Nagising akong nakahiga sa lupa, Tumingin ako sa paligid , madilim at halos wala akong maaninag na kahit ano , Pero alam kong parang nanggaling na ko dito .Umuulan dahil nararamdaman ko ang mga patak ng tubig at tanging ang mga kidlat lang ang nagsisilbing liwanag . Tumayo ako sa aking kinalalagyan at unting unti akong naglakad . Naglalakad ako sa lugar na parang walang hangganan . Hanggang sa may natanaw akong liwanag,liwanag na nanggagaling sa lighthouse . Habang patungo ako sa parola, May nakita akong babaeat nilapitan ko siya .Magkahalong emosyon ang nangibabaw sakin ng oras na iyon. Natuwa ako dahil kala ko ay ako lang mag isa sa lugar na ito at natakot kung bakit may isang taong isang lugar na walang buhay na gaya nito? Nilakasan ko ang loob ko , nilapitan ko sya habang malakas na kumakabog ang aking dibdib...
"Ate..maari po bang magtanong?Nasaan po ba ako? Anong lugar to?" sabi ko pagkalapit sa kanya habang humahampas samin ang malakas na hangin
"Churchill" matipid na sagot ng babaeng naka jacket na blue ang buhok.
Di na importante kung sino siya. Basta't makaalis lang ako sa lugar na to . Medyo madilim kaya hindi ko makita ang mukha niya
Pansin ko sa itsura niyaa ang sobrang lungkot. Ano bang nangyayari ?
Hinawakan niya ako sa kamay."Kahit anong mangyari... Huwag mo kong iiwan Erica ." sabi niya sakin habang tumutulo sa mata niya ang mga luha
Nagulat ako sa mga sinabi nung babae. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at agad na napaatras. Namumukhaan ko siya , ngunit hindi maaring siya yon .
" Tara na sa loob , dito muna tayo sumilong "sabi niya sabay punas sa kanyang mata.
Nakita ko rin na namamaga na yung mata niya dahil siguro sa kakaiyak , di ko maintindihan .. Nasaan na ba ako?
Pagkapasok niya, napatingin ako sa dagat ... May malaking Ipo-ipong papalapit sa lugar namin . Hindi siya kagaya ng mga nasa balita . Nanghina ako at nagdasal . Tumahimik ang buong paligid , Hanggang sa may natanaw akong malaking bagay na tinangay ng malakas na hangin papunta sa kinatatayuan ko .......
YOU ARE READING
Erica
Narrativa generaleWill you choose the someone you loved or the sake of the whole humanity ? LIFE is truly strange ..