9

3K 104 5
                                    

Kahit anong pilit ni Khen na iwala sa isip niya si Angelo ay hindi niya pa rin magawa. That man keeps on assaulting her mind. Gusto na niyang makalimot dahil alam niya naman sa sarili niya na wala siyang puwang para kay Angelo. Alam niya sa una pa lang ay mahal ni Angelo si Tessie na dating nobya nito. Ano lang ba naman siya? Isang estrangherog napadpad lamang sa resort nito.

Ipinilig niya ang ulo niya at ibinalik ang mga mata sa monitor ng sariling computer. May bagong resort siyang tinitignan dahil na rin sa utos ng boss niya na si Caleb. Wala naman sigurong ideya ang boss niya sa naranasan niya sa puder ni Angelo. Nang makabalik sya sa trabaho ay hindi siya kinausap ng boss tungkol sa resort. Mukha wala na itong balak na bilhin ang resort ng mga Arcena.

"Magandang Buhay Khen! Kumain ka na?"

Napaangat ng tingin si Khen nang may biglang nagsalita. In front of her was Caleb's wife. All smiles ito habang nakatingin sa kanya. Medyo halata na rin ang umbok ng tiyan nito. Buntis na kasi si Joy sa panganay nila ni Caleb.

Napasandal si Khen sa kanyang upuan at pinakatitigan si Joy. Ganito ba talaga ang mukha ng taong inlove? Joy seems so happy with her husband. May kislap ang mga mata nito na hindi niya nakikita sa kanyang mga mata.

"Mahirap bang mahalin si Caleb?" she asked out of the blue.

Nanlaki ang mga mata ni Joy at sinamaan siya ng tingin. "Khen! Buntis ako respeto naman. Kung gusto mo ang asawa ko back off dahil ako ang mahal ni Caleb." Mataray na sita nito sa kanya.

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi para pigilan ang sarili na matawa pero hindi nya nagawa. Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ni Joy.

"Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa—"

"Ewan ko sa'yo Mrs. Kintanar Wala naman po akong gusto sa asawa ninyo. Ang wild ng imagination ninyo." Natatawa ko paring wika habang kaharap ko ang nakasamingot na si Joy.

Si Joy na siguro ang pinakagusto ni Khen sa lahat ng mga naging jowa ng amo niya. Ito lang kasi ang naiiba sa lahat. Hindi nga niya akalain na ito ang makakasama ni Caleb habang buhay. She never thought that Caleb would marry again. Ito na ang pangalawang beses na nagpakasal si Caleb and ito na rin ang huli. Naabutan pa ni Khen ang dating asawa ni Caleb pero hindi niya bet iyon mas bet niya si Ma'am Joy. Mabait kasi ang huli at palabiro pa hindi kagaya noong unang asawa ni Caleb na si Marimar na may alagang aso na si Pulgoso na puro sakit lang ng ulo ang ibinibigay sa amo niya.

"Bakit mo natanong kasi?" Tanong nito sa kanya.

Napabuntong-hininga si Khen dahil sa tanong ni Joy. Bakit nga ba niya natanong ang ganoong bagay? Dahil ba alam niya sa sarili niya na mahal na niya si Angelo pero hindi niya dapat mahalin ang binata dahil wala lang naman sia para rito. May Tessie na ito at sapat na si Tessie para sa kay Angelo.

She shook her head and disregard her own question. "W-wala lang. I was just--"

"Dahil ba kay Angelo?" tanong ni Joy na ikinabigla niya.

"H-hindi. Sinong Angelo?" pagkakaila niya pa. Hindi niya alam kung bakit alam ni Joy ang tungkol kay Angelo. Wala naman siyang pinagsabihan tungkol sa nangyari sa kanya sa Cebu maliban kay Vanessa at hindi naman magkakilala sila Vanessa at si Joy.

"You  don't have to deny it. Nalaman ko kay Caleb ang tungkol sa inyo ni Angelo."

"Paano nalaman ni Caleb?" she asked again.

She doesn't know if how Caleb gathered information about her stay in Cebu. Hindi magkakaoras ang boss niya para i-monitor ang mga galaw niya habang nasa Cebu pa siya. And why would he do that? Wala namang rason.

"Hindi ko rin alam kung paano pero kinikuwento ni Caleb sa akin ang mga nangyayari sa inyo ni Angelo. At kinikilig pa nga ako sa inyo, e. I ship you kaya!" parang batang pinagdaop pa ni Joy ang kanyang mga kamay habang nangagarap na nakatingin sa akin.

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon