Epilogue

4.5K 128 13
                                    

"Trisha!"

Khen was smiling from ear to ear as she looked at her face in the mirror. Hindi niya maipaliwanag ang kaba at excitement na nararamdaman niya. She was wearing a white gown adorned with lace and beads. Hindi niya kayang i-explain kung ano ang suot niya ngayon, but she had already received a lot of compliments from the people in this four-walled room. Ngayon lang niya nalaman na ganito pala siya kaganda kapag naayusan. Inabot niya ang kaheta na may logo ng isang sikat na jewelry shop sa Pilipinas. May pares ng hikaw at kwintas ang nasa loob ng kaheta. Isa-isa niyang isinuot ang mga alahas para bumagay ito sa gown na suot niya.

Nag-init na naman ang gilid ng kanyang mga mata. Kanina bago siya inayusan, umiyak muna siya sa bisig ng kanyang ama. Matagal na rin kasi silang hindi nagkita dahil nasa ibang bansa ang kanyang ama, nagtatrabaho ito bilang isang manager ng hotel sa Dubai. Ang ina niya naman ay nakamasid lamang sa kanilang dalawa ng ama niya.

"How do you feel, Khen?" nakangiting tanong ni Joy sa kanya. Itinaas niya ang mukha at dinungaw si Joy sa salamin.

"I don't know... Masaya ako."

Joy fixed Khen's hair. Inabutan din siya ni Joy ng panyo para punasan ang luha na nagbabadya ng tumulo. She was still looking at the mirror.

"It took a year before you two get married," anang Joy.

Tama si Joy. Matapos ang naging confrontation nilang dalawa ni Angelo, naging abala silang dalawa sa kani-kanilang mga trabaho. May mga panahon pa nga na halos hindi na sila magkausap at wala nang oras para magkita dahil si Angelo ay nasa Cebu pa rin. Si Khen naman ay marami pang inaasikaso sa trabaho. She was obliged to find Caleb a new secretary, kaya nawala sa isip nila ang tungkol sa kasal.

Marami silang pinagdaanan ni Angelo na pagsubok sa isang taon nilang naging magkasintahan. May punto pa nga na muntik na silang maghiwalay dahil sa demands ng trabaho ni Caleb. Naisip ni Khen na hindi niya kaya ang ganoong buhay. Ayaw niyang maghintay nang maghintay para sa oras ng asawa niya. She wants him fully. Alam niya na ang selfish pakinggan, but she doesn't care.

But Angelo loves her so damn much kaya lumuwas ito ng Metro galing pa ng Cebu. He apologized, at sa labas mismo ng opisina ni Caleb, hiningi ni Angelo ang kanyang kamay. Her heart was throbbing so fast at that time, parang gusto nitong sumabog anytime soon. She said yes as her answer. The next thing she knew, umiiyak na si Angelo habang nakaluhod. Khen was wondering why, but Angelo told her na masaya lang daw ito. And now, after a year of waiting to be tied with this man... Finally!

Khen never looked for love. It suddenly came without any hint. Kusa na lang siyang nagmahal. She didn't regret loving Angelo in the island of Daanbantayan. The island was the witness to their journey. She thought magiging dalaga siya forever, but right now, hawak na niya sa kanyang mga kamay ang kasiyahang matagal na niyang hinahangad. She is more excited to open the next chapter of her life together with Angelo.

Angelo...

Every time her lips say his name, an overwhelming feeling would start to wrap around her.

"Are you ready?" The wedding coordinator asked her. She smiled and nodded. "Just smile, future Mrs. Arcena," dagdag pa nito.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bouquet na hawak niya. Nasa labas siya ng simbahan... nakatayo at kinakabahan dahil sa oras na buksan na ang pinto ng simbahan ay wala na itong atrasan. Hindi na pwedeng bawiin at hindi pwedeng lumingon pabalik.

"Pakibukas na," utos ng coordinator sa dalawang lalaking magbubukas ng pintuan ng simbahan.

Naipikit ni Khen ang kanyang mga mata ng dahan-dahan buksan ang pintuan ng simbahan. Her heart was pounding so hard in her chest. Her hands were so damp while holding the bouquet. She let out a deep sigh and started to open her eyes. Nang maidilat na niya ang kanyang mga mata, bumungad sa kanya ang mga pamilyar na tao sa buhay niya. They were all wearing peach. Umikot ang kanyang mga mata sa kabuoan ng simbahan, parang may hinahanap... Dumaong ang tingin niya sa dulo ng simbahan at napangiti siya ng makita ang hinahanap nito. He was wearing an Armani suit. Hindi niya alam kung anong word ang pwedeng gamitin para i-describe ang mapapangasawa niya. Gwapo... Handsome... Those words are just an understatement. He is like a demi-God that landed her on earth, and she's the luckiest woman on earth to capture the demi-God's heart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon