3

3.7K 127 5
                                    

"KAILAN ka uuwi dito?" tanong ng kaibigan niya na nasa kabilang linya. Vanessa Nellas is her one and only best friend. Nakilala niya ito sa isang fashion event na siya ang nag-organisa.

"Hindi ko pa alam, e. Hinihintay ko pa rin ang go signal ni Caleb," sagot niya sa kaibigan niya. Itinaas niya ang kanyang paa habang nakatanaw sa karagatan. Nasa labas lamang siya ng cabin niya, nakaupo sa rocking chair ni Angelo.

"What?! Bakit mo pa kailangang hintayin ang go signal ng boss mo?! Don't tell me may lalaking involved kaya hindi ka makaalis sa resort na 'yan?" sigaw ng kaibigan niya sa kabilang linya.

Itinirik niya ang kanyang mga mata dahil sa akusasyon ng kanyang kaibigan. Parang hindi siya kilala nito. Alam nitong hindi kaya ng mga lalaki ang manipulahin siya. Ilang lalaki na ba ang sumuko dahil sa attitude niya? They say that she's frigid and stiff. Kahit pagdating sa relasyon, hindi rin siya gaanong nagbibigay ng spice. Basta may matawag lang siyang boyfriend ay ayos na sa kanya. Never been kissed and never been touched pa siya.

"Walang lalaki, Van. I am just enjoying myself here," aniya sa kaibigan.

"Enjoying? Kailan ka pa natutong mag-enjoy, Khen Trisha Rosales?" panunuya ni Vanessa sa kanya.

"Tao ako, gaga!" natawa siya. "Ngayon lang ako nagka-oras kaya susulitin ko na."

"Baka hindi ka na umuwi dito ha?"

"Uuwi ako dahil may trabaho pa kaya ako na kailangan na atupagin diyan sa Metro," sagot niya. Hindi niya alam kung bakit iniisip nito na hindi na siya babalik pa sa Metro. Kahit medyo nasasanay na siya sa buhay na mayroon dito sa resort, kailangan niya ring harapin ang realidad.

"I have to go, Khen. May lakad pa si Gi—" biglang paalam ni Vanessa.

Maagap niyang pinutol ang sasabihin ni Vanessa. "You're stalking Gideon again?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Her friend is getting insane!

Vanessa laughed at the other line. "He's going to marry me anyway."

She shook her head. "One year pa lang simula nang mamatay ang asawa ni Gideon, gusto mo na ulit pumalit."

"Huy! Hindi naman sa ganoon. Ang bad ko naman kapag ganoon," anito. Alam niyang nakasimangot na sa kabilang linya si Vanessa. Limang taon na niyang kilala ito kaya alam na niya kung ano ang itsura nito kapag pinag-usapan si Gideon at ang nasirang asawa nito.

"Then you think what you are doing now is good?" she asked her friend.

Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Vanessa sa kabilang linya. "Nakakabaliw ang pag-ibig, Khen," Vanessa heaved a sigh again. "Para siyang droga na hindi ko kayang maalis sa sistema ko."

Napaubo siya dahil sa tinuran ng kaibigan niya. "Ang lalim ng hugot!"

"Totoo kasi iyon," anito. "Wag ka munang pumasok sa mundo ng pag-ibig, Khen. This is just a little tip," payo ni Vanessa sa kanya. Balak niya sanang biruin pa ito kaso pinutol na nito ang linya.

Napabuntong-hininga siya. Ano kaya ang magiging itsura niya kapag na-in love na siya? Nakakabaliw nga kasi talaga ang pag-ibig. Ayaw niya na magaya sa kaibigan niya. Buti na lang ang boss niya ay halata namang mahal ito ni Joy at sa pagkakaalam niya ay maayos na ang dalawa. Narinig niya nga mula kay Angelo na kinasal na raw si Caleb sa Casa Herrera. Hindi man lang siya nito inimbita. Hmp!

Tumayo si Khen para kunin ang pocketbooks na baon niya. Wala siyang balak na mag-swimming dahil pakiramdam niya ay ang itim na niya. Balak niya sanang kausapin si Angelo dahil gusto niyang magtrabaho sa Kara's restaurant. Si Angelo kasi ang may-ari ng naturang restaurant at nabuburo na rin siya dahil wala siyang masyadong magawa dito sa resort.

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon