Chapter 4: BFF

74 4 0
                                    

Chapter 4:

"Ang lawak pala ng sakahan nyo? Kayo lang ba ang umaani niyan?" tanong niya.

"Oo. Pero katulong din namin yung mga kapit bahay namin. Bale binabayaran sila ng tatay ko sa pagtulong."

"Woah. Ayos ah?"

"Bakit kian?"

"Wala naman. Tara na aabutin na tayo ng tanghali dito."

Hay. Bakit ba kasama ko ang asungot na to? Sya lang ang dapat na gumagawa nito eh!

"Hoy asungot!"

"Oh? May iba pa ba tayong kasama?"

Lumingon naman sya sa paligid niya.

"Sira! Ikaw yung tinutukoy ko!"

"Sobra ka naman! Kian ang pangalan ko."

Aba mukhang napipikon yata? Maasar ngang lalo. Hehe.

"Bakit naman? Asungot ang gusto kong itawag sayo eh!"

"Fine. Bahala ka." nagpatuloy nalang sya sa pagtutulak.

Napikon ko ba? Sus peanut na peanut lang pala asarin ang lalakeng to.

"TiffyBabes, malapit na ba tayo?"

Ano daw? TiffyBabes?

Nang aaaar ba sya? Cute namang pakinggan. Well hindi nya ko maasar! Hahaha.

"TiffyBabes? Ang cute naman nun!" sabi ko.

"Cute ba? Tiffany Bebang kasi yun, pinaikli ko lang." paliwanag niya.

Tiffany? Bebang?

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

AMPANGET!!!!!!!

"Hoy ibahin mo yun! Di ko gusto yung tinawag mo sakin!"

"Ayoko nga. Cute naman ah? Ikaw na nga nag sabi."

Cute? Cute?

TiffyBabes = Tiffany Bebang??

NOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!

Ang baho pakinggan!

"Wag mo kong tatawagin ng ganun! Kundi malilintikan ka talaga sakin!!"

Di naman sya sumagot pero halata sa itsura nyang pinagtatawanan ako.

Errrrr. Apakan ko kaya ang paa neto.

Narating agad namin yung poso na nasa lilim ng puno ng mangga. Buti at kami lang ang mag-iigib. At dahil sa kontrata namin, si Kian lang ang gumagawa at ako? Heto nakaupo sa isang tabi.

"Nakakarelax pala dito no?" sabi nya habang umiigib.

"Ibig sabihin ba nyan nagugustuhan mo na dito sa probinsya?"

Umihip naman ang malakas na hangin.

"Medyo? Masasanay din siguro ako dito." sabi nya.

"Marami pang magagandang bagay dito."

"Tulad naman ng ano?"

"Basta."

Nagpatuloy na sya pag-iigib.

Makatagal kaya ang taoong to pag nagsimula na ang pasukan bukas? Mahirap din naman kasi yung lagi syang nagbibike at kaangkas ako.

"Teka tiffany."

"Bakit?"

"Ang ganda naman ng bahay na yun?"

Tinuturo nya yung bahay mula sa malayo na parang mansyon. Actually sa tagal kong nakatira dito sa lugar namin, kahit kelan hindi ko nalaman ang mga taong nakatira sa mansyon na yun.

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon