Chapter 14: His Feeling

49 3 0
                                    

Chapter 14: His Feeling

"Aba ang sarap?! Mahusay ka pala mag barbecque Tiffany!"

"T-talaga?"

Wow! Nagustuhan ni James yung barbecque na inihaw ko? ^.^

"Weh? Patikim nga." sabi ni Kian.

Expertise ko yata ang pagluluto no. Bata palang ako tinuturuan na ko ng mommy ko. At ang result? Ayan kita naman di ba? Hehe.

"Aba oo nga ang sarap Tiffany, ikaw rin ba ang gumawa nung sauce?" tanong ni Francine.

"Ah. Oo." sagot ko.

"Talaga? Ang husay mo naman. Bakit hindi ka sumali sa cooking club?" tanong ulit niya.

Ngayong natanong sakin ni Francine ang tungkol dun, Bakit nga ba hindi ako sa cooking club sumali? Kesa naman sa basketball club. Susuko ang katawan ko sa pagod. Pero ayos lang bastat lagi kong nakikita si James! Feeling ko isang gallon'g gatorade at pocari sweat ang ininom ko. Haha!

"Mas gusto ko kasing ma-exercise ngayong school year. Hehe."

Heto nanaman ang palusot.

"Tiffany baka nahihirapan ka sa mga training mo sa club natin? Sabihin mo lang para matulungan kita." pag-aalala sakin ni James with his cute look.

Ang bait bait talaga ng prince charming ko. Kyaaaaa!

"Oo medyo nahihirapan nga ako eh. Lalo na yung pag s-shoot ng bola?" sabi ko.

In fact hindi ko nagawang makapag shoot ng bola.

"Osige tuturuan kita." thumbs up nya sakin.

"Aba Tiffah mukhang close na kayo ni James ah?"

Sinisiko naman ako nitong si Eunice habang bumubulong. Close? Parang hindi naman. Sa totoo lang nahihiya pa nga akong lumapit kay James.

Pero kung titingnan mo si James ang cool ng dating niya. Matalino at gwapo pa. Sino ba namang babae ang hindi kikiligin sa kanya? ^///^

"By the way Tiffah, James is looking on you."

What?! Bigla naman akong napalingon. Errr. Si Eunice talaga trip na trip ako.

"Uy si Tiffah nag b-blush oh!"

Narinig kong bulong ni Eunice kay Kian.

"H-hindi no!" sabi ko.

Aba ayokong ako ang maging center of attention ng dalawang to.

I-tinopic ko naman yung tungkol kila Kian at Francine. Ayun inuulan na ng asar sila Kian at Francine kay Eunice.

Ang kulit ni Eunice parang bata lang kung mang asar. Haha!

"You know guys, Kian is cool."

Sabi ni Francine. Cool? Saan banda?

"Bakit naman Francine? Don't tell me na napagod ka sa paglalakad nyo kanina at binuhat ka nya? Ayihhhhh!" pang aasar ni Eunice.

"N-no! Ill never let down my pride like that! And its impossible to happen Eunice. Anyway its a secret." with a tease on her face.

May nangyari ba sakanila na hindi namin alam? Napalingon naman agad ako kay Kian.

"B-bakit Tiffany?" sabi niya.

"Hmmmmmm."

Napapaisip kong tingin sakanya. Eh teka nga! Bakit ba ko ginagawa to? Ano namang pakialam ko kung may something na nangyari sakanilang dalawa?

Ay kabayo! Ba yan!

"Haha. Tulala ka dyan Tiffany ah?"

Baliw talaga tong si James, alam namang may kiliti ako kahit saang parte ng katawan ko eh.

"Ah. Eh. May iniisip lang."

"Heto pa oh. Barbecque."

Alok niya sakin. Ipinagpatuloy ko nalang ulit ang pagkain. Walang mang yayari sa kakaisip ko ng kung ano. Sayang ang pagkakataong to, dapat mag enjoy! Magpapakabusog talaga ko ngayon!

Kinagabihan.

Pumunta ako sa likod ng rest house para magpahangin. Maganda kasi ang tanawin doon dahil tanaw mo ang buong kakahuyan kahit gabi.

"Ikaw pala Tiffany."

"Kian? Anong ginagawa mo dito?"

"Nagpapahangin." with his sad voice.

Dahan-dahan akong naupo ako sa tabi nya at gaya nga ng sinabi ni Kian, para magpahangin din.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Yep. Im ok."

"Weh? Parang hindi naman? You look different kasi."

"Tiffany, ano sa tingin mo yung pakiramdam kapag binigyan ka ng isang objective ng magulang mo. And that objective is the one you need to fulfill as soon as possible?" paliwanag niya.

"Eh? ASAP? Depende. Kung yung objective na binigay sayo ay nag conflict sa pagkatao mo or bagay na hindi mo gusto mahirap syempreng gawin yun. Pero kung hindi naman-"

"-I see."

"Bakit Kian?"

"Wala naman."

"Sabihin mo na. I know theres something about what you said early. I will listen."

Sabi ko at tsaka ngumiti sakanya.

"I need...." sabi nya.

"Hm? You need what?"

"I need to conquer 5 girls to be my girldfriends." he said slowly.

"Sus! Girlfriends lang pala eh. Madali lang yan!" pagyayabang ko pa.

"Kasintahan i mean."

Ahhhhh. Kasintahan pala. Si Kian talaga, nandito naman ako.

"ANOOO???!!"

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon