8

3.5K 110 8
                                    

She was a bit irritated about Angelo's attitude. Ilang araw na siya nitong hindi pinapansin, at naiinis na siya sa binata pati na rin sa sarili niya. Bakit ba kasi hindi siya sanay na hindi kinakausap ng binata? Para siyang invisible sa paningin nito or hindi na talaga siya nag-eexist para sa binata. It's been three days since that incident in Norme's wedding. Gusto na niyang kausapin si Angelo pero wala naman siyang kasalanan, diba? Wala siyang ginawang masama at hindi rin masama ang makipag-usap kay Eanus.

Padabog niyang itinapon ang pocketbook na hawak niya. Mabuti na lang at sa kama niya iyong nag-landing. Huminga siya nang malalim at sumalampak ng upo sa kama niya.

"Ako ang unang kakausap sa kanya? Then what about my pride?" usal niya sa sarili niya.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuoan ng kwarto niya. Ilang araw na rin siyang nagmumukmok sa kwarto niya kasi nahihiya siya dahil not in good terms sila ng may-ari ng resort. Magda-dalawang buwan na rin siya sa resort. Napaisip siya na baka it's about time na umalis na siya sa resort dahil medyo mahaba na rin ang nagawa niyang pamamalagi sa naturang lugar.

She stood up abruptly and went to her cabinet. Kinuha niya iyong luggage niya at initsa iyon sa kama niya. Isa-isa niyang tinanggalan ng hanger ang mga damit niya na nakasampay sa loob ng cabinet. Nang matapos ay tiniklop niya ang mga ito at isinilid sa luggage niya. Mabigat ang loob niya habang ginagawa iyon medyo naiiyak pa nga siya dahil mukhang hindi pa siya handa na umalis sa resort. Pero sa tingin niya talaga ay kailangan na niyang umalis. Nang matapos siya ay lumabas siya ng cabin at humarap sa pinto ng cabin ni Angelo. She needs to ask for her car keys. Kailangan din niyang tanungin ang binata tungkol sa sasakyan niya. Simula nang manatili siya sa resort ay nakalimutan na niya ang tungkol sa sasakyan niya at nagtataka rin siya kung bakit hindi na siya tinawagan ng kanyang boss na si Caleb.

Itinaas niya ang kamay niya at akmang kakatok sa pinto ni Angelo pero naunahan na siya dahil may biglang nagbukas ng pinto. She saw a woman wearing Angelo's t-shirt. Parang may kung ano siyang kirot na naramdaman.

"Hi..." she greeted the woman. Maganda ang babae na nasa harapan niya tantiya niya ay kaedad niya lamang ito. Medyo morena ito at malalaki ang mga mata nito, naayon lang naman sa mukha nito.

The woman smiled at her. "May kailangan ka ba miss?" tanong nito sa kanya.

"Sino 'yan Tessie?" sigaw ni Angelo.

Tessie... Tessie... Ito ba iyong ex ni Angelo?

"I guess someone is looking for you babe." sagot ni Tessie kay Angelo. Hindi nagtagal ay dumungaw na rin si Angelo sa pinto. Nakatapis siya ng tuwalya sa bewang niya.

Hindi na niya dapat pang tanungin pa ang dalawa kung may nangyari ba sa kanila dahil halata na naman sa mga itsura nito. Nasa harapan niya na ang sagot at iyon ang masakit na katotohanan.

She feigned a smile when Angelo's gaze darted on her. "I —I just came here to ask for my car keys. Hiningi mo kasi iyon nang pinaayos mo ang kotse ko."

She thanked all the angels from above because she was able to speak without stuttering. Pinatatag niya ang loob niya kahit parang gusto na niyang magwala dahil sa nadatnan niya.

Kumunot ang noo ni Angelo. "Bakit? Aalis ka na ba?"

"Yes. May kailangan —"

"No! You don't have to leave!" Tumaas ang boses ni Angelo habang matalim na nakatitig sa kanya. She gulped hard. Umigting ang panga nito at nakakuyom ang kamao nito.

"Pero —" she tried to appeal.

"Hindi! Hindi pwede Khen." sigaw nito sa kanya. Napatingin si Khen kay Tessie ngunit ang pinagtataka niya ay nakangisi lamang ang babae habang nakamasid sa kanilang dalawa ni Angelo. Diba dapat ay magalit at magtaka na ito kung bakit ganito ang pakikitungo ni Angelo sa kanya?

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon