Chapter 19: Tale of a Beautiful Devil

52 3 0
                                    

Chapter 19: Tale of a Beautiful Devil

"Tingnan mo nga naman, i didn't expect to meet you in a place like this Mr. Loner, or shall i call you Mr. Nerd? Ha! Ha! Ha!"

"Ha? I am not that kind of guy anymore so please stop calling me with those non-sense name."

Tinalikuran ko siya para muling ilagay sa loob ng bodega itong stove na kanina ko pa binubuhat.

"May permission ka ba para mag lagay ng gamit dyan sa loob ng bodega?" tanong niya habang nakapa-mewang ang tindig.

Pahakbang na sana ko sa loob ng bodega nung sinabi nya yun. Permission? Kanino naman? Eh inutusan lang naman ako ni Francine na ilgay ito sa loob.

"I guess you don't, am i right?" hirit pa nya.

"Ah. Eh. Hindi ko alam ang sinasabi mo." lingon ko sakanya.

"Ahaha! Youre such an idiot! Hindi ba dapat mag paalam ka muna sa SSC para maglagay ng kung anong gamit sa bodega ng school? Well hindi na katakataka sa isang tulad mo na hindi alam ang tungkol dun. Ikaw ang tipo ng tao na hindi nag babasa ng rules and regulation ng university. Ohh?!! Now i can call you Mr. Idiot!"

At proud na proud pa sya sa pag sabi nun ah? Totoo naman yung sinabi niya, wala talaga akong hilig sa pag babasa ng rules and regulation handbook. Nakakainis talaga ang babaeng to. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng lugar sa mundo, dito ko pa makikita ang Jinri na'to! Asar! Teka? Dito rin siya nag-aaral?

"Hoy tigilan mo nga ang pang aalaska mo sakin. At bakit nandito ka? Hindi ba dapat sa Lyceum ka nag-aaral? or sa abroad?" tanong ko naman sakanya.

"Uh. Eh. Bakit ka ba nakikialam?? Sa gusto kong mag-aral sa ganitong lugar e!"

"Talaga lang huh? -.-"

Her fullname is Jinri Mae Santos. May taglay talaga siyang kayabangan at sanay na ako dun. Were classmates since highschool at kilalang kilala ko na talaga ang ugali niyang mayabang at may pagka kontra bida, pwede rin na pabida? or bida-bida? Gusto niya kasi palaging sya ang center of attraction. Siguro dahil siya ang pinaka maganda sa school namin at galing sa mayamang pamilya. Were not even close, gaya nga ng sinabi niya loner ako at may pagka nerd noong high school. Wala kasi akong kaibigan noon at madalas siya pa ang nambubully sakin.

"Hindi mo ba alam light suspension ang parusa sa hindi pag papaalam sa pag gamit ng bodega? Too bad for you Kian." sabi niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong alam sa mga pinag sasabi mo?" sabi ko naman.

Mabuti pa bumalik nalang ako sa club room at sabihin kay Francine ito kesa kausapin ang taong to.

"Hoy, saan ka pupunta?!" sigaw niya.

"Babalik nalang ako sa club room namin."

"Club?" sambit niya.

"Oo. Bakit? Hindi mo ba alam yun?"

"Alam ko yun noh!! Anong akala mo sakin? Tulad mo?" mayabang niyang bigkas sabay irap sakin.

"Ah ewan. Sige dyan kana." sabi ko.

Lumakad na ako pabalik sa club room. Pag minamalas ka nga naman Kian, sa ganitong lugar ko pa makikita ang Jinri na yun? Dapat kong syang iwasan bago pa masira ng tuluyan ang college life ko.

Pag balik ko naman sa room sinabi ko agad kay Francine ang nangyari. Sinabi naman niya na wala akong dapat ipag alala dahil as long as gamit ng isang club ang ilalagay sa loob ay ayos lang. Pang aasar talaga ang Jinri na yun. Napagod tuloy ako kakabuhat sa stove.

"Ah. Francine bukas ko nalang ilalagay sa bodega yung mga gamit. Tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka."

"Sure." sabi ni Francine na tutok parin sa panonood ng tv.

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon