Chapter 6: Mad Goddess

52 3 0
                                    

Chapter 6: Mad Goddess

Campus queen? May ganun pala dito sa university?

At ang yabang pa niya umasta. May pa wave-wave pa ng right hand habang nakatayo. Wearing a fake smile.

Parang narinig ko na nga ang pangalan niya, pero saan at kailan naman? Hmmmmm. Ewan.

Pagkatapos ng klase lumipat na kami ng building ni Eunice, si Kian naman naiwan dun sa room. Sayang! Sana forever na talaga yung english subject namin.

"Tiffah bilisan mo maglakad! Gusto mo bang malate sa 2nd subject natin??"

"Oo na heto na!"

Nilectureran na ko ni Eunice. Kung anu-ano kasi itong pinag-iisip ko eh. Mag focus ka nga tiffany!

Kian's POV

Habang nakatanaw sa bintana.

Psh! Ang boring ng university na'to. Wala man lang interesanteng bagay. Hindi ko talaga mapapatawad ang babae na yun! Dito pa nya ko pinadala! Pwede naman sa UST, sa ADMU at La Salle.

Malilintikan talaga sakin yun!

"Yo!"

Napilingon naman ako.

"Hindi kasi pamilyar sakin yung itsura mo, bago ka lang ba dito sa lugar namin?"

Sino naman ang taong to? Oh i remember, sya yung tinitingnan ni Tiffany kanina. Ano nga ulit ang pangalan niya?

"Ah. Oo. Bakit?" sagot ko.

"Wala naman. James Anderson ngapala." sabay abot ng kamay sakin.

"Kian Lucero, nice to meet you. Classmate din ba tayo sa subject na to?" tanong ko pa.

"Siguro? I.T kasi ang course ko."

"Ganun ba? Parehas pala tayo." sabi ko.

"Kung ganon magkaklase tayo sa loob ng apat na taon? Nice to meet you din Kian."

Mukhang matino naman ang taong to. Maliban nalang sa mga babaeng nakatingin sa kanya dito sa loob ng classroom.

Tinatamad akong makipag usap sa kahit na sino ngayon. May 30minutes pa naman bago yung sunod na subject namin. Siguro-

"-San ka ngapala nakatira ngayon?" tanong niya.

Ah teka. Hindi ko ngapala pwedeng sabihin sakanya na nakatira ko sa bahay ni Tiffany at magkatabi kaming natutulog tuwing gabi.

Baka magalit si Tiffany. Nakakatakot panamang magalit yun.

Kailangan kong iwasan ang taong to. I need to trigger some event. Mag isip ka Kian. Isip!

"Pupunta muna ko sa restroom." sabay tayo sa upuan ko.

"Ah teka.."

Hahabulin pa niya sana ko pero buti nalang tinawag siya nung kasama niya.

Wew! Muntik na yun ah? Hindi ako pwede mag-imbento ng lugar kung saan ako nakatira dahil di ko panaman kabisado ang mga lugar dito.

Pag labas ko may commotion malapit sa tapat ng room namin. Anong meron?

*Hoy tumabi ka nga!*

Pag hawi sakin ng isang estudyante at lumapit dun sa pinagkakaguluhan. Badtrip yun ah! Pero ano bang meron dun? Puro lalake at bakit sila nakapila?

Naglakad ako para makalagpas dun sa pinagkakaguluhan nila. Sa pinakadulo nakita ko yung classmate naming campus queen na nakaupo sa table at pumipirma sa isang particular magazine.

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon