"NEXUS, sleep now, little one," sabi ni Angelo habang iniyuyugyog si Nexus. Natatawa pa nga si Khen habang pinagmamasdan ang binata dahil halatang naiirita na ito dahil kanina pa nakadilat si Nexus parang wala pa itong balak na matulog. Inaayos kasi ni Khen ang duyan na gawa sa kumot. Naisipan niya kasing gumawa na lang ng duyan sa loob ng cabin niya para hindi sila mahirapan sa pagyugyog kay Nexus.
Nang matapos siya, pinagmasdan niya nang mabuti si Angelo. Naramdaman na naman niya ang pagtibok ng puso niya at alam niyang mali ang nararamdaman niya pero gusto niya. Gusto niya kung ano ang namumuo sa loob niya. Kung may katawang tao lamang ang kanyang puso ay matagal na niya itong binugbog dahil naiinis siya sa pabigla-biglang paglakas ng pagtibok nito. Hindi na iyon normal. Ngayon lamang siya nakadama ng ganoon. And the kiss... The kiss they shared. Hindi dapat niya iyon hinayaan na mangyari kasi mas lalo siyang maguguluhan.
"Khen, ayaw talaga niyang matulog," tawag nito sa kanya animo'y nanghihinga sa kanya ng tulong. Napangiti siya at nilapitan ito. He looks so frustrated.
"Ako na ang mag-aalaga sa kanya. Bumalik ka na lang sa cabin mo," sabi niya habang kinukuha si Nexus sa mga bisig nito. He gave Nexus to her.
"No, tutulungan dapat kita diba?" tutol nito sa kanya.
"Pero you are tired, Gelo. Ako na lang," she insisted. Umiling si Gelo.
"No. Dito na lang ako matutulog para kapag may kailangan ka madali mo lang akong matawag," sabi nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya at sinang-ayunan na rin ang suggestion nito. Nahiga si Angelo sa kama niya at agad na nakatulog. Bakas sa mukha nito ang sobrang pagod. Patuloy pa rin si Khen sa pagyugyog kay Nexus with matching pagkanta pa kahit di naman siya magaling kumanta.
Mayamaya lang ay nakatulog na rin si Nexus. Hapong-hapo niyang inilagay sa higaan si Nexus sa tabi ni Gelo at tinabihan niya rin ito. Nakapagbihis na siya kanina kaya diretso na siya sa higaan. Tinabihan niya si Nexus at Angelo, bale nasa gitna nila si Nexus. She planted soft kisses on Nexus' forehead. Papaidlip na siya nang maramdaman niya ang pag-angat ng ulo. She opened her eyes and saw that Angelo was putting her head on his arm. Nakahiga siya sa braso ni Angelo at naramdaman na naman niya ang bigla-biglang pagkabog ng dibdib niya. Pinakatitigan niya si Angelo. Nakapikit ang mga mata nito. She drew a deep breath and sighed. Mali itong nararamdaman niya. Di dapat siya mahulog kay Angelo. Di dapat siya mahulog sa kahit na sinong lalaki.
NAGISING si Khen na wala na si Nexus at si Angelo sa tabi niya. Nag-unat siya ng mga braso at kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi kasi panay ang iyak ni Nexus at hindi naman niya pwedeng gisingin si Angelo kasi tulog mantika ito. Natawa pa nga siya dahil doon lang ito nagising ng umihi si Nexus sa kama. Siya na ang nagbihis kay Nexus at si Angelo na ang nagtimpla ng gatas para makainom na at makatulog ang baby.
Bumangon siya at pumasok sa banyo para makapaghilamos at makapag-toothbrush siya. Ipinusod niya ang buhok niya at lumabas siya ng cabin niya para hanapin si Angelo. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap dahil nakita niyang papalapit sa kanya si Gelo. May dala itong malaking box. He waved at him. Kinilig na naman siya pero pilit niyang pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
"Ano 'yan?" tanong niya nang makalapit si Angelo sa kanyang gawi. Ang laki ng box at parang alam na niya kung ano ang nasa loob.
Nabigla siya dahil hinawakan ni Angelo ang kanyang mukha. Parang may tinatanggal ito sa bandang mukha niya. Napangiti na lang siya. The sweet version of Angelo is what she is seeing right now.
"Kasal nila Maria at Zee ngayon. Imbitado tayo," imporma nito sa kanya.
"Di pa ba sila kasal?" tanong niya rito habang nakakunot-noo.
BINABASA MO ANG
Khen (SGSeries2)
RomanceMay magagawa pa ba Khen para iligtas ang trabaho niya o may magagawa pa ba siya para iligtas ang puso niya na mahalin ang binatang si Karl Angelo Arcena?