"Masayang nagsasalo-salo ang mga mamamayan nang Nayon ng Rikki. Laking pasasalamat nila sa Kinatawan ng Byakko at sa Sorserong tagapagtanggol nito." Si Yui.
***Nayon ng Rikki***
"Maraming maraming salamat, Ginoong Tokaki at Kinatawan ng Byakko." Sabi ng ginang na iniligtas ng dalawa. Nalaman ng buong nayon na si Hikari ang kinatawan ng Byakko dahil kay Wong.
Magmula ng mawala si Yuriko kasama nung babaeng nagngangalang Namame ay nawala na rin ang sumpa sa Nayon. Lumakas kaagad ang mga kababaihan.
"Wala pong anuman." Si Hikari na lang ang sumagot dahil kita niyang abala sa pag-iinom ang binatang si Tokaki.
"Hulog ka talaga ng langit sa amin. Totoo nga na ang kinatawan ang magliligtas sa mga suliranin ng ating Bayan." Sambit naman ng ina ni Wong.
"Oo nga, Hua. Gaya ng kwento sa atin. Ilang daang taon na ang lumipas noong may napadpad na isang dalagita sa Emperyo ng Sairou at naging Kinatawan ng Byakko. Nagmula raw ito sa ibang daigdig at sinagip ang sakuna sa Sairou kaya ilang daang taon din namuhay ng matiwasay ang mga mamayan ng Sairou." Sabi naman ng Kapitan nila. Marami pa silang mga naging paksa ukol sa mga naunang Hari sa emperyo, unang Kinatawan at mga naunang pitong Byakko Seven.
Kinabukasan ay nagpaalam na ang dalawa at nag-umpisa nang maglakbay muli patungong Bayan ng Logan.
"Gutom na ako, Tokaki." Sabi ng dalagang si Hikari.
"Kakaalmusal lang natin kanina bago maglakbay. At isa pa, mga isang oras pa lang magmula ng makaalis tayo sa Nayon ng Rikki." Nagtatakang tanong naman ng binata.
Sasagot na sana ang dalaga ng biglang may mga humarang sa kanilang daraanan. Muntik pa silang matumba dahil nabigla ang sinasakyan nilang kabayo. Wala naman masyadong imik ang pusa nilang si Luna dahil ordinaryo lang ito sa umaga kaya hindi nila kaagad malaman kung may papalapit na panganib.
"Kami ang mga bandido ng Bundok Ryu. Sumama kayo ng maayos kung ayaw niyong masaktan." Sabi nang lalaking nasa gitna nila. Mukhang ito ang pinaka leader nila.
Ang mga bandidong ito ay hindi mukhang mga bandido dahil mas mukha silang mga payaso. Ang suot nila ay pang clown. May mga dala-dala silang itak, pana, spear at espada. Hindi tugma sa kanilang mga kasuotan ang kanilang mga sandata.
Bumaba naman sina Hikari at Tokaki sa kabayo nila. Iniwan ni Tokaki si Luna sa likod ng kabayo. Binulungan ni Tokaki si Hikari na, sa likod lamang siya nito. Nag-umpisa na itong maglakad paabante sa mga bandido. Seryoso lang ang mukha nito.
"Pinuno, mukhang lalaban ang lalaking iyan." Sabi ng isang bandidong payat na matangkad. May kulay berdeng buhok.
"Grrrrr! Lalabanan mo kami bata? Dalawa laban sa aming Dalawam pu't Tatlo? Nahihibang kana yata?" Humalakhak ito ng pang kontra sa pelikula. Pagkatapos ay sabay sabay nagsitawanan ang mga payaso este bandido.
Pinatunog naman ni Tokaki ang mga buto ni sa daliri. Hudyat na seryoso ito. Dahil doon ay naalerto ang mga bandido. Natigil ang mga pagtawa nila.
"Hyaaaaaahhhh!!!"
Sumugod ang isang bandido na may hawak na itak kay Tokaki. Isang malakas na suntok sa tyan ang pinakawalan ng binata dahilan para mamilipit ang bandido.
Nang mahupa sa pagkabigla ang mga bandido ay sunud-sunod na sumugod sila kay Tokaki. Gulat na gulat ang dalagang si Hikari dahil sa galing sa martial arts nitong si Tokaki. Hindi nito ginamit ang kapangyarihan nito. Puro suntok at sipa lamang ang gamit nito.
Tatlo na lang natitirang nakatayo sa mga bandido. Isang mataba, ang payat na matangkad na may kulay berdeng buhok at ang pinuno. Kahit na nangangatog sa takot ang tatlo, sumugod pa rin sila sa binata sa kadahilanan na may sinumpaan ang grupo nila na walang susuko gaano man kalakas ang kalaban nila.
BINABASA MO ANG
2nd Priestess of Byakko
FantasySiya si Hikari Sukunami, ang anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Matakaw. Matapang. Mapagmahal. May mabuting puso. At gagawin ang lahat para sa taong minamahal at matalik na kaibigan. Si Yuka Park, ang matalik na kabigan ni Hikari. Mahinhin. Mat...