Priestess 10

46 3 0
                                    


Ilang araw na mula nang mailibing sa likod bahay ang mag-asawang sina Myeng at Hong. Nadatnan sila ni Hikari sa loob ng bahay na patay na. Dilat ang mga mata. Halatang pinahirapan muna bago patayin ang mag-asawa. Mukhang naglaban pa rin ang tatay Hong niya kahit sugatan, upang ipagtanggol ang kabiyak. Magkahawak ang kamay nila sa sahig. Ang dugo nila ay nagkalat sa iba't ibang parte ng silid. Bali-baling buto ang nasa mag-asawa. Sabi sa sarili ni Hikari, hindi tao ang gumawa nito. Napakabrutal ng pagkamatay nila dahil laslas na sa leeg ang mag-asawa. Pinutulan pa sila ng mga dila.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, binibini." Sabi ng binatang si Tokaki sa kinatawan ng Byakko. Maging siya man ay nalungkot sa sinapit ng mag-asawa. Hinalughog at sinuyod niya ang buong nayon upang hanapin ang salarin ngunit wala itong bakas na naiwan. Napakalinis nang ginawa nito. Mukhang sanay sa pagpatay ang salarin. Iniisip niya kung kasapakat ang lalaking humarang sa kanila nang gabing iyon. Kung iisiping mabuti, parang binigyan kasi ng oras nung lalaki ang salarin upang makatakas.

"Hindi ko lang mapigilan. Wala kasi ako sa bahay noong oras na nanganganib ang buhay nila." Sinubsob muli ni Hikari ang kanyang mukha sa kanyang mga braso. Umiiyak na naman siya. Ilang araw na siyang umiiyak at hindi makakain ng maayos. Hindi niya matanggap na patay na ang mag-asawang kumupkop sa kanya. Naalala niya ang mga masasayang oras at araw na kasama niya ang mga nagsilbing magulang niya sa mundong ito.

Naalala niya kapag sabay-sabay silang kumakain. Panay ang kwento ng mag-asawa sa dalawang anak nilang binata. Siya naman, kwento sa mga magulang, bestfriend at malalapit sa buhay. Inedit niya lang ng kaunti ang kwento para magmukhang taga Konan siya. Naalala niya ang araw na sinamahan niyang magtanim ng palay ang kanyang Tatay Hong. Sumakit pa nga ang galudgod niya sa likod. Totoo pala ang kantang, 'magtanim ay 'di biro'. Naalala niya ang mga pamamasyal nila ng kanyang Nanay Myeng sa kabisera upang mamili ng kagamitin. Ang pagturo nito sa kanya paano magluto, ang pagsuklay nito sa kanyang mahabang buhok, ang pagtabi-tabi nilang matulog tatlo at kekwentuhan siyang parang paslit na bata.

Lalong napahagulgol si Hikari sa mga alaala niya sa mga matanda. Kahit alam niyang mga kwento o minor characters lang sila sa librong ito. Masakit pa rin sa kanya dahil napamahal na sa kanya ang mga ito.

"Nakikita ko sayo ang sarili ko noong namatay ang mga magulang ko." Sabi ni Tokaki kay Hikari kaya napaangat ng tingin ang dalaga. Hindi niya kasi alam na magbubukas ng ganitong topic ang binata. "Kaibahan nga lang, mismong sa harapan namin magkapatid sila pinatay." Mapait ang pagngiti ni Tokaki habang nakatanaw sa kawalan. Halata sa mukha nito ang iniindang sakit sa alaalang iyon. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung masasaksihan mo mismo sa harapan mo ang pagkamatay ng mga magulang mo. Nagtatanong ang mga mata ni Hikari. Gusto niyang malaman kung paanong namatay ang mga magulang nito.

"Hindi ko alam kung sumpa o swerte ang pagiging Byakko Seven ko. Ang alam ko lang, namatay sila dahil isa akong tagapagtanggol." Yumuko ito. Hinawakan ni Hikari ang kamay ni Tokaki. Doon niya sinasabing, okay lang ang lahat. Na andyan siya bilang isang kaibigan. "Dahil doon, galit sa akin ang kuya ko. Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng aming mga magulang." Malungkot na sabi ng binata.

"Hindi ko na itatanong kung paano namatay ang mga magulang mo. Gusto ko lang magpasalamat din sayo dahil hindi mo ko iniwan." Marami pang gustong sabihin ang dalaga kaso pinigilan niya lamang ang kanyang sarili. Hindi kasi niya alam kung angkop ba ang mga salitang yon na sabihin kay Tokaki.

"Walang anuman, binibini. Isa akong makisig na tagapagtanggol mo, ng Byakko. Obligasyon kong protektahan ka. Hindi lang bilang isang kinatawan, bagkus bilang isang kaibigan na rin." Napangiti ang dalaga sa narinig sa lalaki. Wala sa maangas nitong mukha ang ganitong pananalita. Badboy image nga kasi sa kanyang paningin ang binata. Mukha itong suplado, masungit at palaaway sa ayos at awra nito.

2nd Priestess of ByakkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon