, ikaw 'yun." Pagbintang nito sa lalaki. Nahihiya siyang mabuko nito. Kadalaga niyang tao tapos ang baho ng utot niya. Nakakahiya kaya 'yun. Lalo na kung hindi mo ganoon kaclose ang kasama mo.

"Wag kang maingay sabi." Tinakpan pa ni Tokaki ang bibig ng dalaga at nagpalinga-linga siya sa paligid. May malakas na pwersa siyang nararamdaman sa paligid. Hindi lang niya matukoy kung kakampi ba ito o kalaban. "May taong nagmamasid sa atin. Hindi ko alam kung kakampi ba siya o kalaban." Naging alerto naman ang dalaga sa narinig niya mula kay Tokaki.

2nd Priestess of ByakkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon