Chapter 2: Bwisitor

105 4 4
                                    

Chapter 2: Bwisitor

"Tara na!"

"Teka dalhin mo itong mga gamit ko."

"Hoy trabaho ko lang ang i-guide ka papunta samin, hindi ang magbit-bit ng mga gamit mo! Hindi mo ko katulong. At FYI, 20years old pa lang ako at hindi pa ko MATANDA gets mo!??"

"Ok. Ok. Fine. Chill ka lang miss." paghabol niya sakin.

Umalis na agad kami sa train station.

Ano bang klase ng tao itong bisita ng tatay ko? Imagine 15minutes akong mukhang tanga na naghihintay sa station, katabi ko lang pala yung susunduin ko. Argh!

At the road.

"Yikes lupa yung kalsada?"

.

"Walang poste ng ilaw ng kuryente."

.

"Walang sasakyan."

.

"Ang boring ng paligid."

.

"Walang chiks!"

.

"Ang-"

"PWEDE ba! Tigilan mo nga yang pag iinarte mo ok? Kung ayaw mo dito sa lugar namin edi umuwi ka na, sige na sige na. Tsupi!"

"Hindi pwede. May mga dapat pa kong gawin dito."

"Yun naman pala. Edi manahimik ka dyan!"

My Gosh! Daig pa ang babae kung mag inarte. Watta guy?!

"Kian Lucero ngapala miss." sabay abot sakin ng kanang kamay niya.

Di ko naman siya pinansin at patuloy parin kami sa paglalakad.

Makalipas ang ilang minuto, sawakas malapit na din kami sa bahay. Masisiraan na ko ng bait dito sa kasama kong to. 7/11 ang bibig eh.

"Nandito na tayo." sabi ko.

"Woah! Ang ganda naman pala ng bahay niyo."

"Tuloy ka." sabay bukas sa gate.

Pasalamat ka at bisita ka ng tatay ko, kung hindi..naku sinipa na kita pabalik sa pinanggalingan mo.

"Nay nakabalik na po ako!" sigaw ko.

Inside the house.

"Bakit natagalan kayo?" tanong ni nanay.

Ba yan. Mahaba habang paliwanagan ito.

At ayun na nga ikinuwento ko ang lahat lahat ng pangyayari except dun sa nakakainis na ugali ng asungot na to. Kainis oh, tinitingnan pa ko. Nang aasar talaga eh.

"Ay ganun ba? Naku kian pasensya ka na ah? Wala kasing sasakyan dito. Bike lang ang meron kami, kaso hindi naman marunong mag bike yang si-"

"-Nay! Wag mo ng sabihin."

"Bakit anak?"

"Wala po, sige akyat muna ko sa kwarto ko."

Gusto ko munang humiga. Nakakapagod talaga ang maglakad ng sobrang layo.

"Oh teka iha, hindi ka pa nag-aagahan ah?"

"Maya nalang pong konti, mag papahinga lang ako saglit."

"Osige sabay na kayong kumain ni kian ah? Ihahanda ko lang ang pagkain nyo."

"Sige po." tumuloy parin ako sa kwarto.

At the bedroom.

Yay! Namiss kong humiga.

Nakakarelax talaga kapag may sariwang simoy ng hangin na pumapasok sa kwarto mo at may magandang tanawin. Tahimik ang paligid. Hayyyy ang gaan sa pakiramdam.

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon