Chapter 13: Her Smile

43 3 0
                                    

Chapter 13: Her Smile

"Kian wait!"

"Tingnan mo Francine, puno ng mangga yun di ba? Wow naninilaw yung mga bunga!"

"Oo nga mukhang masarap!"

"Tara pipitas muna ko." aya ko.

"Eh teka. Baka mahirapan ka na sa pag bitbit ng mga sanga?"

"Ok lang yan, ikaw naman ang mag dadala nitong mapipitas kong mangga."

"Osige. Pero wag masyadong marami ah?"

Umakyat agad ako sa puno at tsaka namitas ng mga hinog na mangga. Tamang tama mag papagawa ako kay Tiffany ng mango shake mamaya. Matagal ko ng hindi natitikman yun.

"Kian alam mo pa ba kung saan tayo dumaan?" tanong ni Francine.

"Ah. Tungkol dun hmmmm hindi ko alam. Hehe."

"ANO???!!! Ibig sabihin naliligaw na tayo ngayon??"

"Siguro? Relax ka lang hahanapin natin mamaya yung daan pabalik sa picnic." sabi ko.

"Paano kung hindi mo makita?"

"Hmmm. Ipag dasal mo nalang na makakita tayo ng bahay na gawa sa candy dito sa gitna ng kakahuyan." pabiro kong sagot.

"HA?! Baliw! Kasi naman eh. Sabi ko naman sayo wag na tayong lumayo sa picnic ground kanina. Paano na tayo ngayon?"

"Kasama mo naman ako. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo." sabi ko habang pumipitas.

Ok na siguro to. Baka mahirapang magdala si Francine. Pababa na sana ko ng puno ng biglang.

"Kyaaaaaaaaaaaa!!"

Francine! Napalingon agad ako sakanya.

"A-ahas!" natatakot nyang sigaw.

Isang ahas ang nasa tapat ni Francine at nakatingin sakanya. Di ito pangkaraniwang ahas kasi kulay green ang itsura nito.

Dahong palay!

Yun ang tawag sa ahas na yun sa pagkakaalam ko. Makamandag ang ahas na iyon!

"Francine wag kang gagalaw!" sigaw ko.

"Kian tulungan mo ko! T-takot ako sa ahas!" na nginginig at halos mapaupo na sya sa takot.

Bumaba agad ako at kumuha ng isang sanga na nakuha namin kanina. Tsaka ko tinaboy yung ahas. Mabuti nalang at napaalis ko agad. Napaupo naman si Francine sa sobrang takot.

"Francine ok ka lang? Wala na yung ahas. Ligtas ka na." sabay hawak sa balikat nya.

Di naman sya sumagot at napansin kong nanginginig sya. Isinandal ko nalang ang ulo nya sa dib-dib ko at tsaka hinimas ang ulo niya hanggang sa mahimas-masan. Hindi ko alam na may phobia pala sa ahas ang babaeng to. Mabuti nalang at walang masamang nangyari sakanya.

Pag balik namin sa rest house naabutan naming nag hahanda na sila James at Tiffany para sa pag ba-barbecque. Mukhang magkasundo silang dalawa ah? Ginawa kaya ni Tiffany yung sinulat ko sa papel?

"Wow ang dami nyong nakuhang panggatong Kian ah?" sabi ni Eunice.

"Hehe. Medyo mabigat nga eh." sabi ko naman.

"Ugh. Papasok muna ko sa loob ng bahay."

"Huh? Francine ayos ka lang ba? Parang namumutla ka?" pag aalala ni Eunice.

"Wala ito, napagod lang ako sa paglalakad namin ni Kian."

"Eh? Hoy Kian baka may ginawa kang kalokohan kay Eunice? Umamin ka!"

"Ha? T-teka Eunice wala no. Malayo lang kasi yung nilakad namin."

Hindi ko na sinabing nakakita si Francine ng ahas kaya sya namutla. Ayokong mag alala sila Eunice.

"Ngapala Eunice namitas ako ng mangga. Heto oh."

"Wow ang dami!"

"Hehe. Ikaw ng bahala dyan ah? Ipag tabi mo nalang ako kahit tatlong piraso."

"Sige. Gagawa ako ng fruitshake! ^.^"

"Kian." tawag ni Tiffany.

"Oh? Bakit?" tanong ko.

"Samahan mo muna kong bumili ng uling sa labas."

"Bakit hindi nalang si James?" sabi ko.

"Busy sya sa pag hahanda ng barbecque. Sige na samahan mo na ko."

"Ok. Ok."

Habang naglalakad.

"Kamusta naman kayo ni James? Ano nagawa mo ba yung nakasulat sa papel?"

"Uhm. Kasi." nahihiya niyang bigkas.

"Hm? Ano?"

"Kinausap naman agad ako ni James kanina at naging maayos naman yung pag-uusap namin kaya hindi ko na nagawa yung sinasabi mo."

"Ganun ba? Edi mabuti king ganon. Anyway mga topic at conversation lang naman yun kung sakaling hindi ka makagawa ng pag-uusapan nyo." paliwanag ko.

"Maraming salamat ah?"

"Huh? Salamat saan?"

"Kasi tinutulungan mo ko."

"Hay wala yun! Oh sya next step na tayo." sabi ko.

"Next step?"

"James notice you now. Ang kailangan naman ay mainlove sya sayo. Gawin yung mga bagay na makakapag pasaya sakanya."

"Ha??! P-pero paano naman yun?"

"Alamin mo kung anong mga gusto niya. Sa pagkain, lugar, libangan at kung anong tipo nya sa isang babae. Mas mapapabilis ang pag conquer mo sa puso niya."

"O-okay. Hay sana lang magawa ko."

"Kaya mo yan. Tutulungan naman kita kaya wag kang mag-alala."

Nag simula na sa pag iihaw si James kasama si Tiffany. Kitang kita sa itsura ni Tiffany na nag eenjoy sya sa ginagawa niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya.

[End of POV]

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon