Chapter 1: Arrive

138 5 0
                                    

Chapter 1: Arrival

*KRIIIIIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!* [Alarm clock]

Arrrrgh! Five minutes pa please!

Sabay patay sa alarm clock.

Ilang araw nalang pala mag sisimula na ulit ang pasukan. Matatapos na yung maliligayang araw ko. Kailangan ko nanamang gumising ng maaga at maglakad ng napakalayo papasok sa school! Hayy iniisip ko pa lang tinatamad na ko.

"Tiffy!"

Hmmmmm. Pakiramdam ko parang hindi naman ako excited. College life? Ano bang nakakaexcite dun? Dah!

"Tiffy ano ba?!!"

Ay kabayo! Ba yan! Umagang umaga ang ingay ng nanay ko.

"Bumangon ka na dyan!! May pupuntahan ka ngayong araw!" sigaw mula sa kusina.

Huh? Ngayong araw?

OMG! Muntik ko ng makalimutan yun!

Napatayo agad ako sabay ligpit ng pinaghigaan at tsaka pumunta sa kusina.

"Nay anong oras po ba ang dating nun?"

"8:30am, kaya mag ayos kana."

"Sige mommy maliligo na ko."

Hay ano ba namang buhay to. Bakit kasi nakalimutan ko yun? At isa pa, bakit ako pa ang dapat na gumawa nun? Hmmmm. Sabagay sino pa nga ba eh ako lang naman ang walang ginagawa dito sa bahay.

After 30minutes.

"Nay alis na po ako."

"Oh teka hindi ka pa nag-aagahan ah?"

"Mamaya na po pag-uwi. 7:45 na eh, kailangan maaga akong makarating."

"Osige mag-iingat ka ah?"

"Opo nay." sabay kiss sa cheek.

"Alis na ko." dugtong ko pa.

30minutes ang kakaining oras sa paglalakad papunta sa train station. May magagawa pa ba ko? Hindi naman ako marunong mag bike, mas ok ng maglakad.

Sinara ko ang gate at tsaka umalis.

Im Tiffany Valdez. 20years old. Dito kami nakatira ng magulang ko sa Obando, Bulacan. Dito na rin ako ipinanganak at lumaki. Dahil nga sa probinsya ang lugar namin, kakaunti lang ang sasakyan na dumadaan dito. Siguro 3 sasakyan sa isang araw? Ganun talaga dito samin. Hanap buhay namin dito ang pag sasaka, pag gugulay at pangingisda. Madalas kong tulungan sila nanay at tatay sa mga ganung gawain at nag eenjoy talaga ko dun!

Weird ngalang kasi kahit madalas akong mag bilad sa araw, maputi parin ang balat ko. Akala ko nga anak-araw ako pero sabi ni nanay nag mana daw ako sa lahi nila na mapuputi talaga. 5'5" naman ang height ko at long hair.

Isang bagay lang talaga ang kinaiinisan ko dito sa lugar namin. Ang maglakad sa malalayong lugar. Nakakapagod kaya! Kagaya ngayon, kailangan kong sunduin sa train station yung magiging bisita ni tatay.

Tiffania Recto-Valdez at Sany Valdez ang pangalan ng nanay at tatay ko. Siguro alam nyo na kung bakit Tiffany ang pangalan ko?

Grabe, napaka habang introduction yun ah!

Matapos ang mahabang paglalakad nakarating din sa train station. Teka anong oras na ba?

Uhmmm. Hanap hanap. Spotted! 8:30am. Buti nalang may relo dito sa station. Sakto lang pala ang dating ko.

Pero nasaan na yung tren? Dapat 8:30 na ka arrive na yun dito. Uhmmmm. Ah. Ewan. Hintayin ko nalang.

Naupo muna ko sa isang tabi habang nag hihintay.

Ang sabi sakin ni tatay nakasuot daw ng lightblue long sleeve polo at dark pants yung susunduin ko. Ang labo, hindi man lang sinabi kung anong itsura at kung matanda ba.

"E-excuse me miss."

"Po?" lingon ko.

"Pwede bang makiupo?"

"Ay sige lang po."

"Salamat."

Few minutes later.

Arrrgh!! Bakit wala pa din yung tren?! Sabay lingon sa relo.

8:45 na.

Matanong na nga yung security guard.

Nakita ko naman si manong guard na nag aayos ng mga upuan habang papalapit ako.

"Excuse me po manong." sabi ko.

"Ano po iyon ma'am?"

"Itatanong ko lang po kung dumating na po ba yung tren dito ng 8:30am?"

"8:30am? Ay opo. Napaaga yun ng dating ma'am. Kaninang 8:15 pa." paliwanag ni manong guard.

"8:15??"

"Opo ma'am. Bakit po? May problema po ba?"

"Wa-wala naman po. Salamat po."

Bumalik naman agad ako sa inupuan ko kanina.

8:15? Patay late na ko nakarating. Baka nag lakad na yun sa kung saan. Pero imposible eh, kasi isa lang naman ang kalsadang dinadaanan papunta dito sa train station. Isa pa wala naman akong nakasalubong papunta dito.

Arrrgggghhh!!! Kainis talaga!!

Ano ng gagawin ko ngayon?!

"Miss ayos ka lang ba?"

"Huh?" lingon ko.

"Hindi ka kasi mapalagay dyan eh."

"Ah hindi, may iniisip lang kasi ako."

"Baka matulungan kita?"

"Ay hindi na po. Hehe."

Kainis naman kasi eh. Paano ng gagawin ko? Baka naligaw na sa kung saan yung bisita ni tatay.

Marami pa din namang tao dito sa station. Baka nandito pa sya!

"Lightblue long sleeve polo at dark pants! Asan yun?!" sabi ko habang nagmamasid sa paligid.

"Long sleeve polo? Anong ginagawa mo miss?" tanong sakin ng katabi ko.

Di ko naman siya pinansin at nag masid parin ako sa paligid.

"May hinihintay rin kasi ako dito eh."

"Sino po?" tanong ko sakanya.

"Supposedly dapat kanina pa yun nandito eh. Ilang minuto na yung lumipas wala pa din."

"Baka naglalakad na yun kuya? Wala kasing sasakyan dito." paliwanag ko.

"Hindi ko alam, hindi naman kasi nagtetext eh."

"Ganun ba? Darating din yun. Hintayin mo nalang."

"Ikaw miss sinong hinahanap mo?"

"May susunduin kasi ako dito. Dapat kanina pang 8:30 eh. Kaso maagang dumating yun tren kaya hindi ko tuloy alam kung nasaan na yung susunduin ko."

"Taga saan ba yung susunduin mo?" tanong niya.

"Hindi ko alam eh. Bisita kasi ng tatay ko yun."

"Ganun ba? Ay teka."

Bigla niyang binuksan yung dala niyang bag at may kinuha sa loob.

"Heto oh. Alam mo ba yung address na ito?" turo ni sa papel.

#3 Tawiran, Obando, Bulacan. Teka address ng bahay namin to ah?? Tiningnan ko namang maigi itong katabi ko.

"Ikaw ba yung susunduin ko??" tanong ko sakanya.

"Bakit? Kilala mo ba kung kanino yung address?"

"Address ng bahay namin yan." sabi ko.

My God! Kanina pa ko dito, katabi ko lang pala yung susunduin ko.

Teka. Hindi naman siya naka polo. Vneck na fitted shirt at skinny jeans ang suot niya eh!

"Ikaw na ba yun? Sorry akala ko bata ang susundo sakin. Matanda pala."

ANO DAW???

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon