Priestess 3

82 3 1
                                    

Priestess 3

“Yuka, gising. Baka ma-late ka.” Paggising ng ina ni Yuka sa kanya.

Pupungas-pungas na bumangon si Yuka habang humihikab pa. Napatingin ito sa gilid, sa study table nito, kita niyang mag aalas siyete na nang umaga.

“Mag-almusal kana nak, may ibibigay ako sa’yo pagkatapos mong kumain.” Sabi ng ina nito at sinarado na ang pinto sa kwarto niya.

Nagalak naman si Yuka, madalang lang kasi nitong makausap ang kanyang ina dahil busy ito sa kanilang business. Ang daddy niya ay nasa Korea, doon nagtatrabaho. Tuluyan ng bumangon si Yuka at ginawa na ang morning rituals nito.

“Ma, tapos na ‘kong kumain. Ano naman ang ibibigay mo sa’kin ma?” masayang tanong ni Yuka pagkatapos nitong mag-almusal. Inabot naman ng kanyang ina ang isang makapal na parihabang bagay na nakabalot pa ng gift wrapp.

“Libro yan, alam kong mahilig kang magbasa ng fantasy story anak kaya ng ibigay sa akin yan ng business partner ko, ikaw kaagad ang naisip ko at tinanggap ko.”

“Maraming salamat ma. Sa school ko na bubuksan ‘to. Papakita ko kay Hikari, alam mo naman ma, mahilig din yon sa fantasy story.” Masayang pasasalamat ni Yuka sa kanyang ina.

Beep! Beep!

Saktong dating ng kanyang school service.

School canteen:

“Hinay-hinay naman sa pagkain Hikari. Hindi ka ba nag-almusal bago pumasok?” paalala ni Yuka sa kanyang bestfriend baka kasi mabilaukan ito sa dami ng kinakain nito. Spaghetti, siopao, japanese siomai, tatlong hotdog sandwich at dalawang burger lang naman ang kinakain nito samantalang spaghetti lang ang kanyang inorder kasi busog pa siya.

“Khumain nhaman akho.” Sabi nito habang may laman pa ng siomai ang bibig nito pagkatapos uminom na ng softdrinks. Nagburf pa ito, tanda ng kabusugan kaya napatawa at napailing na lamang si Yuka dahil sanay na siya sa katawakan ni Hikari. “Nakakagutom lang kasi ‘yung pagtuturo ng terror prof natin Yuka. Puro na lang Math. Nakakasawa kaya.” Reklamo nito at nagpout pa. Natawa ulit si Yuka sa sinabi nito. Nakikita niya kay Hikari ang ina nito. Pareho kasi sila ng kilos at pananalita.

“Magreview ka kasi Hikari, bahala ka baka bumagsak ka hindi na tayo magiging magkaklase next year.” Pananakot nito. Bigla naman may naalala si Yuka at kinuha nito sa kanyang bag.

Binalewala nalang ni Hikari ang panankot ng kaibigan. “Ano yan? Tapos na ang birthday ko. May pahabol na regalo kapa?” nangingiting sabi niya.

“Hindi sa’yo yan. Bigay sa’kin ni mama kanina. Fantasy story book daw yan. Hindi ko binuksan kasi gusto ko sabay nating makita ang librong ito.” Galak na wika ni Yuka at inumpisahan ng buksan ang libro na nakagift wrapp pa.

“Wow. Ang kapal naman ng librong yan Yuka.” Sabi ni Hikari ng makita ang may kakapalan na libro na kulay ginto ang pabalat nito. Sabay nilang binasa ang pamagat ng librong bigay ng mama ni Yuka.

“Universe of the Four Gods.”

Natutop nila pareho ang kanilang bibig at nahulog pa ni Yuka ang libro sa pagkabigla.

“Hindi maari.” Nabibiglang sambit ni Yuka.

“Hindi naman siguro yan ang original na libro diba Yuka?” nag-aalalang tanong ni Hikari.

Hindi makasagot si Yuka dahil malakas ang kutob nitong, ito ang orihinal na libro. Ang librong nagdala sa ibang mundo kina Miaka, Yui at Mayo. Hindi nila alam ang gagawin sa oras na ‘yon. Nanghihinang napaupo si Hikari.

“Kailangan sunugin natin ang librong ‘yan Hikari.” Paghihikayat ni Yuka sa kaibigan. Kahit may lihim siyang inggit kay Hikari dahil buo at masaya ang pamilya nito. Matalik na kaibigan pa rin niya ito at ayaw niyang maihalintulad sila sa nanay nito at sa bestfriend ni Miaka na si Yui. Pakiramdam kasi niya, nauulit ang kasaysayan ngunit ibang beast gods naman. Ang Genbu at Byakko. Naikwento na rin kasi sa kanya ni Mayo na walang katapusan ang kwento sa libro. Umuulit ito at naghahanap ng bagong kakatawan sa mga beast gods.

2nd Priestess of ByakkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon