"Sa kabilang ibayo, nanggagalaiti sa galit ang isang lalaki nang malaman na nahanap na ng kinatawan ng Byakko ang una sa pitong bituin ng Byakko. Galit na galit itong pinagbabasag at pinagtatapon ang mga nahahawakan nito." Pagbasa ni Yui sa sunod na sanaysay sa libro. Si Yui na lang ang nagpatuloy sa pagbabasa ng libro sapagkat hindi nakayanan ni Miyaka na basahin ang libro, kung saan ang anak niya ang bida.
Muntik pa nga itong atakihin nung nasa panganib ang kanyang anak, mabuti at nahanap ng isa sa Byakko seven ang anak niya. Hindi nila makausap ang anak sa loob ng libro. Hindi nila alam kung bakit, dapat makausap ito ni Miyaka sapagkat anak niya ito.
***Bayan ng Gokhan, Sairou***
Naiisip pa rin ni Hikari ang huling pag-uusap nila ni Tokaki. Hindi kasi ito sumama sa kanya. Sinabihan rin siya ni Tokaki na maghintay sa tamang panahon. Lakas maka AlDub nitong si Tokaki diba? Hindi pa raw ito ang tamang oras upang buoin niya ang pitong Celestial Warriors ng Byakko. May nararamdaman daw itong panganib na malapit lang sa kanya.
Sabi pa nito, nasa paligid lang daw siya at babantayan si Hikari. Magpapakita raw ito sa oras na may maramdaman panganib sa kinatawan ng Byakko. Ayaw man sana ni Hikari, may kapilyahan na naman kasi itong naisip nung panahon sinasabi ito ni Tokaki. Sasabihin sana niya na kung nasa paligid lamang ito, baka pati pagligo niya andun ang lalaki at binobosohan siya. Kaso hindi na lang niya isinatinig iyon, baka kasi hindi ito makapagtimpi at siya naman ang patamaan ng kidlat.
Ngayon, abala si Hikari sa paggawa ng makukulay ng polseras gamit ang mga nabiling palamuti sa kabisera. Hindi rin niya maiwaglit sa isipan niya si Taishi. Ewan niya ba kung bakit. Gusto niyang masilayan muli ang mukha ng binata.
"Anak, ang gaganda naman niyan." Bungad sa kanya ng Nanay Myeng nya. Tumabi ito sa kanya sa mesa. "Ganyan ba ang mga polseras sa bayan niyo?" tanong pa nito.
Nasabi kasi ni Hikari sa nanay nanayan niya na nanggaling siya sa Emperyo ng Konan. Kung saan nanggaling ang ina niyang si Miyaka. Hindi naman niya maaaring sabihin na galing siya sa mundo nila at ito ay kwento lamang sa libro. Baka akalain ng mga kumupkop sa kanya ay nasisiraan na siya ng bait.
"Opo nay, itong isa ay para sayo at ito naman kay tatay. Regalo ko sa inyo dahil pinatira't pinakain niyo ko kahit hindi niyo ko kakilala o kadugo." Sabi ni Hikari sabay bigay ng gawa niyang polseras sa nanay Myeng niya. Ang polseras ay mga beads na kulay lila. Mga starfish ito at pinakagitna ang isang kabibe.
"Salamat. Anak na ang turing namin sayo. Unang kita pa lang namin sayo ng tatay Hong mo ay magaan na ang loob namin sayo. Siguro, dahil nangungulila kami sa mga anak namin at gusto rin namin magkaanak ng babae." Maluha luha ang ginang habang sinusuot ni Hikari sa kamay nito ang ginawang polseras. Nagyakapan ang dalawa. Hindi rin mapigilan ni Hikari ang maluha. Napakabait kasi ng mag-asawa sa kanya. Hindi tuloy siya nangungulila sa mga magulang niya dahil sa dalawang matanda.
"M-myeng, a-anak," humahangos na sambit ng tatay Hong niya. Halata sa itsura nito na may iniindang sakit. Maraming sugat ang tatay niya. Hindi malaman ni Hikari kung anong nangyari sa tatay niya dahil nahimatay na ito sa pintuan.
"Diyos ko po! Ang asawa ko!" mabilis na tumayo ang mag ina at nagtulungan na buhatin si Hong. Medyo napahingal ang dalawa pagkatapos nilang mailapag ito sa papag.
"Aaaaahhhh." Atungal ni Hong habang nakapikit. Hawak hawak pa nito ang kanang dibdib. Mukhang sumasakit ang puso nito.
"Anak, kumuha ka ng malinis na tubig sa palanggana. Bilis!" Kahit kinakabahan at natataranta. Maliksi pa rin nagawa ni Hikari ang inuutos ng nanay niya. Binigay nito ang malinis na tubig at malinis na pampunas sa nanay Myeng nya.
"Nay, ano hong nangyayari kay tatay?" tanong ni Hikari. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkabahala at takot.
Sasagot na sana ang nanay Myeng niya ng may maramdaman silang isang tao sa gilid nila.
"Hindi ito maganda. Nakalmot siya ng isang Kyotohan." Tama nga ang hinala ni Hikari. Ang tinig na 'yon ay nagmula kay Tokaki. Ang isa sa pitong tagapagtanggol ng Byakko.
"Si-sino ka?" Nanghihitakutan sambit ng ginang sa lalaking bigla na lang lumitaw sa gilid nila.
