Hikari's POV
Yun na nga ang nangyari nang unang beses akong maligaw dito sa kabisera ng Sairou. Naiisip ko pa rin ung gwapong maglalakbay na si Taishi. Panigurado wala na yun dito sa Sairou.
Marami na rin akong nabiling mga palamuti para sa gagawin kong polseras. Ginagawa ko ito upang makatulong sa mag-asawang kumupkop sa akin. Kakaiba talaga ang mga binebenta dito sa sinaunang tsina. Ung mga beads mas maganda kaysa sa mga modernong beads. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha o paano nila nagagawa ang mga beads na ito.
Sa kagustuhan kong makita muli si Taishi. Pagkatapos kong makabili ng magagamit. Pumunta ako sa bakanteng lote na pinagdalhan niya sakin. Nagbabakasakaling makita ko siya doon.
Bagsak ang balikat ko pagkadating ko dito sa bakanteng lote dahil walang Taishi na matatanaw dito. Akmang lilisanin ko na ang lote nang makita ko ang apat na lalaki na nakaharang sa dadaanan ko. Ang mga lalaki ay mukhang nasa edad bente pataas. Mukhang mga tsinong gangster sa generation nila. Kainis! Habulin ba ko ng malas o panganib?
"Maaari nyo po ba kong paraanin? Baka hinahanap na po ako ng nanay ko." Dinaan ko na lang sa pakiusap at pagpapacute. Nagpuppy eyes pa ko para complete package ang pagiging convincing power ko. Sa kasamaang palad, ngumisi lang ang apat at tiningnan ako ng may pagnanasa.
"Pagbibigyan ka lang namin binibini pagkatapos naming magpakaligaya sayo." sagot ng parang pinuno nila. Biglang nanindig ang mga balahibo ko nung dinilaan ang labi nito. Sabay sabay nagsitawanan ang mga ito.
"Wag kang mag alala, dadalhin ka namin sa langit binibini." Sagot ng nakapula sa kanila. Sa kanilang apat, eto lang ang mukhang matino dahil may itsura ito ngunit nagkamali ako. Dahil isa rin itong manyak.
"Baka kayo pa ang unang makakita ng langit gamit ang kamao kong ito." Sabay pakita sa kanila ang aking kamao.
"Pinuno, mukhang palaban. Tamang tama, yan ang mga tipo mong babae." Sabi naman nang nakakulay berdeng damit at may kapayatan ito. Mukhang ito ang pinakamadaling pabagsakin. Sapagkat ang pinuno nila ay may malaking katawan, halos pareho nang may itsurang lalaki at yung isa ay may pagkachubby.
"Subukan nyong lumapit, hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo." banta ko sa mga ito nang mag umpisa silang lumapit sa akin. Ngumisi lang ang mga ito, hindi sila natatakot sa akin. Una, dahil mukha akong mahina at Pangalawa, dahil may pagkapayat ang katawan ko.
"Maganda ka binibini. At ang amoy mo, mabango." Sabi nang pinuno nila. Nandidiri ako sa mga sinasabi at titig nito sa akin. Parang nakakita ito nang masarap na pagkain.
Unang sumugod ang payat na lalaki. Hindi nila alam na handa ako sa pagsugod nila.
"Erza Scarlet Back Flip!" imbento ko lang yung tawag sa ginagawa kong ito para intense. Dahil payat ang lalaking ito, madali ko siyang naback flip. May tumunog pang nabaling buto sa pagkabalibag ko. Nanlalaki ang mga mata ng tatlong lalaki. Hindi nila siguro inaasahan na kaya kong gawin ito.
Sumunod na sumugod ang chubby na lalaki at nihead butt ko. "Lucy Heartfilia Super Head Butt!" Sigaw ko, may emote pa yan habang sinisigaw ko. Todo pose pa na pang Sailor Moon pagkatapos kong nagawa. Nasaktan naman ang chubby dahil obvious na kahinaan nito ang tyan. Dahil matigas ang bungo ko, hindi ako masyadong nahilo.
Pasugod na yung may itsura. Ayoko sana siyang saktan kaso isa rin siyang manyak. Kaya ginawa ko na ung isa pang fighting stance ko. "Wendy Handy Punch." In-upper cut ko siya para makatulog agad. Isa na lang ang natitira. Pinagpag ko ang mga kamay ko.
"Ikaw! Manyak ka! Sa ngalan ng buwan, parurusahan kita." Nagsmirk pa ko at nagpose ulit ng Sailor Moon.
"Gaga! Walang buwan. Katirikan ng araw oh." Pagbasag nito sa monologue ko. Napahiya ako dun kaya mabilisan kong binasag ang precious jewels niya upang hindi na makahirit pa.

BINABASA MO ANG
2nd Priestess of Byakko
FantasySiya si Hikari Sukunami, ang anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Matakaw. Matapang. Mapagmahal. May mabuting puso. At gagawin ang lahat para sa taong minamahal at matalik na kaibigan. Si Yuka Park, ang matalik na kabigan ni Hikari. Mahinhin. Mat...