Priestess 11

45 3 0
                                    


Pakiramdam ni Hikari ay isa siyang detective dahil sa misyon nila ni Tokaki kung paano malulunasan ang epidemya sa maliit na nayon ng Rikki. Ang mga kabahayan dito ay simple lang. Pinakamalaking bahay ang tirahan ng tinuturing nilang Kapitan. Pagsasaka at pag-aalaga ng mga bukid hayop ang pangunahing pamumuhay ng mga tao dito.

Nagpupulong ngayon ang mga kalalakihan sa bahay ng kanilang Kapitan. Si Kapitan Garen. May katandaan na ang lalaki ngunit matipuno at malakas pa rin ang pangangatawan. Byudo at may dalawang anak, isang lalaki at isang babae.

"Kapitan Ga, parami ng parami ang apektado ng epidemya sa lugar natin. Nahawaan na pati mga sanggol na babae." Sabi ng lalaking may pinakamalaking pangangatawan sa pagpupulong. Matulin na nakikinig lamang sina Hikari at Tokaki sa pagpupulong.

"Kamusta ang paghahanap niyo ng lunas, Wong?" Nakatingin ang seryosong mukha ng kapitan sa lalaking may kulay abuhin na damit. Isang mangagamot sa kanilang Nayon. Saktong pangangatawan at may pagkaputlang kutis. Umiling lamang ito. Tanda na wala pa ring lunas sa sakit na dumapo sa mga kababaihan sa Nayong ito.

Lumabas sina Hikari at Tokaki sa pagpupulong. Alam nilang wala pa silang maitutulong sa Nayong ito kaya sila na mismo ang nag-iimbestiga. Sinusuyod nila ang buong lugar sa Nayon. Habang nasa bungad sila ng gubat ay naramdaman nilang muli ang presensya ng lalaking sumusunod sa kanila.

"Alam kong nasa likod ka lang ng puno." Sabi ni Tokaki habang nakatingin sa isang puno na nasa bandang kanan nito. Dahil doon, napatingin din si Hikari sa punong iyon. Nakarinig sila ng yapak ng tao at mga naapakang tuyong dahon. Lumabas sa likod ng puno ang lalaking sumusunod sa kanila. Parehong pakiramdam pa rin ang naramdaman nila. Napakabigat na pakiramdam. Malamig. Walang buhay pa rin ang mukha at mata ng lalaki.

"Sino ka? Bakit mo kami sinusundan?" Lakas loob na tanong ni Hikari sa lalaking may itim na itim na buhok at walang presensya.

"Isang... Sumpa... Isang... Mangkukulam..." Pagkasabi noon ng lalaki, bigla na lang itong tumalikod at umalis. Hanggang hindi na nila muli ito maramdaman.

Napaisip naman si Tokaki. Isa siyang sorsero. Batid niyang ito ang sagot sa kanilang suliranin. Ngunit paanong nalaman ito ng lalaking iyon? Tanong niya sa kanyang isipan.

"Mukhang tama ang lalaking iyon. May sumumpa sa mga kababaihan dito sa Nayon. Ngunit hindi ko lang maunawaan kung bakit tayo binigyan ng kasagutan ng lalaking 'yon. Hindi ko pa rin alam kung isa siyang kakampi o kalaban." Mahabang sabi ni Tokaki sa dalaga. Si Hikari man ay hindi maintindihan kung bakit sila sinusundan at tinulungan ng lalaki.

"Paano natin mahahanap ang mangkukulam na nagsumpa sa mga babae dito?" Natanong ni Hikari kay Tokaki. Nasuyod na kasi nila ang buong Nayon ngunit wala silang nakitang kahina-hinala sa mga tao at lugar sa Nayon.

"Madali na lang malalaman yan binibini. Ito ang plano natin." Sabi ni Tokaki at nagsimulang magsabi kay Hikari tungkol sa naisip niyang plano. Alam na kasi ni Tokaki kung sino ang mangkukulam o ang salarin sa Nayon. Ang taong 'yun lang ang kahina-hinala.

Bumalik na sina Hikari at Tokaki sa kanilang pansamantalang tinutuluyan upang matulog. Bukas uumpisahan na nila ang kanilang plano upang makorner ang taong may kagagawan ng sumpa. Tumabi si Luna kay Hikari sa pagtulog.

Kinabukasan...

Nasa isang bahay sina Hikari at Tokaki. Sa bahay ng unang biktima ng sumpa o sakit. Gurna ang pangalan ng babae. Ito ang kasintahan mangagamot na si Wong.

Abala sina Wong at ang babaeng mangagamot na si Yuriko sa bahay nina Gurna. Hindi na kasi biro ang sakit nito. Dahil ito ang unang biktima ay mahigit tatlong linggo na itong may sakit. Namayat na ang babae. Ang mga kulay lila at itim na ugat ay sakop na ang kanyang buong katawan. Nangingitim ang mga kuko nito sa kamay at paa. Humpak ang mukha ng dalaga.

2nd Priestess of ByakkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon