Chapter 8: Club

70 3 0
                                    

Chapter 8: Club

Mag kakaklase pala kaming apat sa araw na'to. Ako, si Eunice, si Kian at si James. Nagulat nga ako eh, kasi bigla nalang nakisama samin si James. Madali naman siyang makasundo. Kinakausap na din niya ko at si Eunice. Pero ako medyo naiilang pa.

Basta ang mahalaga natutuwa ko sa nangyayari! Haha!

After class, inside the classroom.

"Wow tiffah ang saya mo ngayon ah?" sabi ni Eunice.

"Minsan dapat maging masaya din tayo no." sabi ko naman.

"Weh? Eh baka naman dahil kay James yan?" bulong niya.

"Haaaaa? Hi-hindi no!"

"Naku ang dali mo talagang huliin tiffah. Bleeh! Haha."

"Sya ngapala may mga sasalihan na ba kayong club?" tanong ni James.

Speaking of club. Ngayon ko lang naalala ang tungkol dun.

Eh anong club nga ba ang sasalihan ko?

I hate sports club. Hindi naman kasi athletic ang katawan ko. Tsaka mabilis akong mapagod.

"Siguro sasali ako sa basketball club! Para maging varsity na din ako ng university na'to!" sabi pa niya.

"Talaga? Magaling ka ba sa basketball James?" tanong ni Eunice.

"Oo naman! Aba player yata ako ng basketball team namin nung nasa highschool pa ko."

"Wow ang galing naman! Ako gusto kong sumali sa tennis club, interesado kasi ako sa sports na yun e!"

Basketball, Tennis?

Hmmmmm. Parehas sports club yun. Haaaay anong club ba ang pipiliin ko?

"Ikaw tiffah, anong club ang sasalihan mo?" tanong sakin ni Eunice.

"Ah. Eh." hindi naman ako makasagot.

Napansin ko namang nakatingin si James sakin.

Ano nga ba? Hindi ko maisip. Nalilito ako....

"Ayos lang kahit hindi ka makapili ng club na sasalihan mo ngayon." sabi ni James.

"Ba-ba-basketball club! Sasali ako sa basketball club!!" out the blue bigla nalang lumabas sa bibig ko yun.

WAAAAAH!! Bakit yun ang nasabi ko??!!?

"Seryoso ka Tiffah?" tanong ni Eunice.

"Tamang tama sabay na tayong magpalista mamaya Tiffany!" pag aya naman sakin ni James.

Ano ba tong nangyayari sakin? Basketball club??

Tatagal ba ko dun?

"Kaso hindi ko alam kung kakayanin ko ang basketball." sabi ko.

"Wag kang mag-alala tuturuan kita, tsaka hindi mo naman kailangang pilitin agad ang sarili mo sa pag lalaro nun." paliwanag naman sakin ni James.

Tuturuan?? Te-teka? Ibig sabihin may possibility na kami lang dalawa sa gym ni James habang tinuturuan niya ko??

Kyaaaaaaaaaaaaaaa!

"Tiffah are you ok? Namumula ka."

"Uy Kian, ikaw anong club ang sasalihan mo?" tanong ni James.

"Uy! Tulala ka ata dyan?"

"Eh? Ano yun? May sinasabi ka ba?"

Anong problema ng asungot na to?

"Sabi ko, anong club ang sasalihan mo?" sabi ni James.

"Ah! Club? Hmmmmm. Siguro sasali nalang ako sa cooking club!"

Cooking Club???

Kian's POV

Ilang araw na din ang lumipas simula ng dumating ako sa lugar na'to. Ang masama pa niyan, wala pang progress sa mga plano ko.

AAAAAAARRRGGH!!

Ano bang dapat kong gawin?!

Ang magkaroon ng limang babae na magiging malapit kong kaibigan? Iniisip ko pa lang ang hirap na.

Napatingin naman ako kay Tiffany.

"Ba-ba-basketball club! Sasali ako sa basketball club!!" nalilito niyang sinabi.

Haaaay. Imposible. Lagi nga syang nagagalit sakin eh.

Nakakainis! Bakit ba kasi kailangan kong gawin ito? Kasalanan to ng ate ko eh! Humanda talaga siya sakin pag nagkita kami! Hindi niya iniisip ang nararamdaman ko!

"Uy! Tulala ka ata dyan?" kabig sakin ni James.

"Eh? Ano yun? May sinasabi ka ba?"

"Sabi ko, anong club ang sasalihan mo?"

Club? Hmm. Cooking club na lang siguro. Madalas kasi akong magluto sa bahay nung nasa Maynila pa ko. Tama yun nalang!

"Siguro sasali nalang ako sa cooking club!"

"Talaga? Hindi ko alam na magaling ka palang magluto." sabi ni James.

"Wow marunong ka magluto kian?" tanong ni Eunice.

"Hindi naman. Tama lang yung alam ko sa pag-luluto."

"Gusto kong matikman ang luto mo Kian." sabi ni Eunice.

"Hehehe sige ipagluluto ko kayo next time."

"Yey!"

"Oh sya tara na. Pumunta na tayo sa kanya-kanyang club na sasalihan natin. Tiffany sabay na tayo." sabay tayo ni James.

"Si-sige."

"Ah Tiffany hihintayin kita sa exit gate." sabi ko.

"Oo." sagot niya.

Pagkatapos nun lumabas na kaming lahat ng room at kanya-kanyang pumunta sa mga club na sasalihan namin.

Naaalala ko pa nung bata ako. Madalas akong mag experimento sa pag luluto. Imagine yung sabaw ng tinola nilagyan ko ng ketchup? Tapos yung pancit canton ko laging may sabaw. Oh diba ang galing ko? HAHA.

Madalas nga kong pagalitan ng ate ko nun eh.

Teka dito na ata yung cooking club room.

Binuksan ko naman yung pinto.

"Goodafternoon! Welcome po sa cooking club! ^.^"

"Eh?" gulat ko.

"Huh?" gulat niya.

"IKAW????!!!!" sabay naming bigkas.

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon