10

3.3K 102 3
                                    

Hindi mapakali si Khen nang mapansin niya ang isang pink na sobre na may korteng puso na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mga files na dapat ay ipapasa niya sa kanyang boss ngayon.

Kunot noo niya itong kinuha at bahagya pa niyang ininspeksyon bago ito tuluyang buksan. Hindi niya alam kung saan galing ang sobre na hawak niya ngayon. Marahan niyang pinagmasdan ang bawat parte ng sobre.

Nagtataka man ay agad niya itong binuksan para malaman kung ano ang laman ng sulat. Kumunot ang noo niya nang mapansin na wala namang kahit anong lamang ang sobre. Muli ay sinuri niya ang sulok ng sobre at napansin niyang may maliit na letra. K.A.A.? Anong ibig sabihin ng mga letrang nasa sobre?

Nagtataka man ay isinantabi niya muna ang sobre at bumalik na sa pag-aayos ng mga files na gagamitin ng kanyang boss na si Caleb. Isa-isa niyang iniayos ang mga dapat pirmahan ni Caleb ng biglang may nagsisigawan at nagtitilian sa labas ng opisina ni Caleb. Gumapang kaagad ang kuryusidad sa kanya kaya agad siyang lumabas para mag-usisa. Pero laking gulat ni Khen nang makita niya ang isang pamilyar na mukha na ina-escort ng mga gwardya ng building. She suddenly felt a loud thump in her chest cavity. Her palms were so damp. She immediately rubbed her both hands to her tight mini skirt, which she doesn't usually wear. Pati ang lalaki na hawak-hawak ng mga security guard ay nakatanga lamang sa kanya. Hindi niya alam kung paano na naging nasa gitna na siya at ang mga empleyado ay nasa gilid na niya.

"Khen..." She called her name in desperation. Desperation? Why? Nagha-hallucinate lang ba siya?

Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit sa kinatatayuan ni Angelo. Nang makalapit na siya ay agad na itong binitawan ng mga security guard.

She gulped and feigned a smile. "What are you doing here, Angelo?" Oh God! How much she missed calling him by his name.

Naghuhumentado pa rin ang puso niya pero kailangan niyang magpanggap para hindi mahalata ni Angelo na apektado siya sa presensya nito. Kahit gusto na niyang damputin si Angelo at paulanan ng halik dahil sobra siyang nangungulila sa binata, but she needed to suppress it. Ayaw niyang magmukhang cheap kay Angelo.

The security guards let go of his both arms. Ngumiti si Angelo sa kanya. May kung anong emosyon siyang nababasa sa mga mata ni Angelo, but she couldn't name it.

"H-How are you?" Tanong ng binata sa kanya.

"I am doing good."

"Are you free as of this moment?" Muli ay tanong ni Angelo sa kanya.

Nagtataka man ay sinagot niya pa rin si Angelo. "Oo, bakit?"

"Let's have lunch together," paanyaya nito sa kanya.

Well, honestly hesitant siyang sumama kay Angelo dahil sa maraming rason. Una, baka makita sila ni Tessie. Pangalawa, nasasaktan siya kapag nakikita niya si Angelo dahil hindi niya pa rin mabaon sa limot lahat ng mga pinagsamahan nila sa resort na pagmamay-ari nito sa Cebu. At pangatlo ay --

"Mr. Arcena, my secretary has a lot of things to finish. It is still ten AM and this is not the right time to chase a woman," singit ni Caleb na hindi niya alam kung saan sumuot at bigla na lang itong sumulpot sa harapan nila. Her boss is wearing a three-piece suit that allows every girl in this building to drool -- well, except for her. Never naman kasi siyang nagkainteres sa amo niya. And again ito ang isa sa mga rason kung bakit nagdadalawang isip siyang sumama kay Angelo.

Nakita niyang nagdilim ang mukha ni Angelo. "I don't need to ask permission from you, Kintanar," angil ni Angelo.

"But you have to, as far as I've known ako ang nagpapasweldo kay Khen."

"And the hell I care!" angil ni Angelo na nagpagulat sa kanya. Nagsitakbuhan naman lahat ng empleyado pabalik sa kanilang mga pwesto. Ramdam na siguro nito na magkakagulo dahil hindi na halos maipinta ang mukha ni Angelo.

Khen (SGSeries2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon