Hikari's POV
"Aaaaahhhhhh." Patiling sigaw ko habang nakatingin sa itim na itim na mabalahibong hayop sa harapan namin ni Tokaki. Nagbibiro ba siya? Ito ang lunas? Imposible! Pinagloloko ata ako ng lalaking ito. Paanong naging lunas ito?
"Mag-ingat ka. Mapanganib siya." Paalala ni Tokaki sakin. Mapanganib? Pfffttt!
"Lokohin mo lelang mo, Tokaki. Paanong naging mapanganib ang pusang iyan?" Tiningnan ko muli ang napakacute at adorable na pusa na nasa harapan namin. Nakatingin ito sa amin. Parang may isip ito. "See? OMG! Ang cuuuuttteee niya."
"Wag kang papaloko sa itsura niyan." Paalala nito sakin. "Anong.... Hikari, wag kang lalapit." Lumapit kasi ako papunta sa pusa para kunin siya at yakapin. Mahilig kasi ako sa pusa.
"Meow~" pati pag meow nito napakacute pakinggan. Malapit na ko nang bigla itong ngumisi. Hala! Hindi ako namamalikmata. Ngumisi ang pusa. Paanong?
"Aaaahhh." Daing ko habang hawak ang kamay na kinalmot ng pusang itim.
"Hikari! Sabi sayo, mapanganib ang hayop na yan." Sabi ni Tokaki. Ngunit huli na ang lahat. Nagiging dalawa ang paningin ko. Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Grabe, sobrang bagsik ata ng rabbies sa kuko ng pusang ito.
"May lason ang kuko ng pusang iyan. Mapaparalisa ang katawan mo. Manlalabo ang paningin mo." Kahit naduduling ako, malinaw kong naririnig ang paliwanag ni Tokaki sa akin. Kasalanan ko ito, matigas kasi ang ulo ko. Nadala ako sa itsura ng pusa. Hindi ako nakinig kay Tokaki, nagpadalus-dalos ako. "Wag kang mag-alala. Ako ng bahala sa pusang ito."
Umupo ako sa isang nitso sa tabi. Kita ko kung paanong umangat sa ere si Tokaki at lumabas ang kanyang staff na may hugis kidlat sa tuktok. Ang pusang itim naman ay may nagliliwanag na crescent moon sa noo. Hudyat na ready rin ito sa pakikipaglaban.
Lumakas ang ihip ng hangin. Alam kong kay Tokaki ang kapangyarihang ito. Hindi ko alam anong kayang gawin ng pusa bukod sa lason sa kuko nito. Unang sumugod ang pusa. Gustong kalmutin si Tokaki upang maparalisa at malason ang katawoan nito. Madaling naiwasan ng binata ang pagsugod ng pusa dahil sa kakampi nito ang hangin.
"Meow~" dinig kong sabi ng pusa. Mukhang naiirita na ito dahil siya lang lagi ang sumusugod at panay iwas lang si Tokaki. Ano kayang iniisip ng lalaking ito? May plano kaya itong talunin ang pusa? Paano niya gagawin ito kung puro iwas lang ginagawa niya?
Muling sumugod ang pusa kay Tokaki ngunit naiwasan muli ng binata. Ngunit hindi tumigil ang pusa sa pagtakbo. Papunta na ito sa aking kinauupuan. At tama na naman ang nakikita ko sa pusa. Nakangisi na naman ito. Mukhang bet akong pagtripan ng pusang ito. Tumalon na ito at malapit na malapit na lang siya sa mukha ko.
(A/N: May name na po ang pag atake ng mga Celestial Warriors. In English kasi mahirap naman kung tagalog. Hope you'll understand.)
"Lightning Bolt!" Natamaan ang pusa dahil nakafocus siya sa pag-atake sa akin. Nangisay ito sa paanan ko. "Alam kong gagawin yan ng pusa." Napatingin nagtatanong ako kay Tokaki.
"Matalino ang isang yan. Alam niyang ikaw ang kahinaan ko." Hindi ko alam kung double meaning ba yon or asyumera lang ako. Pero kinilig pa rin ako. Slight lang.
Bigla naman naging usok na itim ang pusa sa paanan ko at naglaho.
"Hala! Paano na? Nawala ang pusa. Napatay mo ata." Nag-aalala kong tanong. Ito lang kasi ang pag-asa namin. Ang lunas para hindi maging Kyotohan si tatay.
"Hindi. Buhay pa siya. Hindi lang sa isang tirahan matatalo si Luna." Sabi ni Tokaki, napataas ang isang kilay ko sa narinig. Luna pala ang ngalan ng pusang mangangalmot na ito.

BINABASA MO ANG
2nd Priestess of Byakko
FantasySiya si Hikari Sukunami, ang anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Matakaw. Matapang. Mapagmahal. May mabuting puso. At gagawin ang lahat para sa taong minamahal at matalik na kaibigan. Si Yuka Park, ang matalik na kabigan ni Hikari. Mahinhin. Mat...