"Nay, wag kayong mag-alala. Siya po si Tokaki. Isa siyang kaibigan." Sabi ni Hikari upang hindi mabahala ang kanyang nanay.
"Siyang tunay. Isa po akong sorsero. At base sa nakikita ko sa asawa niyo. Nakalmot siya ng isang Kyotohan. Mayroon siyang bente kwatro oras bago maging isa sa Kyotohan." Pag-iimporma ni Tokaki sa ginang. Napahagulgol na lang ang ginang dahil alam niya sa sarili niya na wala ng lunas ang asawa niya.
"Paano na ako? Paano na tayo, anak? Kinuha na sa akin ang dalawang kuya mo. Pati ba naman ang asawa ko?" Lalo lamang humagulgol ang ginang. Napaluha nan rin si Hikari dahil damang dama niya ang pighati ng nanay niya.
"Mag-usap tayo sa labas." Kalaunan sabi ni Tokaki kay Hikari.
Nagpaalam muna saglit ang dalaga sa nanay nanayan niya at sumunod kay Tokaki sa labas. Hindi niya alam kung anong pag-uusapan nila ni Tokaki. Pero sumunod na lang siya. Baka isang impormasyon ukol sa panganib o sa ikalawang Byakko seven.
"Anong pag-uusapan natin?" Kitang kita ni Tokaki ang problemadong itsura ng dalaga. Halata sa itsura nito na apektadong apektado sa sitwasyong kinahaharap. Sino ba naman matutuwa kung alam mong magiging Kyotohan ang iyong ama, diba?
"Tungkol sa lunas sa iyong ama." Mabilis na sagot ni Tokaki. Hindi mailarawan ang emosyon na nababakas sa mukha ng dalaga. Pagkagulat, lungkot, naguguluhan, nagtatanong at kasiyahan. Yan ang mga emosyong dumaan sa mukha ng dalaga ng marealize niyang may lunas pa para hindi tuluyang maging Kyotohan ang kanyang ama.
"Paano? Saan makukuha ang gamot, Tokaki?" Ayaw na kasing magpatumpik-tumpik ni Hikari. Wala ng bente kwatro oras ang kailangan. Ang bawat oras ay mahalaga upang maiwasang maging tuluyang Kyotohan ang kanyang tatay tatayan.
"Lubhang mapanganib para sayo." Sabi ni Tokaki. Hindi kasi madali ang pagkuha ng lunas.
"Gaano man kahirap o kapanganib. Susuungin ko Tokaki." Determinado ang mukhang nakikita ni Tokaki sa mukha ng dalaga. Alam niyang hindi niya ito mapipigilan. Buhay nga naman ng ama nito ang nakasalalay.
"Sige. Huwag kang mag-alala. Kasama mo ako. Hindi ko pababayaan na may mangyaring masama sa Kinatawan ng Byakko." Sabi ni Tokaki. Bilang isang Celestial Warrior ng dalaga. Kailangan niyang pangalagaan ang kaligtasan nito habang hindi pa nahahanap ng dalaga ang anim pang tagapagtanggol.
"Kailangan na nating magmadali. Sa bayan ng Nagere matatagpuan ang lunas. Tatlong oras ang kakailanganin para makapunta sa bayang iyon." Dagdag pa ni Tokaki.
Mabilis na nagpaalam si Hikari sa nanay nito at pinaliwanang mabuti ang kanyang gagawing paglalakbay. Nag-umpisa ng maglakbay ang dalawa upang makuha ang lunas.
Sa kabilang ibayo...
"Namame, ikaw na ang bahala sa dalawa." Boses ng nakakatakot na lalaki.
"Masusunod panginoon." Sagot naman ng babaeng nakaluhod sa harapan ng lalaki.
"Nahanap niyo na ba ang ika-apat na tagapaglingkod ng Genbu?" Tanong nito sa dalaga.
"Opo panginoon. Papunta na si Uruki sa taong iyon." Malamig na sagot ng babae.
"Mahusay. Sa oras na mabuo ang pitong tagapagtanggol ng Genbu. Hanapin ang kinatawan ng Genbu. Sigurado akong nasa malapit na bayan lang siya." Utos muli ng lalaki habang hinihimas himas ang ulo ng ahas sa tabi nito.
"Masusunod panginoon. May ipag-uutos pa ba kayo?" Tanong ng babaeng nagngangalang Namame.
"Wala na. Humayo kana at gawin ang unang pinag-uutos ko. Kung maaari, patayin mo ang dalawa." Sagot muli ng lalaki na nakaupo sa trono nito.
"Sige po panginoon. Aalis na po ako." Tumayo na ito at mabilis naglakad palabas ng bulwagan.
"Masosopresa kayong dalawa." Humalakhak ang lalaki habang nakatingin sa salamin sa harapan nito. Kitang kita niya ang dalawang nilalang. Ang dalawang taong pinapapatay niya kay Namame.
"Ssssshhhhhhhh"
"Oo Sukiname. Lahat ay naaayon sa aking plano."
BINABASA MO ANG
2nd Priestess of Byakko
FantasiaSiya si Hikari Sukunami, ang anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Matakaw. Matapang. Mapagmahal. May mabuting puso. At gagawin ang lahat para sa taong minamahal at matalik na kaibigan. Si Yuka Park, ang matalik na kabigan ni Hikari. Mahinhin. Mat...