Prologue

5.8K 144 11
                                    

"Shit! Not now, please!" malutong na mura ni Khen nang tumirik ang sasakyan niya sa gitna ng tahimik at di-pamilyar na daan. Sa tingin niya, naliligaw na siya dahil wala na siyang makitang mga signage sa paligid at pawang mga puno lamang ang naaninag niya. Lumukob ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil naalala niya na ganito ang setting ng mga horror movie na pinapanood niya.

Luminga-linga siya sa paligid pero wala talaga siyang makita na kahit isang bahay man lang.

"Fuck you, Caleb Morfel! Magre-resign na talaga ako pabalik ko ng Metro. Bwesit ka!" sinuntok ni Khen ang manibela at umalingawngaw ang malakas na busina ng kotse niya. Natatarantang pinatay niya iyon dahil sa takot niya na baka mabalahaw siyang ibang nilalang sa lugar na kinaroroonan niya.

Dumidilim na rin ang paligid dahil balita kahapon na may paparating daw na bagyo. "Khen Tricia Rosales! Bakit di ka kasi nakinig sa kaibigan mo?" sumbat niya sa sarili niya dahil binalaan na siya kagabi pa lamang ng kaibigan niyang si Vanessa na di dapat siya gumayak ngayon pero likas na talaga ang katigasan ng ulo niya kaya pinagpatuloy niya pa rin.

Hindi niya rin magagamit ang cellphone niya dahil walang signal kaya wala siyang ibang magawa kundi maghintay na may dadating para tulungan siya.

Ang boss niya talaga ang may kasalanan nito, e. Hindi niya alam kung ano ang trip ng boss niya ngayon sa buhay nito. Kung broken-hearted ito dahil kay Joy, bakit pa siya nito dinadamay?

Itinapon siya ng boss niya sa Daanbantayan, isang probinsya sa Cebu dahil may balak daw itong bilhin na resort na naman. May resort kasi sa Daanbantayan na gustong ipatingin ng boss niya sa kanya kaya naisipan siya nitong ipadala sa lugar na wala siyang kaalam-alam. Gusto na niyang maiyak dahil hindi niya alam kung paano makaalis sa lugar na ito dahil hindi nga umaandar ang sasakyan niya. Hindi rin siya makatawag dahil walang signal ang lugar na kinatatayuan niya. Naiisip na niya na baka makain siya ng buhay ng mga wild animals sa lugar na ito. Wala pa naman siyang baon na maraming pagkain. Magugutom siya nito. Ayaw niyang magutom, mamamatay siya kapag hindi siya nakakain at masama iyon. Masama sa health niya.

Lumabas siya sa sasakyan niya at sinuri ito. Binuksan niya pa ang hood nito dahil balak niyang kalikutin ito baka sakaling umandar at makaalis na siya sa lugar na ito. Pero wala naman siyang alam sa mga sasakyan? Baka kapag kalikutin niya pa ay mas masira ang sasakyan niya. Wala siyang nagawa kung hindi sumuko nalang. Isinara niya ang hood ng sasakyan niya at napatingala sa langit.

"Lord, time ko na ba? Mamamatay na ba ako?" sabi niya, medyo naiiyak na rin siya dahil nakikita na niya ang unti-unting pagwala ng liwanag sa kalangitan. Nagsimula na siyang matakot ng makarinig siya ng kaluskus mula sa kakahuyan.

"Baka aswang? Kapre? O sigbin! Jusko! Mamamatay na talaga ako," iyon ang bulong niya sa sarili niya. Lihim siyang napapadasal. Naalala niya sabi ni Vanessa na dapat magdala siya ng rosary para safe siya pero dahil sa matigas ang ulo niya kaya hindi niya sinunod ang utos ng kaibigan niya.

Madalang lamang siya magsalita pero ngayon kung nasa ganitong sitwasy

on ay parang gusto na niyang magsalita nang magsalita. Hindi na talaga nagpapigil ang kalangitan, dumilim na at kasabay niyon ang pagpatak ng ulan. She growled in frustration. Napasandal siya sa kanyang sasakyan ngunit agad siyang napaayos ng tayo ng may maaninag siya na liwanag na papalapit sa kanyang gawi. Galing iyon sa isang sasakyan. Desperada na siya kaya pumagitna siya habang ikinakaway-kaway ang kanyang mga kamay. Napahinto ang sasakyan siguro ay naaninag na siya ng driver.

Bumukas ang pinto ng driver's seat kasabay ng pagbaba ng driver. Hindi niya ito masyadong maaninag dahil madilim at umuulan pa.

"Are you trying to kill yourself, lady?!" the man roared at her. Napangiwi siya, gusto na rin niyang sungitan pero dahil nangangailangan siya ng tulong, she chose to ignore his rude remarks.

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon