11. Set-up to Surprise

3.3K 109 5
                                    

Hindi mapakali si Khen habang nakaupo siya sa tabi ni Caleb. Ihahatid daw siya ng amo niya sa ospital kung saan dinala si Angelo. Nang matanggap niya ang tawag na galing kay Maria Norme, hindi kaagad siya naka-react. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Caleb at inalok siyang dalhin sa ospital kung saan nasa ospital si Angelo. Abot-abot ang kaba niya. Kung pwede lang sana niyang utusan si Caleb na liparin na lang nila ang daan papuntang ospital, ay matagal na niyang ginawa iyon, pero it's impossible.

Napatingin sa kanya si Caleb. "You should calm yourself," anang Caleb.

Napaingos siya dahil sa sinabi ni Caleb. "Hindi ko magagawa 'yan. I am freaking worried here. Kung pwede ko lang talagang gawin na magteleport ay matagal ko ng ginawa 'yon, but I don't have any powers," frustrated niyang sumbat kay Caleb. Nakita niya ang pag-supil ni Caleb ng ngiti.

"Shit! Bakit nag-stop pa?" sigaw niya nang magkulay-pula ang traffic light. Pakiramdam ni Khen ay para siyang mababaliw kapag hindi niya nalaman kung ano ang kalagayan ni Angelo sa ospital. At kahit ang universe ang sinusubukan talaga siya.

Napaiyak nalang siya dahil sa frustration na nararamdaman niya. She thought about what Angelo said to her earlier. Namiss siya nito? Mahal ba siya nito? But she can feel it the way he expressed his feelings to her. Bakit pa kasi siya nagpakipot? Mahal naman niya ang binata. Napahikbi siya dahil sa tingin niya ay ang tanga-tanga niya.

"Hey... What's wrong? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Caleb sa kanya.

"I just love that man. Bakit pa kasi ako nagpakipot kanina," she wrinkled her nose. Alam niyang namumula na iyon. "Kung hindi ako nagpakipot siguro hindi siya naaksidente ngayon. Paano kapag huli na ang lahat — Omygod! Mamatay akong virgin!" napahagulgol na ng iyak si Khen.

"You now sounded like my wife, Khen," naiiling na komento ni Caleb sa kanya. But she doesn't care about Caleb's comment, what she wants is to arrive at the hospital as fast as she could.

The green light took over. Nabuhay ang pag-asa sa kanyang puso. Pinunasan niya ang mga luha na nagsialpasan sa mata niya. Ayaw niyang isipin ni Caleb na nababaliw na talaga siya. Kung pwede lang bago siya tuluyan matakasan ng bait ay sana makita niya kung ano ang kalagayan ni Angelo. She couldn't afford to lose the that her heart wants. The man who showed her what is the true meaning of love.

"You love him don't you?" saglit na sumilip si Caleb sa kanya at muling itinutok ulit ang mga mata sa kalsada.

Napangiti na lang siya nang maalala niya ang unang pagkikita nila ni Angelo. Stranded siya noon at hindi na umaandar ang kanyang sasakyan na dala. She was helpless at that time. Masyadong wild ang imagination niya kaya ano-ano nalang ang naiisip niya. She thought about ghosts and wild animals in the middle of nowhere. Parang gusto niyang ipasalvage si Caleb dahil sa ginawa nitong pagtapon sa kanya sa Cebu para hanapin ang resort ng mga Arcena, but a modern prince charming came when she was already helpless. Tinulungan siya ng prinsipeng iyon, but she never knew na ang prinsipe pala na tumulong sa kanya ay ang mismong may-ari ng resort na binabalak niya puntahan. Palpak man siguro ja maituturing ang plano nila ni Caleb pero dahil na rin sa ginawa nito ay nakilala niya si Angelo.

Nakangiti siya habang nakatingin kay Caleb. "Paano mo nalaman na mahal mo si Joy?" she asked him instead of answering his question.

"I realized that I love her the moment she offered herself to be my mistress. That's how selfless she was — She was willing to take away the pain even if it will cause her to be in pain also."

Nasa mukha ni Caleb ang labis na kasiyahan at pagmamahal sa asawa nito. Isa ito sa mga magandang katangian ng boss niya. Sobra-sobra itong magmahal. Si Angelo kaya? Ano kayang klaseng lalaki si Angelo kapag ito ang napangasawa niya.

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon