"Gago!" bulong ni Khen sa sarili niya nang buksan ni Angelo ang pinto ng kotse nito sa gawi niya at hinila siya paalis sa kinauupuan niya.
Genleman siya? Super tagos sa bones ang pagkamaginoo nito.
"You are staying here for free." anito at hinila siya papasok sa resort. May guard pa na naka-duty at may iilan pang mga turista ang nagkakatuwaan sa iba't-ibang offer ng resort. Inaamin niya sa sarili niya na maganda talaga ang resort ng Angelo na 'to pero inis pa rin siya rito.
"Kaya ko naman na magbayad kaya magbabayad ako." pagmamatigas niya rito. Pilit niyang hinihila ang kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak ni Angelo.
"Okay triple ng actual price ang babayaran mo dito sa resort." wika nito ng hindi siya nililingon nito.
Inis na inis siya sa binata. Tama ba naman na gawing triple ang babayaran niya pananatili niya rito sa resort. Huminto sila sa isang cabin na malapit sa dagat. Wala siyang nakikitang tao na umaaligid sa paligid. Masyadong tahimik ang pwesto ng cabin niya. Inilibot niya ang kanyang mga mata may nakita siyang isa pang pinto sa tabi ng cabin niya.
"May nakatira rin dito?" tanong niya kay Angelo. Sinususian nito ang pinto ng cabin niya. Lumingon sa kanya sa kanya si Angelo at tinignan ang tinutukoy niyang kwarto.
"Oo."
"Sino?"
"Ako kaya wag mo akong gapangin di kita type." anito sa kanya at pinasadahan siya nito muli ng tingin mula ulo hanggang paa. Inirapan niya lang ang bwesit na si Angelo.
Binigyan siya nito ng space para makadaan siya papasok sa cabin niya. Nang makapasok siya ay agad niyang isinara ang pinto kahit alam niyang nasa labas pa si Angelo. Narinig niya ang pagsigaw nito mula sa labas.
"You bitch! Humanda ka sa akin." sigaw nito sa likod ng pinto. Pinipigilan niya naman ang mapabunghalit ng tawa.
Hindi siya makapapayag na manipulahin siya ng may-ari ng resort na ito. Gagawa siya ng paraan para maging miserable ang buhay ni Angelo dahil sa pagdating niya.
KINABUKASAN ay naisipan ni Khen ang maglibot-libot sa buong resort. Gusto niya rin kasing makita ang pagbukang-liwayway. Nakalimutan na niyang magbihis kagabi dahil sa sobrang pagod tapos ang nakakainis pa ay iniwan lamang ng Angelo demonyo ang maleta niya sa labas ng cabin niya. Hindi man lang nag-abala ang mokong na katukin siya para mapasok naman niya sa loob ang mga gamit niya.
Tinext na rin niya si Caleb pinaalam na niya sa amo niya ang nangyari sa kanya at expected na niyang pagagalitan siya nito pero wala siyang pakialam. She's done with her part. Di naman niya kasalanan kung mastranded siya diba?
Tumayo siya sa baybayin. Natatamaan ng tumatama sa kanyang mga paa ang tubig sa dagat. Yinakap niya ang sarili niya nang maramdaman niya ang paghaplos ng hangin sa kanyang balat.
She was peacefully seizing the moment. The sound of waves is a music in her ears not until she heard something screeching from behind. May multo rin ba sa resort? Kinikilabutan siya pero dahan-dahan siyang lumingon para makita kung ano ang mayroon sa likuran niya.
Nabigla siya ng may makita siyang dalawang anino ng tao sa likuran niya bale nasa may batuhan kasi siya nakapwesto. May malaking bato na nakaharang sa kanya pero kitang-kita niya pa rin ang dalawang anino.
"Ohhhhh!!! I love that Karl. L -Lick my pussy!" narinig niyang tinig ng isang babae at alam niyang galing iyon sa isa sa mga aninong naglulumpungan.
Nasusuka siya dahil sa narinig niya gusto niyang malaman kung ano ang mukha ng babae dahil curious siya. She moved a little bit closer to the rock formation. Mas lalo niyang narinig ang mga halinghing ng dalawang tao na nagmimilagro sa batuhan. Gosh! Di ba nila afford ang hotel or cabin sa resort para doon na lang sila maglumpungan at hindi sa public places. Hindi na niya talaga maintindihan ang mga tao ngayon. Akala niya sa love lang nagiging irrational ang mga tao hindi niya alam na pati kapag tiglibog din pala.
BINABASA MO ANG
Khen (SGSeries2)
RomanceMay magagawa pa ba Khen para iligtas ang trabaho niya o may magagawa pa ba siya para iligtas ang puso niya na mahalin ang binatang si Karl Angelo Arcena?