4

3.7K 120 8
                                    

"WHAT'S the plan after this?"

Napalingon si Khen kay Kara na nasa likuran niya lamang. They were attending Sunday's mass. May maliit na chapel kasi sa loob ng resort at doon idinadaos ang misa. Isa-isa nang nagsilabasan ang mga tao, pero ang mga kasamahan niya ay hinihintay muna na humupa ang mga tao bago sila tuluyang lumabas.

"Let's have a drink, Kara," suhestiyon ni Rale, ang chef sa Kara's restaurant. Katabi niya si Rale at matagal na niyang napapansin ang pagpapalipad-hangin nito sa kanya, but she chose to ignore him. Hindi rin naman siya magtatagal sa naturang resort.

"Inuman daw? Ano okay ka, Khen?" tanong ni Kara sa kanya.

Tumango siya at ngumiti kay Kara. Matagal na rin siyang hindi nakakatikim ng alak. It's time for her to loosen up a bit.

Nang tuluyan na silang makalabas ng chapel, sumalubong sa kanila si Angelo kasama ang babaeng nakausap niya kahapon at ang asawa nito. Gwapo rin ang asawa ng babaeng nakilala niya kahapon. She does not remember her name. Nginitian niya lamang ito pero nabigla siya dahil tinawag siya ni Angelo. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. She felt weird when it comes to Angelo.

"Khen, isama niyo muna si Maria sa activities niyo for today. May pag-uusapan kami ni Zeechan, e."

Hindi na siya nakaimik pa, basta na lang itong umalis kasama ang kaibigan nitong si Zeechan na asawa raw nitong si Maria. The girl named Maria smiled at her. Hindi pa rin siya makahuma sa sinabi nito sa kanya kahapon. Iniisip niya minsan kung baliw na ang babaeng ito.

"Hi Maria, mag-iinuman kami, ano join ka?" si Kara ang nagtanong kay Maria.

Hindi na narinig ni Khen ang sagot nito dahil naglakad na siya palayo sa mga ito. Sanay na ang mga ito sa kanya ewan lang niya kung masasanay ba si Maria sa attitude. She is slightly cold and distant when it comes to people that she barely know.

"Intindihin mo na lang si Khen," narinig niyang bulong ni Kara kay Maria. Narinig kasi niya na nagtatanong ito kung ayos lang ba siya. Huminto sila sa Kara's restaurant. Pumasok sila at pumwesto sa isang bakanteng table.

Pumasok muna ng kusina si Kara para manduhan ang mga tauhan nito. Sunday for Kara is her free day. Nagbibigay lang ito ng mga instructions bago tuluyang umalis at magliwaliw. Tumabi sa kanya si Maria. This girl somehow reminded her of her mother. Palagi kasi itong nakangiti at she sees how vibrant and glowing she is... maybe because of love.

"You don't like me. I can sense it," pagsisimula ni Maria.

Napalingon siya rito at umiling. "N—No...Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong niya.

She shrugged her shoulders. "Hindi mo kasi ako kinakausap," kastigo nito.

"I—I was just surprised with what you said yesterday," pagsasabi niya ng totoo. Hindi kasi siya makatulog dahil sa sinabi ni Maria sa kanya.

Is she into Angelo? No! Hindi siya naniniwala sa madaliang pagmamahal o pag-ibig. Walang nakukuhang matino kapag minadali. You can feel the essence of love if you really worked hard for it. Attracted? Y—Yes, maybe she is attracted to Angelo. Gwapo si Angelo at nasa iisang lugar lang sila. There is really a possibility na ma-attract siya sa binata.

Tinapik ni Maria ang braso niya dahilan nang pagkapalingon niya rito. "Don't think about it. Isipin mo na lang na hindi ko iyon sinabi sa'yo. It is better if you go with the flow. Discard the thoughts and let's enjoy," anito na sinabayan pa ng palakpak.

Tumango siya at tinawanan ito. "Yes. I am sorry for not noticing you, Maria," she smiled at her.

"Nah! Okay lang iyon, ano ka ba?"

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon